Muli na namang humalakhak ng tawa si Valene pati na rin si Valentine.

Nagtiim bagang si Charm sa sobrang inis kaya naibato niya sa sahig ang bolang hawak niya at tumalbog ito sa baba ni Valene.

"Ouch!" mangiyak-ngiyak na reklamo nito at tumingin ng masama kay Charm.

"Buti nga sayo." naka crossed arm na sabi ni Bella.

"Karma mo yan." gigil na sabi naman ni Sydney.

"Bitch!" galit na galit na sabi ni Valene kay Charm.

"OMG! Valene, dumudugo ang ngipin mo." natatarantang sabi ni Valentine sa kanya ng makitang may tumulong dugo sa gilid ng labi ni Valene.

Halos manlambot naman si Valene ng makita nga nito ang dugo.

May tiningnan ito sa taas na bahagi ng building at may sinenyasan.

Tumingin ito ng masama kay charm at muling ngumisi.

"1..."

"2..."
 
Pagbibilang nito.

"3!"

"What the f*ck!"

Sigaw ni Valene.

Pagkatapos nitong mag bilang ay kaagad siyang hinila ni Charm at sa kanya bumuhos ang dapat na tatama sa tatlong sila Charm, Bella at Sydney ang harina na may halong patis.
 
"Oo mahina ang utak ko. Pero hindi ako bobo!" mapang-asar na sabi ni Charm.

"Iwww. Ang baho!" pang aasar din ni Bella at tiningnan nito ng nakakaadwang tingin si Valene.

"YOU. YOU AND YOU!!" panduduro ni Valene sa tatlong sila Charm.

"YOU'LL PAY FOR THIS!" gigil na gigil na sabi nito at saka nag walk out.

Matapos mag walk out si Valene ay nangibabaw ang ngiti sa tatlo at nag apir pa ang mga ito saka nag-tawanan.

Natigil ang tatlo sa pagtatawanan ng makarinig sila ng pagpalakpak kaya napatingin sila sa pinanggagalingan nito.

"Patay nahuli tayo."

"Hays! Kala ko ba hindi niya tayo makikita dito." 

Pagbubulungan ng dalawang si Sydney at Bella.

Isa rin sa rason nila kung bakit doon nila napiling kumain ay dahil na rin sa iniiwasan nila ang pagbabantay sa booth nila. Tinataguan ng mga ito si Nazia.

"Magaling ang ginagawa niyo girls, pero hindi ang pagtatago niyo dito para lang makatakas kayo sa task niyo." nakangiting sabi nito sa tatlo.

"Good job charm!" puri ni Tyree kay Charm dahil hindi alam ng tatlo na nanonood di kalayuan sa kanila ang tatlong sila Nazia, Tyree at Zaney.

"I thought kailangan ko na naman ng warm up kanina." nakangiti ring sabi ni Zaney.

Natatawa ang tatlo dahil sa nasaksihan nilang nangyari kay Valene.

Kinuhanan din ito ng video ni Zaney mula umpisa palang ng paghagis ng bola ni Valene sa table nila Charm.

Ngunit ang bagsak at lugmok ang mukha ng tatlo ng mahuli sila nila Nazia para magbantay sa booth nila.

Balak kasi ng tatlo na maggala-gala pa at mag enjoy dahil dalawang araw ng tournament na hindi nila nakasama si Charm.

Naglakad ang tatlo papunta sa booth nila habang nakabantay sa likuran nila ang tatlong sila Nazia.

Stanford University [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें