Chapter 51 ^o^

1.1K 9 4
                                    

Deicated to Ate Alesana_Marie po uli!! we're a FAN po! :)) di niyo po yata kasi napansin yung dedic namin sayo dati sana mapansin niyo na ito ^0^

Chapter 51

That must be the most special Christmas eve of my life. Ang saya lang kasi talaga, parang wala talagang nangyari. Bumalik sa dating sweetness sakin si Evo. Yung makulit, malambing at yung si Evo na mahal na mahal ko, bumalik siya at kasama ko siya nung gabing iyon. 

Pero, hanggang sa gabing iyon lang ang lahat tulad ng sinabi niya. Isang gabi lang iyon, that’s it. 

END OF THE STORY.

Yeah, dito na po nagtatapos ang FOUR CORNERS OF LOVE. Salamat po sa mga nagbasa! Keep supporting our stories pati stories ng ibang authors! ^^

(A/N: Hoy Cecilia. Ano’ng pinagsasasabi mo?)

Hehe. Readers, joke lang iyon.

Osige back to the story. After that night, bumalik uli sa dati ang lahat… I mean, hindi na uli kami ayos. 

Di ko pa din sinabi sa kaniya yung reason kung bakit ko siya iniwan. Di ko na din kasi nakikita ang sense ng pagsabi sakaniya non. Ewan ko ba. O baka sadyang takot lang din talaga ko. Binigyan niya kasi ako ng chance magpaliwanag, pero hindi ko nagawang sabihin.

Hindi ko na din nagawang ikwento kina Eunice, Hya, Sahchi, Bridge,Karl, Grace yung nangyari kasi for sure, matutuwa nga sila pero pag sinabi kong for that night lang lahat ng nangyari, malulungkot na naman sila. 

Sinasabi ko nga pala sa kanila na gusto ko na mag-move on. Pero syempre deep inside, di pa ko susuko kay Evo. Ayaw ko lang na mapagod pa sila kagagawa ng effort para samin ni Evo. Gaya nga ng sabi ni Evo sakin nung gabing iyon.   

Katulad ngayon, sa NSTP class kasi classmate ko si Evo. Ngayon pa ba ko susuko diba? Kung kailan mukhang nakikisama na sa amin si tadhana ^__^

Education program ang sentro ng nstp namin this sem and this finals, naatasan kaming turuan ang mga out-of-school youth. And there, partners pa kami ni Evo! Tingnan mo nga naman kapag sinuwerte eh no! XD

Pero, di ako makadiskarte kasi ganun pa rin siya super cold niya sakin kaya mag-iisip na lang ako ng iba pang paraan para maging okay kami.

Hay. Nasan na nga ba ko?? 

Ah! Pauwi na sa bahay. 

“Lalala. Huwag masyado mag-isip ng problema Cecilia… Magiging maayos din ang lahat.. Mahal ka ni Lord…” kumakanta ako habang pauwi x)

O___O

May mga maleta na nakasandal sa gate. Binuksan ko ang isa at andun yung mga gamit ko. Ano na gagawin ko??? OMG! May letter pa palang nakapatong sa isang bag.

Cecilia, Kailangan na naming bumalik ng Tito mo sa States. Kailangan na kami sa kumpanya. Mag-iingat ka palagi. Tawagan mo na lang kami kapag may kailangan ka. Love you, pamangkin. : ) 

PS. Titira ka na uli sa bahay niyo ni Evo. Nakausap na namin sina Mr. and Mrs. Benitez. 

Oh-kay? HINDI ITO PWEDEEEEE!!!!

Tinawagan ko sina friendships. 

Pero hindi ko na din ginawa -____- kasi, ayoko sila maistorbo. Magugulo na naman sila kapag nalaman nila ang nangyayari sakin ngayon.

WALANG NO CHOICE. XD

Sumakay na ko ng jeep pupunta na ko sa bahay NAMIN ni Evo. Nakausap na naman siguro talaga siya nila Tita kaya, no choice din siya kundi pumayag.

Nakasakay ko pa sa jeep si Erika ^___^ kasama ang boy friend niyang si LEE :D alam niyo ba? Hindi pa diba?? XDD kamukha ni LEE si LEE MIN HO >3< swerte ni Erika noh?? XP

Nagbatian lang kami then after nun, nagmuni-muni na lang ako sa jeep. Sa jeep mo talaga makikita ang iba’t ibang klase ng tao ano? Taong may kanya-kanyang buhay, tulad ko may problema din ang mga iyan pero katulad nga ng byahe sa jeepney ang buhay. Marami kang mararanasan pero hindi dahilan yun para tumigil ka sa biyahe. Tuloy lang dapat ang buhay, tiwala lang kay Lord ang kailangan ^^ Lahat ng bagay, nangyayari nang may dahilan : )

Patuloy lang ako sa pagiging makata ko hanggang sa masagi ng aking mata ang isang “dazzling creature”.

O___O si Evo lang ang katangi-tanging tinawag kong dazzling creature noon at ang taong nakikita ko ngayon ay gusto ko ding tawaging ganoon.

ZOOM IN ang mata.

O__O

Oops. Napatingin na din tuloy siya sakin at napagtanto kong si Evo pala iyon. After niya kong makita umiwas na siya ng tingin. 

Well, what’s there to expect? Na batiin niya ko? The Heck!

Pinagmasdan ko na lang siya. Grabe, parang ang hirap hirap na niya abutin. Aish… 

Napansin ko namang, may mole siya sa may leeg. Bakit ngayon ko lang napansin yun?? Hmm.. Wala naman yun dati eh.

 “Para ho!” tapos bumaba na ko.

Eh? Di sumunod si Evo? Paano ako makakapasok sa bahay niyan?? Nako naman…

Slightly open ang ang gate kaya pumasok na ko. Pati ba naman pala pinto, bukas din. E di nag dire- diretso na ko. 

“Sino ka miss?” isang babae na naman -______-++ ano pa nga ba? Cassanova na nga pala ulit siya.

“Ah, eh. Kaibigan ni Evo. Dito kasi ako titira ulit. Ako na lang magpapaliwanag sa kanya pagkauwi niya.” Paliwanag ko.

“Eh..?” aba, nakikiuso sa “EH” ito ah! Hmp! XD

“Ano’ng ginagawa mo dito?” 

“E-vo??”

Bigla kasing lumabas ang isang Evo mula sa kwarto nito. Mukhang bagong shower dahil basa pa rin ang buhok niya.

Oh-kay? Eh, sino yung nakasabay ko sa jeep kanina???

---

Vote. Fan. Comment. RECOMMEND,

5 votes here muna para sa next chapters! :)))

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon