Chappie 28 :/

1.4K 18 11
                                    

Dedicated to kimxian02 :) Thanks sa pag-add sa RL :))

sad Ces -->

Ces’ Corner

Masaya ako na laging nariyan si Evo sa tabi ko. Masayang masaya talaga ko tulad kagabi, inalagaan niya talaga ko. Nakatulog na nga siya sa silya katabi lang ng kama ko, eh. Hay, ang swerte swerte ko sa kanya no? Sana hindi siya magsawa sa’kin.

Inihiga ko na lang din siya sa kama ko. ang bigat nga eh xDD

Pinagluto ko na din siya ng agahan tapos nag-iwan na lang din ako ng note na initin niya na lang yung mga ipinaghain ko para sa kanya. Mahimbing pa kasi tulog niya eh, ayaw ko na din naman siyang istorbohin.

Aalis ako ngayon, huwag na lang kayo maingay kay Evo. Hindi na kasi ako mapakali kung ano ba talagang meron sakin.

Oo, magpapacheck-up na ko at di ko na aabalahin pa si Evo, ayoko siyang mag-alala.

Labas ng bahay, lakad-lakad….

Shucks lang ah. Kinakabahan ako.

Hmm… I’m craving for burger!! Yum yum! Hahahha. Napadaan ako sa isang burger house eh.

Author’s Corner

Ayun na nga, bumili na si Ces ng burger. Naku, naku ang babaeng talagang ito oh, kapag nag-crave sa isang pagkain, wala na talagang makakapigil diyan!

"Yey! Tapos na lutuin ang burger ko! Salamat ate! ^___^” Parang bata lang teh? Haha.

Sa pagkuha niya ng burger, dali-dali niyang inalis yung balot at bago pa siya makakagat, bigla na lang nahulog ang burger sa lapag. Teka, anong problema?

Yung mga daliri niya parang ayaw sumunod sa kanya. Bigla na lang kasi ayaw gumalaw ng mga ito. Kasabay nito ay ang pagkahilo na naman niya na naging dahilan ng pagbagsak niya.

"Miss. Miss Okay ka lang ba?” –ate tindera

“CES??!” –Karl na napadaan.

Dali-dali niyang binuhat si Ces, pumara ng taxi at dinala niya na din sa ospital si Ces.

--OSPITAL

“Doc, okay na po ba siya?”

“Sa ngayon, un-conscious pa siya pero I assure you magiging okay na din siya maya-maya. Ngayon lang ba nangyari sa kanya ito?”

“Hindi po.” Tama, hindi ito ang unang beses dahil naikukuwento na rin nila Bridge sakin na ilang beses na din nahilo si Ces.

“Boy friend ka ba niya?”

“H-hindi ko po siya boy friend pero siya po ang best friend ko.” Nagising na si Ces. “Karl, huwag mo na sabihin kina Evo ang tungkol dito, ah. Ayokong mag-alala siya.”

“Pero, Ces…”-Karl

“Ms. Reyes, puwede ba kitang makausap in private?” –Doctor

“Doc, baka puwedeng ako na lang ang kausapin niyo? Hayaan niyo po munang magpahinga si Ces.”-Karl

“No, Karl. Okay lang naman ako, eh. Hayaan mo muna makapag-usap kami ni Doc. And please, huwag mo sasabihin ito kina Evo, ah.”

Lumabas na si Karl, no choice din naman siya dahil mapilit talaga ang best friend niya.

Ces’ Corner

Naiwan na lang kami dito ng Doctor. Mukhang seryoso nga ang lagay ko.

"Ms. Reyes,unang beses ba ito na maranasan mo?"

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon