Chappie 35 <////3

1.2K 9 4
                                    

This chapter is dedicated kay ate SGWannaBe ^___^ Ang bst author ng SDTG :* Sana mapansin niyo story namin <33

--

irresistable charm ni EVO -->

CHAPTER 35

Evo’s CORNER

Nag-aalala na ko, wala na din kasi sa closet niya ang mga damit niya. Sino ba namang hindi mag-aalala diba? Kung ang fiancee mo ay walang pasabi na aalis.

Saan naman kaya pumunta si Ces? Tinawagan ko na din si Bridge at pinatawagan ko na din sina Eunice, Hya at Cath pero hindi din nila alam kung nasaan siya.

Si Karl naman ngayon ang tinatawagan ko.

Pero hindi niya sinasagot.

Masama na ang kutob ko kaya napagdesisyunan kong puntahan na si Karl sa bahay niya.

Wala namang masama di ba? Magkaibigan naman kami di ba?

Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano ah. May tiwala naman ako kay Ces, eh. Malaki tiwala ko sa kanya dahil mahal ko siya.

Mahal na mahal to the point na hindi ko makakaya kapag iniwan niya ko.

Nandito na ko sa tapat ng bahay. May naririnig akong parang nagtatalo.

Medyo bukas ang pintuan kaya binuksan ko na at di na ko kumatok.

Dahil na rin siguro sa pag-aalala.

Pero di ko inaasahan ang nakita ng dalawang mata ko.

Si Ces…

…kahalikan si Karl?

Sa tingin niyo, ano’ng dapat maramdaman ko sa mga oras na ito? Ang babaeng mahal na mahal ko, kahalikan ang best friend niya. Ano’ng dapat kong maramdaman? Magalit? Oo, yan ang una kong naisip. Nagagalit ako.

Pero sinabi ko na naman sa inyo, may tiwala ako sa kanya. Kaya pipigilan ko sarili ko na magalit.

“Ces?” sa wakas, nakapagsalita na ko.

She stopped kissing Karl. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya pero bigla na lang din siyang ngumiti.

Pero, alam ko na hindi iyon natural na ngiti. Parang sinasadya niyang isuot ang mga ngiting iyon sa labi niya.

Si Ces ba ito?

“Oh, Evo!!! Nandito ka pala!” sabi niya sabay lapit sa’kin.

“A-anong ginagawa mo dito sa bahay ni Karl?” tanong ko at napansin ko na rin ang mga maleta sa tabi niya. “At bakit may mga maleta dito?”

 “Evo, let’s end this. Let’s break up. Ayoko na sayo.”

Ano? Ano’ng sabi niya? BREAK-UP? AYAW NA NIYA SAKIN?

I held her wrist. “Baby ko, ano bang sinasabi mo? Tara na nga umuwi na tayo. Maiistorbo pa natin si Karl dito.” Sabi ko sabay kuha na din nung mga maleta.

“Let go of me!” sabi niya sabay bawi ng wrist niya mula sa pagkakahawak ko.

“And don’t you ever call me Baby ko. So GROSS!”  Si Ces ba talaga itong kausap ko? Sa tingin ko hindi.

“Sabihin mo Ces, ano’ng problema? May nagawa ba ko? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito ngayon?” sobrang dami ng katanungan sa isip ko pero iyan lang ang nagawa kong itanong.

“Ang sabi ko, ayoko na. Mag-break na tayo. Hindi na kita mahal. Oh, let me rephrase that. Hindi naman kasi talaga kita minahal.”

Hindi niya ko minahal? So ano, pinaglaruan lang niya ko?

“Siguro tinatanong mo na sa sarili mo kung pinaglaruan lang kita?” tinignan niya ko sa mga mata ko.“Tama ka. Pinaglaruan lang kita. At oo sige aaminin ko, sobrang nag-enjoy ako’ng paglaruan ang isang Cassanova na tulad mo. At akalain mo yun. Nahulog ka talaga sakin? Nagbago ka pa nga dahil sakin diba?“

“Nagsisinungaling ka. Alam ko Ces, kung nagsisinungaling ka o hindi. Sinasabi ng mata mo na wag akong maniwala sayo. Dinidikta ng puso ko na magtiwala ako sayo. Alam kong tuwing sinsabi mong mahal mo ko, nanggagaling iyon sa puso mo. Tuwing tinitgnan mo ko sa mga mata ko at sinasabi mong mahal mo ko, alam kong totoo iyon. Oo, isa kong Cassanova kaya alam ko kung nakikipaglaro lang ba sakin ang isang babae o hindi.“

Bigla siyang tumawa. “Wow. Ang gandang talumpati, Sir! Hahaha. Pero lahat ng sinabi mo, palagay mo lang iyan. Kilala din kita at masasabi kong mas kilala kita. Sarili mo lang ang pinaniniwalaan mo simula’t simula pa lang di ba? Kaya hindi na ko magtataka kung ayaw mo nga maniwala sa sinasabi ko ngayon.”

“Ces, tama na. Please, tumigil ka na sa kahibangan mo!” –Karl

“Karl, wag na wag mong pagtaaasan ng boses si Ces.”

“Psh! Evo, lahat ng sinasabi ni Ces ngayon-“ –Karl

“Karl ano ka ba!” Ces said while wrapping her hands around Karl’s waist. “Sabihin na kasi natin kung ano talagang relasyon natin.”

“CES PLEASE!” kumawala si Karl kay Ces.

“Nakita mo kaming naghahalikan Evo, di ba? Ano pa bang kailangan mo? Bakit ayaw mong maniwala? Dahil mahal mo ko? Pwes, sinasabi ko sayo. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Iyong-iyo na iyan. Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng mga babaeng sinaktan mo noong isa ka pang Cassanova. Tapos na ko sayo, Primitivo.”

“Alam kong may matinding dahilan kung bakit mo ginagawa iyan.”

Sa mga oras na to, ang kailangan ko lang gwin ay magtiwala pa rin sa kanya.

“Psh. Kung ayaw mo maniwala, e di huwag. Pinaglaruan lang kita. It’s normal. Normal lang na paglaruan ng isang tao ang puso ng iba. Katulad ng ginagawa mo dati diba? Kaya kung pwede, please? Umalis ka na lang. Sinasayang mo ang oras ko.“

“Evo, mabuti pa ngang umalis ka na lang muna.“ –Karl

“Oh, wait. About sa kasal nga pala natin, pina-cancel ko na siya kay Tita and pumayag na siya. Wala nang kasal na magaganap dahil tapos na tayo.“

CES’ CORNER

Umalis na si Evo pagkatapos kong sabihin iyon.

Nakakatuwang isipin na talagang mahal niya ko. Lahat ng sinabi ko sa kanya, hindi niya pinaniwalaan. Ang laki ng tiwala niya sakin. Alam kong mahal na mahal talaga niya ko. Pero, kailangan kong gawin ito.

Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit tuwing nakikita siyang nasasaktan katulad kanina. Pero kailangan kong pigilan ang sakit na nararamdaman kong ito.

Kailangang kamuhian niya ko hangga’t maaari. Kailangan magalit siya sakin.

Pero, ang tigas ng ulo niya. Ayaw niya taggapin lahat ng sinasabi ko.

Ano’ng dapat kong gawin?

“Wag ka Nang umiyak diyan.”-Karl. Oo nga, di ko napansing umiiyak na pala ko.

“Ang kailangan mong gawin ay kung ano yung tama.“

Tama? Ano nga bang tama? Ito ang sa tingin kong tamang gawin pero…

...ito nga ba ang tama?

“Mukhang hindi na kita mapipigilan sa desisyon mo. Nakita mo na naman na kung gaano siya nagtitiwala sayo dahil mahal na mahal ka niya. Hindi nga ako nagkamaling sa kanya ka ipagkatiwala. Alam kong alam mo na kung ano talagang dapat gawin. Pero, ayoko na ring makialam. Ikaw lang ang makakagawa kung ano ang dapat.“

Niyakap ko na lang si Karl habang umiiyak.

--

  Vote, Fan, Recommend, Add to RL :D

  Most important of all, COMMENT! Let us hear your opinion about the chapters!

  We’re open for any comments mapa-negative man iyan ^___^

  Let us know your reactions ^___^

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon