Chapter 25

4.4K 106 0
                                    

"DAHAN-DAHAN LANG!"

Halos sabay nagising sina Martin at Elissa kanina. Napagpasyahan ni Martin na magluto na ng kanilang hapunan. Dahil wala pa si Mariel ay siya na ang nagkusang magluto para sa kanila. Nakikita na niya ang mukha ng kapatid kapag nalaman nitong pinakialaman na naman niya ang kusina. Hiniling ni Elissa na mag-afritada sila kaya pinagbigyan niya ang kasintahan. Kaso nang ilalagay na nito ang tomato sauce ay hindi sinasadyang nasagi niya ang kamay nito ang tumapon sa damit ni Elissa ang tomato sauce. Mabilis na kumuha siya ng pamunas sa damit nito kaso mas kumalat nag mantsa sa damit nito.

"Maglinis ka muna sa banyo," pinatay niya ang kalan saka niya iginaya si Elissa sa loob ng k'warto. "Pasensya na."

Ngumiti si Elissa sa kanya. "It's okay. Sauce lang 'yan."

Hinatid niya ito hanggang sa pinto ng bathroom room. "Maglinis ka na muna. Iaabot ko na lang ang damit mo."

Tumango-tango ito sa kanya. "Salamat," saka ito pumasok sa loob.

Mabilis na tinungo niya ang cabinet ni Elissa. Nagulat siya nang tambak na mga damit nito ang bumungad sa kanya. Anong damit ang kukunin ko? Naghanap siya ng komportableng t-shirt. Halos mahalukay niya ang loob ng cabinet. May mga nahulog na rin na pinagdadampot niya. Grabe namang kagulo ng cabinet nito? Inisa-isa niya ang mga damit doon hanggang sa makapili siya ng matinong t-shirt at pants. Napangiti siya sa kulay ng damit. It's his favorite, navy blue and white pants. Napangiwi siya nang maisip kung ano pang kailangan ni Elissa. Hinalungkat niya ang laman ng cabinet kung may makikita pa siya.



MABILIS NA binalik ni Elissa ang damit na suot niya kanina kahit na may mantsa pa iyon. Naalala niya ang sinabi ni Martin bago siya pumasok ng bathroom. Hindi nito puwedeng pakialaman ang cabinet niya.

Hindi niya puwedeng makita iyon!

Halos bumalik sa kanya ang alaala ng mga magulang niya paglabas niya ng bathroom at makita si Martin na nakatayo sa tapat ng cabinet niya. Naipangtakip niya sa bibig ang mga palad. Nangingilid na ang mga luha niya. Gusto niyang lumapit dito pero hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob para humakbang. Nagtataka ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Nababasa niya rin ang pagkagulat sa mukha nito.

"You're not going to tell anyone, right?" umaasa siyang mangingibabaw ang pagmamahal ni Martin sa kanya kaysa sa serbisyo nito.

Unti-unti itong humarap sa kanya, hawak ang bagay na tanging alaala ng mga magulang niya. "B-Bakit na sa'yo ito?"

Ramdam niya ang gulat sa boses ni Martin. Pilit niyang pinakalma ang sarili kahit na alam niya na anumang oras ay guguho na ang mundo niyang pinilit buuin ulit. "Let me explain, Martin."

"Bakit na sa'yo ito?!"

"T-That's mine, Martin," alam niyang anumang oras ay babagsak na ang mga luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata.

"Sayo?" ani Martin na may pagtataka. "Ninakaw ito sa mansion ng mga Belgrad tatlong taon na'ng nakakalipas."

Umiling-iling siya. "Maniwala ka, akin 'yan. Alaala 'yan ng mga magulang ko." Lumapit siya rito para bawiin ang painting pero iniiwas ito ni Martin sa kanya.

"Alam mong hinahanap ko ito pero hindi mo sinabi? Alam mong hawak ko ang kaso nito pero hindi ka nag-abalang sabihin sa akin? Nasa bahay ko lang pala ang hinahanap ko?"

Hinawakan niya si Martin sa braso. "Martin, that painting is mine. Maniwala ka. Hindi ko 'yan ninakaw," tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "That painting is my father's treasure. Hindi ko kayang mawala 'yan."

"Sino si Lucio M.?" seryoso ang tono ng boses nito.

Napakagat-labi siya sa tanong ni Martin. Hindi na rin niya siguro maitatago ang totoo. Hindi na rin niya kayang magtago sa lalaking pinakamamahal.

"He's my father."

------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt