"Hey." Nakita ko na bahagyang tumingin sa akin si Striel. He's curious, I guess?

"Where are you, Sakiya? Why aren't you answering your phone?"  I shrugged na para bang nakikita niya na ginawa ko iyon.

"I am at MCC." Bahagya siyang napatahimik.

"Zerist's Unit?" Napakunot ang noo ko.

"You knew?" He hummed. "Bakit ka napatawag?"

"Did you do it? Ikaw ba may pakana ng mga iyon?" Seryosong tanong niya. Naglakad ako papunta sa kusina para bahagyang lumayo kay Striel.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked.

"Come on, Sakiya. There's no point of lying. Ikaw ba may kagagawan non?" Napaisip ako saglit.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Micu." Bahagyang iti-nap ko ang daliri sa lamesa dito sa kusina.

"Tatlong quarters ng Syto ang sumabog sa Canada. Isang headquarter sa New York. Isang quarter sa Bahamas, and dalawa sa USA. Damn, Sakiya. Alam mo ba kung ilang underlings nila ang namatay ng walang kalaban-laban?!" I rolled my eyes.

"Stop the bombing, Sakiya." Mariing sambit niya sa akin.

"Why would I, Micu?" I asked. Walang emosyon at blanko.

"This.. I hate this side of you, Sakiya. Just stop the bombing. Mangengealam na ang Black Government, pwede kang maparusahan sa ginagawa mo." Naging mabigat ang paghinga nito.

"It was Syto who's inviting me to play," sambit ko.

"Sumali ako, pero hindi ibig sabihin laro nila ang lalaruin ko. Sila ang magadjust, Micu. Alam mong hindi ko nangealam sa Syto, o sa Black Government, sila ang nangugulo." Mariing sambit ko. "They killed Rakki. Might as well na isama sila sa hukay."

"S-Sakiya --"  I hung up. Inis na ginulo ko ang buhok ko at mariing ipinikit ang mga mata. Ilang beses akong huminga ng malalim bago nagdial ng numero.

"Good day, Hermosa."  Bumungad sa akin ang masayang tono nito.

"Stop the bombing, now." Utos ko. "Pauwiin mo na din yung mga tauhan mo na nasa ibang bansa at nakabase sa ilalim ko. Told them to rest and stop attacking Syto, for now."

"Noted, Hermosa." Huminga siya ng malalim.

"The 1st King caught Taurus' and friends for entering the 1st King's system." Bumuga siya ng hangin. "I think they were punished."

"Ako ng bahala." Nagpaalam siya sa akin at kaaga dko naman na ibinaba ang tawag. Bumuga ako ng hangin at napahawak sa sintido.

Napamulat ako ng mata ng makita si Striel na nakahilig sa kitchen counter.

"So, it's your doings."

Napatitig ako sa kanya. Bored parin ang mukha niya habang nakatuon ang atensyon sa cellphone.

"Who the hell told you that you're allowed to eavesdrop?" I asked.

"You know what? Kailangan mong mag chill. Gusto mo ng beer?" Ipinilig ko ang ulo.

"I want to chill pero makakadagdag lang ng init ang beer."  I rolled my eyes.

"Anong relasyon mo kay Julian Micu?" Napakunot ang noo ko.

"My professor?" Di siguradong banggit ko. Ibinaba niya ang cellphone sa sinasandalan niyang kitchen counter bago humarap sa akin. Nakahilig parin siya doon.

"Ilang beses na siyang pumunta sa bahay mo. I noticed how he looks at you when you're in class." Bahagyang naglean ako sa lamesa. Ipinatong ang siko doon at ang baba ko sa palad.

"Why are you asking?" I asked. "Jealous?" I teased. Nandilim ang mukha niya kaya natawa ako.

"Chill, gusto mo ng beer?"  Nakangiti kong tanong. Ginaya ko pa ang tono niya kanina.

"That's not what I wanted, Sakiya." Hmm?

"Then what do you want, Striel?" I unconciously licked my lowerlip. Nakangisi akong tumingin sa kanya.

"Coffee? Beer? Wine? Or me?"

Nalukot ang mukha niya bago pinalobo ang dalawang pisnge. Cute. Tumawa lang ako nago tumayo. Bahagynag pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at inayos ang pagkakasuot ng salamin ko.

"I need to go." Sambit ko habang papunta sa pwesto ng bag ko.

"Already?" Nilingon ko siya. Mabilis na umiwas siya ng tingin na parang hindi niya napigilan ang lumalabas sa bibig.

Isinukbit ko sa balikat ang bag ko bago lumapit sa kanya. Pinagtapat ko ang mukha naming dalawa.

"Uh, oh. Striel wants me to stay a little longer."  Lumayo ako kaagad. Ang sarap niyang asarin.

"Asa." He rolled his eyes. Nakabawi na ata sa sarili. Tinawanan ko lang siya bago tumungo sa pintuan.

"Thanks for the lunch, Striel." Sambit ko bago tuluyang lumabas ng unit niya.

Bumuntong hininga ako at pinabalik sa pagiging blanko ang mukha ko. Mukhang hindi magiging maganda ang resulta ng larong sinimulan ko..

×








Truth Behind Her Glasses [REVISING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ