Chapter 24 :*

1.6K 18 6
                                    

Dedicated to , imrhaine19 :) Thanks sa pag-add sa RL :) Sana masubaybayan mo :*

 ---------------

Sahchi's a dancer :D -->

FLASHBACK:

Sht. Ano ba naman iyan ang iingay. Di ako makatulog! Nag-uusap pa rin sina Cath at Ces sa phone at mukhang conference call na ang ginagawa nila. At dahil sa maingay nga, naisip niyo sigurong alam ko na ang pinag-uusapan nila.

At tama kayo diyan! Alam ko na talaga dahil sa mga pinagsasasabi na din ni Ces.

Pinag-uusapan nila na dapat pahirapan muna ko ni Ces di ba? Wahehe.

2am na sila natapos mag-usap. Di pa din naman ako inaantok, tinamaan na naman ako ng insomnia.

At dahil sa tinamaan nga ako ng insomnia, di ako mapakali. Lalo akong di makatulog, kailangan ko maka-isip ng paraan para mapasagot ko na agad si Ces.

Tinawagan ko si Justin. Remember niyo ba siya? Siya yung friend ko na isa ring Cassanova. Yung sa bar, remember??

Edi yun, tinawagan ko nga.

“Hello Justin?”

“Oh, PARE! Tagal mo na hindi nagparamdam ah?? Balita ko sa tropa, seryoso ka na talaga dun sa fiancee mo, ah.”

“Oo. Kaya puwede mo ba ko tulungan?”

“Ano’ng klase namang tulong?”

“May kilala ka bang banda? O kahit mga kakilala na marunong tunogtog ng instruments?”

“Ako,Ikaw. Dalawa na tayo.” Narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya. Asar!

“So, banda na ang tawag mo dun?”

“Relax, pare. Pero totoo iyon, dalawa na tayo. Pakikiusapan ko na lang kung puwede mahiram yung mga tao na tumutugtog  sa bar.”

“O sige sige pare. Pakitawagan na.”

“Agad-agad? Kailan mo ba balak gawin iyan?”

“Mamaya.”

“Huh? Ok. Wait lang ah.”

Binaba na din niya yung phone at after 10 minutes, tumawag uli siya.

“Okay na pare. Buti gising pa or rather gising na mga iyon  sa oras na ito. Pero alam mo na ah, kailangan nila ng tip.”

“Oo, oo ako na bahala sa pera.”

Ano’ng oras na kamo? 4am na. Kaya kailangan ko na bilisan ang plano. Nagkita-kita na kaming bumuo ng banda sa bahay nila Justin. Nagpractice na kami at viola! Na-perfect agad namin.

Next kong ginawa, tinawagan ko si Bridge. Hiningi ko number ni Karl at iyon, tinawagan ko at pumunta na rin ako sa bahay niya.

“Ano’ng problema?” –Karl na mukhang bagong gising pa lang talaga.

“Kailangan kita makausap.”

“Okay.”

Pinapasok na niya ko sa loob at pina-upo sa sala.

Pansin ko naman, mukhang mag-isa lang siya sa bahay nila.

“Mag-isa ka lang dito?” Sensya ah. Na-curious lang.

“Why ask the obvious?” e di siya na mataray. Kalalaking tao, eh?

“Bakit ka nga pala nandito? Ang aga mo naman mambulabog at alam kong may malaking dahilan ka ngayon at si Ces yun.”

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon