Chapter 53

1.1K 12 3
                                    

Chapter 53

 

Back to present*

“S-si Evo kamo? Ampon lang at may kakambal siya??” Di ko makapaniwalang tanong matapos magkuwento ni Eunice.

“Oo, sorry di ko agad nasabi sa inyo.. kasi di ko din alam kung paano.. Si Bridge din di niya alam paano sasabihin.” –Eunice

Eunice’s Corner

Yeah, tama kinwento ko na nga kina Ces ang alam ko. Pero… may hindi lahat ng alam ko dahil di ko  sinabi  yung  isang bagay dahil alam kong wala ako sa lugar para ako ang magsabi kay Ces tungkol sa bagay na yun.

Ces’ Corner

Pagkatapos ng kwentuhan, nagpatuloy naman ang araw. Nagklase, nag-quiz sa ibang subjects habang ako ay lutang pa rin sa nalaman ko.

Si Evo nasasaktan siya ngayon pero wala ako sa tabi niya. Si Bridge ang nasa tabi niya. Mabuti na nga lang at andun si Bridge kaya thankful na rin ako. Kaya lang, di ba dapat nasa tabi rin niya ko?

Pero ano, wala ako sa tabi niya. Naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko ang sama ko na. Or shall I say?

I’m now being selfish.

All this time, I thought na ako lang lagi ang may problemang pinagdadaanan. I’m acting like I’m the hero in this story. Na ako yung magaling kasi nga ako yung nagsakripisyo. Pero, nagsakripisyo nga ba ko para kay Evo?

…o para sa sarili ko??

Kinausap ko na din si Tita, and confirmed na totoo nga.

Hay. Nakauwi na nga pala ko sa bahay, gawa gawa din ng assignments at habang tumatagal lalong humirap ang accounting.. aish!! Ba’t ba ko nag-accounting?? T____T Bakit pa kailangan ibalance itong mga ito sa journal ko??? T______T

“EVO! Nandito ka na pala! Ano gusto mong kainin?” Yes, kararating lang niya.

Tinignan niya na naman ako gamit ang mga malamig na titig niya. “Okay lang ako, kumain na kami nila Justin sa labas.” Tapos pumasok na siya sa kwarto niya.

Pero, I am able to held his wrist. “Evo, nalaman ko na yung totoo. “

And there, para nagulat na lang siya.

“Ano’ng totoo?”

“Na… ampon ka lang daw and, may kakambal ka nga?..”

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon