Chapter 1

8.9K 181 0
                                    

SHE CROSSED the J.R. Reyes Ave. towards Maryland St. to see the large gate of Natasha Subdivision. She signaled the security guards and they came to knock on her car's window.

"Magandang gabi po," her greetings to them. "Tama po ba itong address na ito?"

Phase 2 Block 16 Lot 1 Natasha Subd., Maryland St., J.R. Reyes Ave., Brgy. Tapis, Quezon City.

"Opo, Ma'am, dito nga po iyan," kumpirma ng gwardya. "Sino po ba sila?"

Sa wakas, nahanap niya rin. Ngumiti siya dito. "I'm Elissa Madrigal, dito ako tutuloy. Banggitin ko lang daw nung name ni Joseph Madrigal, he's my cousin."

Nakita niya na nagliwanag ang mukha ng gwardya at nakilala ang sinabi niyang pangalan.

"Ah, si Sir Joseph. Sige po, Ma'am, pasok na po kayo."

Binuksan na ng gwardya ang harang sa gate at tuluyan na siyang nakapasok.

"Ma'am, diretsuhin niyo lang poitong daan na ito tapos kanan po kayo sa crossing, andun po yung gate ng Phase 2, puwede po ulit kayo magtanong doon sa bantay kung saan yung block na hinahanap niyo."

"Maraming salamat po," nakangiti niyang sabi sa gwardya at nagtuloy-tuloy na siya sa loob ng sibdivision.

Nakita niya ang gate ng Phase 2 kaya nagtanong ulit siya sa bantay doon hanggang sa marating niya ang bahay na kanina pa niya hinahanap sa Waze.

Wala itong bakod kaya nai-park niya ang kanyang kotse sa parking space ng bahay. Inabot na siya ng gabi at madilim na ng buong subdivision. Maging ang buong bahay ay walang ilaw.

"Ayusin mo trabaho mo, Joseph!" nanggigigil na sigaw niya sa kanyang pinsan sa kabilang telepono.

Ngayon ang flight niya pabalik ng Pilipinas. Dahil na rin ipinagkatiwala siya sa kanyang Auntie Sabel at Uncle Lino ng kanyang mga nasirang mga magulang ay wala siyang choice kundi sumunod sa mga ito sa Pilipinas pagkatapos niyang maka-graduate ng Business Administration sa isang university sa New York.

"Chill ka lang, pinsan," ani ng pinakaaasar niyang pinsan. "Sinend ko na sayo ang address ng tutuluyan mo. Wala ka nang ibang poproblemahin kundi ang puntahan 'yan pagkababa mo ng NAIA."

Kahit ito na lang ang nag-iisa niyang kamag-anak ay hinding hindi niya gugustuhing humingi ng tulong dito kaso wala siyang choice. Ayaw niyang umuwi sa bahay nito kung nasaan din ang mga magulang nito. Nakikita na niya ang magiging usapan ng unang hapunan niya sa Pilipinas kasama ang mga ito.

Pipilitin na naman siya ng mga ito na maghanap na ng asawa. Kesyo nasa tamang edad na daw siya para lumagay sa tahimik.

"O, sige, isang oras na lang, flight ko na," paalam niya dito.

"Magpapasalamat ka sa akin dahil binigyan ko ng solusyon ang problema mo."

"Letse!" hindi niya nagugustuhan ang mga ganoong linyahan ng kanyang pinsan dahil kadalasang may pinaplano ang isang iyon sa kanya. "Subukan mo lang ulit akong i-goodtime, ibe-brainwash ko asawa mo!"

Narinig niya lang ang malutong na tawa nito saka naputol ang tawag sa kabilang linya.

Kung nasa harap niya lang ang Joseph Madrigal na iyon ay baka sinugod na niya iyon ng mag-asawang suntok! Kahit kailan talaga gustong-gusto siyang asarin ng pinsan!

Pero kahit mukha silang aso't pusa ay hindi niya naman maitatangging napamahal na siya sa pamilya nito. Ang mga magulang na nitong sina Sabel at Lino Madrigal ang naging pamilya niya nang mamatay sa sakit ang kanyang mga magulang noong sampung taong gulang palang siya. Kahit papaano ay ramdam niyang gusto lang ni Joseph na maramdaman niyang welcome siya sa pamilya kaso sa paraang lagi siya nitong inaasar at ginu-good time.

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Where stories live. Discover now