Special Chapter 2: Henry & Desiree

33.6K 731 70
                                    

How would you know if two people are perfect for each other?

Maraming nagsasabi na bagay na bagay daw kami ni Desiree. Eh hindi ko naman maitatanggi 'yon, aba ke-gwapo ko kaya at ka-ganda ng girlfriend ko. Pero minsan iniisip ko kung paano kaya nila nasasabi na bagay kami? Anong batayan nila? Magkaiba ba kami ng iniisip kung bakit bagay kami?

Pinagmamasdan ko ngayon ang girlfriend ko habang nagdo-drawing siya para sa homework namin. Yeah, puro na kami drawing ngayon bawas na ang mga research.

"Henry gumawa ka nga ng iyo, nako-conscious ako."

I chuckled. "Grabe ha, 'pag ibang tao tumitingin sa'yo during ramp or photoshoot hindi ka naiilang tapos sa akin ganiyan?"

Binitawan niya ang pencil niya at salubong ang kilay na hinarap ako. "Iba ka naman kasi sa kanila eh."

Nakakainis, ang bilis ko kiligin sa mga linyahan niyang ganiyan. Si Desiree kasi madaldal siya oo pero hindi naman siya gano'n ka-vocal sa mga cheesy lines eh. Ako kasi 'yung madalas nagpapakilig sa kaniya pero 'di niya alam sa mga simpleng linya niya eh kinikilig na ako. Nakakaasar Desiree.

Gumawa na rin ako ng homework para naman hindi nakakahiya sa girlfriend ko. I am trying my best para hindi maging kahiya-hiya sa kaniya, siyempre gusto ko proud siya sa akin.

Nakikita ko ang effort ni Alex para kay Casimir. Naghihintay siya kahit walang assurance. Ginagawa niya ang lahat para in case na bumalik si Casimir, meron siyang maipagmamalaki.

Sana naman hindi maging ganiyan ang lovelife namin ni Desiree. Ako kasi as much as possible ayaw ko ng drama, last na 'yung issue niya sa ex ko. Ayaw kong masiyadong mabigat kung pwede light lang ang buhay namin ni Desiree. Tipong boring na relationship gano'n, joke lang. Ang gusto ko lang eh 'yung puro saya lang though alam kong imposible 'yon pero 'yon ang gusto ko.

Dumating 'yung oras na busy na nga ako sa acads, busy pa ako sa org, at sa career ko. Hindi na nga ako nakakasama sa barkada sa tuwing may lakad eh, dinaig na nga ako ni Casimir mula nung dumating siya eh, laging siya na ang kasama tapos ako na 'yung walang social life, kaiyak.

Busy ako sa homework namin pero mukha na siyang project. Actually, binigay na 'to last week, gagawin ko na sana pero may biglang kailangan gawin para sa org namin at due na after two days so naisip kong gawin na muna 'yon. After that inumpisahan ko na 'tong project, itutuloy ko sana kinabukasan pero bigla naman akong kinulit ni Pau para sa isang photoshoot, sinabi ko na ngang hindi ako pwede pero nung sinabi niyang big client 'to ay napa-Oo na lang din ako bigla kasi alam kong ma-isasama ko ito sa portfolio ko. Kaya nginangarag ko ngayon itong project na 'to.

Kanina pa nagri-ring cellphone ko pero hindi ko pinapansin dahil kailangan ko itong matapos dahil bukas na ang pasahan nito, umaga pa! Bakit ba ganito ang buhay? Dapat na ba akong masanay?

Isang oras lang ang tulog ko kaya bangag pa akong pumasok sa school. Nakita ko na sa upuan niya ang girlfriend ko kaya pagkapasok ko ay lumapit ako sa kaniya at hahalikan ko sana siya sa pisngi pero iniwas niya ang mukha niya. Hindi ko na lang pinansin at pumunta na ako sa pwesto ko. Hindi kasi kami nagtatabi sa room para iwas PDA at para makinig kami ng maayos sa prof. Kung ano man ang problema niya ngayon ay mamaya na lang dahil antok na antok talaga ako.

'Di nagtagal ay dumating na rin si Sir at pinapasa lang ang mga gawa namin. Nagpatulong pa siya kay Casimir at Geoff na dalhin ang mga project sa faculty, actually magpapatulong din sana siya sa akin pero nang tumayo ako ay napansin niya yatang bangag ako kaya 'di na ako pinasama. Sinabihan ko 'yung dalawa na didiretso lang ako sa library at sinabi naman nilang susunod na lang sila.

Pagkaupo ko ay ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa at agad akong nakatulog, malamig na tahimik pa, it is such a perfect place to sleep. Dito ako pumwesto sa pinaka dulo para 'di ako mapansin ng librarian.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon