Chapter 23

4.3K 97 1
                                    

NAUNANG NAGISING si Elissa kinabukasan. Napagmasdan niya ang maamong mukha ng kasintahan. Nagagalak ang kanyang puso na maayos ang relasyon nila ni Martin at tanggap pa ito ng Auntie Sabel at Uncle Lino niya. Nalaman niya ring binanggit na ni Joseph sa kaibigan ang tungol sa last will and testament ng kanyang mga yumaong mga magulang.

Dinala niya ang kamay niya sa pisngi ni Martin na nakaharap sa kanya at mahimbing pa rin ang tulog. Pinadausdos niya ang mga daliri mula sa noo nito pababa sa ilong papunta sa pisngi at bumagsak sa labi. Napangiti na lang siya nang maalala niya kung paano niya hinalikan ang mga labing iyon ni Martin. Those moments are the most special moments that she would never forget.

"Like it?"

At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang magsalita ang akala niya'y natutulog pang si Martin. Nahampas niya ang balikat nito nang idilat nito ang mga mata at matamis na ngumiti sa kanya.

"Galing magpanggap, ah!"

"Gusto mo naman," pang-aasar nito sa kanya.

"Hindi, ah!" bawi niya rito.

Pero nanatili ang matamis na ngiti nito. Inalis nito ang mga buhok na bumagsak sa kanyang mukha at iniipit sa likod ng kanyang tainga. "What a beautiful thing to start a day. Sana araw-araw ganito."

"Bakit naman hindi?"

Dinampian siya nito ng munting halik sa noo. "Good morning, my love."

"Good morning, my love," and she smiled at him, sweetly, full of love.

"Maghahanda muna ako ng almusal," bumangon si Martin mula sa pagkakahiga. "I want to prepare breakfast for my love."

Naupo siya sa kama. "Are yous sure?" natatawang tanong niya.

"Why?"

"Baka nakapaghanda na si Mariel," sagot niya.

"Samahan ko muna siya. Baka nagtatampo pa sa akin iyon."

"Sige," sagot niya.

Lumabas na ng k'warto si Martin samantalang siya ay napagpasyahan na mag-ayos na lang muna sa k'warto habang naghahanda ang kasintahan ng almusal. Inuna niyang ayusin ang kobre-kama. Binuksan niya ang bintana ng k'warto. Sinunod niya ang study table ni Martin. Sinalansan niya ang mga libro at files na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Inisa-isa niya ang mga libro at folder nang may biglang pumukaw ng pansin niya. This particular white folder makes her heart beat a little bit faster. She was shaking while holding it. She almost dropped it at the floor. Inisa-isa niya ulit kunin ang mga papel na nahulog sa sahig. Nagmamadali siyang ibalik ang mga iyon sa loob ng folder. Napahinto lang siya nang makita ang larawan na naka-print sa isang papel. And it makes her feel more uneasy. Mabilis na inipit niya ang papel na iyon sa white folder. Pagkasara niya sa folder ay nginig na binalik niya iyon sa ibabaw ng table. Naipantakip niya sa bibig ang mga palad nang mabasa niya ang nakasulat sa white folder.

Dystopia case?

Halos takbuhin niya ang cabinet kung saan niya tinago ang frame. Nangilid ang mga luha niya nang matiyak na nasa loob pa ang pinakatatagong alaala ng mga magulang. Tinakpan niya lalo iyon ng mga damit niya at mabilis na sinara ang cabinet. Nanghihinang napaupo na lang siya sa gilid ng kama. Hindi na niya napansin na tumulo na pala ang mga luha niya. Mabilis na pinunasan niya ang mga luhang bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Bakit niya hinahanap ang Dystopia? Bakit si Martin? Bakit si Martin pa! Halos masabunutan niya ang sarili dahil sa natuklasan. Hawak ni Martin ang kaso ng Dystopia. Bakit ngayon pa kung kailan maganda ang relasyon nila? Hindi niya kayang mawala lang na parang bula ang binuo nilang relasyon. Pero hindi niya rin kayang mawala ang mga alaala ng mga magulang niya. She doesn't expect this. Hindi niya inasahan na ang taong mahal niya na inaasahan niyang bubuo ulit ng mundo niya ang tuluyang sisira nito.

Bakit si Martin? Bakit si Martin pa?!

----------------------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Where stories live. Discover now