Chappie 15 :"(

1.7K 15 3
                                    


Karl is mad! -->

Karl’s Corner

Hi there. Karl here :) Child hood best friend ko si Ces kaya kahit ngayong gumanda na siya kilala ko pa rin siya. Kahit sabihin pang ang tagal naming hindi nagkita, taglay ko pa rin ang best friend instinct na tinatawag xD Bago ba? Hehe.

Di ko masisisi si Ces kung nagtatampo siya sakin. Iniwan ko kasi siya nang walang paalam. Naging classmate ko siya until first year high school lang tapos bigla akong naglaho ng parang bula nung 2nd year. Alam kong masakit sa part niya dahil wala man lang akong pasabing umalis. Pero masakit din sa part ko sobra kasi mahal ko si Ces. Puppy Love ba? Eh, ganoon eh, tinamaan ako agad kay Ces simula pa lang nung una ko siyang nakita. Di ko nga akalaing makakaya ko siyang iwan gayong nangako pa man din ako sa kanyang di ko siya iiwan.

Paano kami nagkakilala? 5 years old pa lang din kami nung magkakilala kami. Magkapit-bahay kami. Kakauwi lang din namin noon galing Canada. Umiiyak siya noon dahil nadapa siya. Tapos, bigla siyang binuhat nung Daddy niya habang pinapatahan naman siya ng Mommy niya. Naisip ko noon, ang swerte niya dahil mahal na mahal siya ng parents niya na sa tipong isang simpleng pagkadapa lang niya may makakapitan na siya agad para makatayo ulit. Pinapanood ko lang sila noon, nakasilip lang kasi ako mula sa bintana ng kwarto ko and nagkataon, nasa tapat lang sila ng bahay namin.

Nabigla na lang din ako noon nang bigla niya kong nginitian. Nakita niya pala akong pinapanuod sila. And there, I fell in love with her smile.

Simula kasi noon, lagi na niya kong dinadalaw sa bahay namin and naging best friends na kami. Busy kasi parents ko lagi sa trabaho.

8th birthday niya nasa bahay nila kami para magcelebrate. Nagtataka nga ako dahil kaming dalawa lang ang nandun pati yung mga katulong nila. Wala yung parents niya. Ayaw niya magsimulang mag-celebrate hangga’t wala pa daw ang parents niya. Then… bigla na lang nag-ring yung telepono nila, yung katulong nila ang nakasagot. Ang sabi, naaksidente ang Daddy at Mommy niya. Car accident daw.

Namatay ang Daddy niya. Ang Mommy niya naman, biglang nawala after the operation.

That’s the time that I promised her na hindi ko siya iiwan kahit ano pa man ang mangyari.

Pero, hindi ko tinupad yung promise na ‘yon.

Summer before kami mag-2nd year, bigla na lang akong pina-uwi nina Mommy at Daddy sa Canada. Wala akong nagawa para tumanggi. May sakit daw kasi Lola ko, malala na daw. Lola ko ang naging Mommy ko na simula pa nung ipanganak ako. Kaya wala akong choice kundi puntahan siya.

Hindi ko nagawang magpaalam kay Ces dahil natatakot akong baka pag nakita ko siya di ko na magawang umalis.

Pero nagdesisyon na din akong bumalik dito. Ayoko na maging duwag. All these years, si Ces pa rin ang mahal ko. Siya lang.

“Bridge?” Tss. Bakit nandito si Bridge?? Takte. Kaya nga din ako umuwi dahil hinding hindi ko matatanggap ang kasal naming na pinlano ng mga magulang namin. >____< .

Iniwas niya tingin niya sa’kin.

Sabi niya kasi nung nasa Canada pa kami, mahal niya ko at gagawin niya lahat para mahalin ko siya.

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon