Chapter 21

4.4K 107 0
                                    

MARTIN WAS sitting in the table set at the garden of Madrigal when suddenly Joseph came in and placed a wine glass in front of him. Kasama ni Elissa si Julianne sa sala at masayang binabalikan ang aksidenteng nangyari sa kanila nang pagkamalan ni Julianne si Elissa na babae ng sariling pinsan. Ang mga magulang naman ni Joseph ay pumanhik na sa k'warto. Naiwan silang dalawa sa garden. Alam niyang malaki ang pasasalamat niya sa kaibigan.

"I never thought I would fall in love with your cousin," pauna niya rito matapos itong umupo sa kaharap niyang upuan. "Alam mo kung paano ko ipagtulakan ang pinsan mo para kunin mo."

Ngumiti si Joseph. "Hindi naman siya mahirap mahalin. Kahit na matigas ang ulo n'on, I know she would show her soft side."

Tumango-tango siya. Naalala niya kung paano sila mag-away dati but at the end of the day they will still care for each other.

"Hindi niya lang siguro naintindihan kung bakit ganoon ang iniwang last will and testament ng mga magulang niya. After she graduated, she thought she could start at Madrigal Enterprises. Nang dumating ang lawyer ng mga magulang niya sa bahay namin sa Amerika at binasa ang last will ay halos gumuho ang lahat ng plano niya. Graduate siya ng Business Ad pero hindi niya pala agad magagamit iyon. Before her 25th birthday, dapat ay may maipakilala siyang boyfriend kina mama that would pass their taste to become her husband."

Halos manlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang last will and testament na tinutukoy ni Elissa.

"Halos magdamag akong iyakan ni Elissa noon. Kahit naman aso't pusa kami kung mag-away, we are her only family and I want to help her to solve this. And honestly, ikaw ang unang pumasok sa isip ko to be her husband."

Gusto niyang tumayo at yakapin ng mahigpit ang kaibigan bilang pasasalamat sa ginawa nito sa kanila kaso mukhang magiging awkward kaya nanatili na lang siyang nakaupo. "You made me crazy about her. Hindi mo alam kung paano ako nabaliw sa pinsan mo. Hindi mo alam kung anong ginawa ng pinsan mo sa akin."

Natawa ito sa sinabi niya. "Nang dumating kayo kanina, I already know what happened. I just pretended that I didn't. And I know Elissa would also fall in love with you. Hindi naman siya mapili sa lalaki. 'Yong kaya lang siyang protektahan, and I know it's you."

He was overwhelmed of the trust that his friend was giving him. Siguro sa tagal na rin nilang magkakilala at magkaibigan ay ganoon na kalaki ang tiwala nito sa kanya.

"At alam kong hindi mo ako bibiguin, Martin."

"Pangako," they cheers their wine glass.

-------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon