Chapter 15

4.8K 120 1
                                    

NAKAHINGA NA nang maluwang si Martin nang lumusong na sa pool si Elissa. Si Jessa naman ay nag-walk-out matapos ang eksenang ginawa ni Elissa. Samantalang siya ay naupo na lang ulit sa bench at pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa magasin na dala niya kahit na wala naman siyang maintindihan sa binabasa. Kahit hindi niya aminin, wala naman sa magasin ang isip niya kundi sa ginawa ni Elissa kanina. Hindi na niya kilala ang sariling kinikilos tuwing malapit sa kanya si Elissa.

Busy ang dalawang babae sa paglangoy sa pool nang may makanakaw ng pansin niya. Naririnig niya ang boses ng isang grupo ng lalaki na papunta sa direksyon nila. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa gilid ng pool.

"Ahon na," utos niya sa dalawa. "Bilis."

"Pero kuya!" angal ni Mariel. "An gaga pa, e."

"Aahon ka d'yan o ako hihila sa'yo?" panakot niya sa kapatid.

Lumapit si Elissa kay Mariel. "Sige na, Mariel. Ahon na tayo."

Palihim na napasalamat siya kay Elissa sa pagkukubinsi sa kapatid. Habang tumatagal ay palapit ng palapit na ang boses ng grupo ng mga lalaki sa lugar nila. Sa itsura palang ng mga ito ay parang hindi na gagawa ng matino ang mga ito. Dalawang babae pa naman ang kasama niya.

"Bilisan niyo. Umuwi na tayo," inabot niya ang kamay ni Mariel para makaahon ito. "Mag-ayos ka na agad pagdating sa bahay."

"Ang KJ ni kuya," ani pa ni Mariel nang makaahon na ito.

Hinatid niya ng tanaw ang kapatid. Sakto namang paglingon niya kay Elissa ay nakaahon na ito. Bigla ring dating ng tatlong lalaki sa kabilang panig ng swimming pool. Hindi niya alam kung bakit bigla atang uminit ang ulo niya nang makita niya kung paano titigan ng mga lalaki si Elissa.

"Hi, Ms. Beautiful!" ani ng isa sa mga lalaki.

Hindi naman niya alam kung bakit mas lalong nag-init ang ulo niya nang lingunin ito ni Elissa at nginitian. Sa inis niya ay kinuha niya ang bath robe nito sa bench at ibinalot iyon sa katawan ni Elissa. Hindi na niya namalayan ang sunod na ginawa niya nang mabilis niya itong kinabig paharap sa kanya dahilan para mabunggo ito sa katawan niya. Sinamaan niya ng tingin ang tatlong lalaki.

"Sinong tinatawag niyong 'Ms. Beautiful'?" buo ang boses na sabi niya sa mga ito. "She's my girlfriend." May diin sa salitang 'girlfriend'.

Nahalata niya ang pagkataranta ng tatlong lalaki. Kilala siya ng mga ito. Kilala siya sa buong subdivision, na isa siyang pulis.

"Sorry po, Sir," hinging-paumanhin ng mga ito.

Hindi na siya nagsalita at hinila na niya si Elissa pabalik ng bahay. Nasa verandah pa si Mariel nang makaabot sila sa bahay. Nakita niyang natakot si Mariel nang makita siya. Ganoon na ba kasama ang mukha niya.

"Sa k'warto na ko magbibihis," mabilis na tumakbo ang kapatid niya sa k'warto nito.

Hindi naman niya namalayaan na hila-hila pa rin niya si Elissa hanggang sa kanyang k'warto. Hindi niya sinasadyang mahila si Elissa at mawala ito ng balanse nang bitawan niya at napaupo ito sa kama.

"Magbihis ka na," utos niya rito. Akmang lalabas na siya nang magsalita si Elissa.

"Galit ka ba?"

Humarap ulit siya rito. "Sabi ko magbihis ka na."

"Bakit ka ba nagagalit?"

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba siya nagagalit? Bakit ba siya nagkakaganoon ng dahil sa babaeng nasa harap niya? Bakit ba siya naaapektuhan sa bawat kilos ni Elissa?

"Ano bang ginawa ko at nagkakaganyan ka, Martin?" tumayo si Elissa para lumapit sa kanya pero umiwas siya.

"Bakit ayaw mo na lang sumunod?" Bakit ba ayaw na lang niya aminin na apektado siya sa ginawa nitong pagngiti sa tatlong lalaki kanina sa pool.

"Ayaw mo kasing sabihin kung bakit ka nagagalit!" med'yo napataas ang boses ni Elissa na ikinagulat niya.

But that makes him more frustrated. "Why are you doing this to me, Elissa!" napasigaw na rin siya na ikinagulat nito. Gusto man niyang bawiin ang sinabi ay hindi na niya nagawa. Mukhang hindi na niya kayang kontrolin ang sarili.

"Ano ba kasing ginagawa ko sa'yo?!"

Akmang hahawakan siya ni Elissa sa braso pero hinuli niya ang kamay nito. Med'yo napahigpit ang hawak niya. Naipangtungkod pa ni Elissa ang isang kamay sa dibdib niya na mas nagpagulo ng sistema niya. At he couldn't control himself anymore.

"You're making me crazy!"

------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Where stories live. Discover now