Chapter 19: How are you?

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagse-selos ako. Sinabihan niya akong magandang witch kanina pero hindi niya ako sinabihan ng hot. Dahil ba mangkukulam ang itsura ko ngayon? Anong magagawa ko eh eto lang naman ang pinakamatinong damit na pinagawa ni North sa akin. Ayoko sa mga sexy na damit. Medyo konserbatibo ako.

Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagngiti niya.

"You're the most hottest girl here, do you know that?" malumanay na sabi nito at hinawakan ang bewang ko. "You're my hottest Witch. And you're hot even more when you're jealous" dagdag niya at hinuli ang tingin ko.

Nakakasilaw ang ngiti nito, pero dahil may pangil siya ay napangiwi ako.

"Sino ang tatawagin kapag gustong lumayo sa mga nakakaburyong mag-jowa?" Biglang nagsalita si Isaiah, dahilan para maagaw niya ang eksena namin ni Genesis.

"The map! The map!" sigaw naman ng unggoy na si Psalm.

"Hala, boots! Wala akong map! Nawawala si Map!" Nag-panick si Isaiah. "Sino ang tatawagin kapag nawawala si Map?" tanong niya habang nakatingin sa kawalan na parang may kausap doon.

"Police! Police!" sigaw ni Psalm habang tumatalon pa na parang isang unggoy. In-character ang tokmol.

Napabuntong hininga ako. Tumingin muli ako kay Genesis na nakakunot ang noong nakatingin din sa mga kapatid.

"Buti hindi ka nagaya sakanila" I stated, a bit relief that he is a normal. Pero pinagtaka ko ang pagsunod niya nang tingin kay Isaiah at Psalm na gumagala na sa paligid na maya't maya ay tumitigil din at nagsasalita sa kawalan. Parang may kausap talaga sila rito.

"Do you think they will find the map?"

-______-

Binabawi ko na! Letche! Bakit ko nakalimutan na Dora lover din pala ang isang 'to? Jusko, iyang Dora talaga ang nagpapa-abno sakanila.

"I want to help Dora find the map. Hindi niya alam ang pupuntahan kapag wala ito." Mukha itong problemado. Nakakunot ang noo niya at malalim na nag-iisip.

>_______<

Susmaryusep!

Genesis is not a normal. I'm 100 percent sure. Mabuti nalang talaga gwapo ito at mahal na mahal ko kaya tanggap ko ang kakulangan niya sa turnilyo sa utak.

"Genesis."

"Hmm?" Binalik niya ang tingin sa akin.

Seryoso ko itong tinitigan. "Mahal kita, alam mo 'yon, 'di ba?"

Tumango siya at ngumiti. Napangiti na rin ako.

"I love you too."

Kinilig ako pero hindi ko iyon pinahalata. "Mahal kita pero minsan ay hayaan mo akong sapakin ka kapag nagiging abnormal ka na, ha?"

Ngumuso siya. Halos matunaw ang puso ko sa ginawa nito. Imagine a Vampire pouting? Damn, he's beyond the word cute!

"Mahal kita kaya tanggap kitang damuho ka."

Again, he flashed his sweetest vampire smile. Napamura nalang ako sa ka-gwapuhan nito. Ang swerteng mangkukulam ko naman dahil sa akin ang bampirang ito.

"I love you the most" kinikilig nitong sabi.

I chuckled, pero kaagad din akong tumigil sa pagtawa nang may biglang tumikhim sa likod ko. Tumingin siya rito at napansin ko ang biglang pagkatensyon niya. Binitawan niya ang bewang ko at pomormal nang ayos.

Lumingon ako at nakita ang pormal na mukha ng ama ko. Even in his cowboy attire, mukha parin siyang strikto. Umayos din ako at matapang siyang hinarap.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon