Chapter 32 :"""""")

1.4K 10 2
                                    

Dedicated po kay ate Alesana_Marie ~ WAAAH! ang idol na idol ko ngayon cause of Talk Back and You're Dead na kakabasa ko lang :)) binabasa ko na din po lahat ng stories niyo ngayon including yung mga may normal pov's and yeah, author po pala tlaga kayo ng books :D hanapin ko po iyung Bachelor's Puzzle na published xDD sana mapansin niyo itg story namin :")

--

EVO <33->

Chapter 32

Oh sige na, oo na. Malala na nga yung sakit ko.

Kasasabi nga lang ng doctor na, hindi na makukuha sa gamot eh.

Tsss!

Naglalakad ako ngayon, di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Buti na lang wala din akong pasok ngayon.

Matagal ko na din namang tanggap yung sakit ko.

Pauli-ulit lang din ang tanong sa isip ko.

Bakit ako pa?

Yun lang din naman ang gusto kong malaman.

“Ate, ate, bili po kayong sampaguita.”- sabi ng batang kumausap sakin.

Batang babae. Ang dumi ng damit niya, punit punit na din halos. Gusgusin din ang mukha niya’t katawan.

“Ah, sige bigyan mo ko ng dalawa.”

Binigyan niya ko, binayaran ko na din siya.

Ang batang iyon, sa murang edad, nagta-trabaho na.

Naranasan ko din ang hirap pero hindi sa ganoong kamurang edad.

Ngayon alam ko na, ang swerte ko din pala kahit papano.

Nandito na din pala ko sa tapat ng simbahan.

Pumasok na ko.

Lumuhod ako at nagdasal.

“Lord, Sorry dahil inakala kong ako ngayon ang pinakamalas na tao sa mundo. Hindi pala. Hindi lang din kasi ako ang may dinadalang problema ngayon.  Marami din pong iba, yung iba nga mas mahirap pa ang pinagdadaanan nila. Imbes na magreklamo, dapat pala na magpasalamat na lang ako sa inyo. Kahit na nawalan ako ng mga magulang sa murang edad, nariyan naman ang Tita ko na nag-alaga sa’kin at binigyan niyo rin ako ng mga kaibigan. Kahit na, iniwan na din ako ng Mama ko, nandiyan naman ang nakilala niyang Tito ni Evo na naging dahilan din para makilala ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. Si Evo po.”

Then a tear stung in my eyes hanggang sa nagtuloy-tuloy na sila sa pagtulo.

“Lord, thank you sa pagbigay sa’kin ng pagkakataong makilala sila, lalo na si Evo. Lord, mahal na mahal ko iyong taong iyon. Paano na lang kapag namatay na ko? Sobrang masasaktan po iyon. Sobra, sobra. At ayaw ko pong mangyari iyon. Kaya sabihin niyo Lord, dapat po bang layuan ko na siya hangga’t maaga pa? Hangga’t kaya ko pa? Nang sa gayon, mas madali siyang makaka-move-on kung sakaling dumating yung time na mawala na ko.”

EVO’s CORNER

“Nandito ako ngayon sa room. Nag-d-drawing kami ngayon. Baka nakalimutan niyo ng archi and course ko at sinabi ko sa inyong magseseryoso na ko sa pag-aaral mula ngayon. Kaya pwede ba, mamaya na lang ang corner ko?”

“Pare, sino kausap mo?” Si Isiah iyan, blockmate ko. Yung iba, Ivin naman ang tawag sa kanya.

Eh? Narinig niya sinabi ko?

(A/N: Oo, di mo ba nakita? May ay quotaion marks sa sinabi mo, oh.)

Psh. Sorry naman!

“Uy, Pare? Nababaliw ka na?” Si Erick naman iyan. Pero, Galids tawag namin sa kanya. Ewan ko ba. HAHA!

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon