Chapter 2

6.3K 146 4
                                    

"THIS IS all your fault!"

Kung puwede lang kalimutan sa isang iglap ang kalokohang nagawa niya kanina ay nahiling na niya sa Maykapal. Basta na lang niya binato ang baril sa kama at mabilis na lumabas sa kwarto na iyon.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag ay mabilis na dinial ang number ng kanyang pinsan.

"I told you to give me a place where I can stay!" bulyaw niya dito.

"Hindi ako nagtatae ng bahay, Elissa."

Nanggigigil na siya sa kanyang pinsan. Kung puwede lang magteleport, sisiguraduhin niyang mapupuruhan niya ang magandang mukha nito sa isang suntok lang. "Hindi mo sinabing bahay ito ng kaibihan mo!"

"Nagtanong ka?"

"Kailangan pa bang itanong iyon?! Binigyan mo 'ko ng susi ng bahay na ito malamang iisipin kong sayo ito!" kulang na lang umusok ang mga tenga niya sa sobtang galit sa kausap.

"Martin is a good guy. You can stay there, at his place. Hindi ko lang nasabi agad na darating ka."

"Sinadya mo 'to!" sigaw niya na nahiling niyang masira ang eardrum nito. "You let me came here kahit na alam mong may tao dito at iisipin kong sayo ang bahay na 'to!"

"That's why we are Madrigal. You're so smart."

Naikuyom niya ang kamao niya sa pang-aasar pa nito sa kanya. Gusto niyang ibato ang cellphone pero syempre wala pa siyang pamalit dito kaya nakapagpigil pa siya.

"Sabi ko naman sa'yo, tutulungan kita sa problema mo. Ayan na oh, tinutukan mo pa ng baril."

"Letse!" Narinig niya pa ang pilyo nitong tawa sabay baba ng tawag sa kabilang linya.

Wala siyang magawa kundi ang manghinang sumalampak sa sofa. Iniikot niya ang paningin sa buong sala.

Shet, Elissa! Ano pang ginagawa mo dito!

Naipagdikit niya ang kanyang mga palad at napasabunot sa kanyang buhok. Ano nang gagawin niya? After ng insidenteng pagtutok ng baril, may lakas ng loob pa ba siyang tumuloy sa bahay na iyon?

Saan naman ako pupunta? Hindi ako puwedeng tumuloy kina Auntie Sabel. Si Joseph lang ang nakakaalam na umuwi na ko dito sa Pilipinas. At panigurado kapag umuwi ako doon ay hindi nila ako tatantanan sa last will testament nila mama at papa!

Napabuga pa siya ng malalim na paghinga. This is totally a mess! And she doesn't know what to do. At mas lalong nagpabigat ng pakiramdam niya ay kung magso-sorry ba siya o hindi sa may-ari ng bahay.

Of course not! This is all Joseph's fault! This is that jerk's fault! Biktima lang kaming dalawa ng kalokohan ng lalaking iyon!

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong nilabasan niya kanina. Lumabas doon ang lalaking tinutukan niya ng baril. May suot na itong t-shirt at may dalang unan at kumot.

"Katatawag lang sa akin ni Joseph," paunang sbai nito. "You can stay at my room. Dito na lang ako sa sala. Inayos ko na yung isang cabinet sa may kaliwa, you can put your things there."

Pero tumayo siya at kinuha ang bag niya. "Aalis na lang ako."

"Saan ka pupunta ng alas dose ng madaling araw?"

Kumunot ang noo niya. Anong pinapalabas ng lalaking ito? "Magche-check-in ako."

"You don't have any credit cards and no allowances."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. And yes! He's right! Damn that Joseph! Hindi man lang siya nito pinahiram ng pera!

"Bakit dito ka matutulog sa sala? Yung kabilang kwarto? Sino natutulog doon?" usisa niya. "Girlfriend mo?"

Imbes na sagutin ay kinuha nito ang maleta niya at pinasok sa loob ng kwarto nito. "May pasok ako bukas. Gusto ko nang matulog."

Inirapan niya ito. Sungit! Nagtatanong lang naman siya ah! "P-Puwede naman tayong dalawa sa loob." Shet, tama ba yung suhestyon niya?

Pero seryoso lang ang mukha ng lalaki nang sabihin niya iyon.

"Sabi ni Joseph mabait ka daw. Siguro naman sa lahat ng sinabi niya, kahit iyon lang, tama siya."

"Bilisan mo," at pumasok na ito sa loob ng kwarto, hila-hila ang kanyang maleta.

"Wait!" sabay habol dito hanggang sa loob ng kwarto. "Saan ako matutulog?"

Nakita niyang may kinuha itong kutyon mula sa likod ng mga cabinet. "You'll sleep at the master's bed. Dito na lang ako sa baba. May extra'ng kutyon naman ako dito."

Tumango-tango siya. Kahit papaano naman mukhang tama ang pinsan niya. Hindi naman niya kinakitaan ng pagiging barumbado ang lalaki. Kahit noong tutukan niya ito kanina ay kalma lang ito. Hindi rin ito gumawa ng aksyon na iisipin niyang gaganti ito sa kanya.

"You can use the bathroom," saka ito humiga sa kutyon na nilatag nito sa sahig. Nakatalikod ito sa kanya. "Good night."

---------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant