Chapter 16: Protection

Magsimula sa umpisa
                                    

'Yohoo, South! May boyfriend ka!' sigaw ng konsensya ko.

"Ikaw ang Doctor sa Abs University" I said.

Tumango ito. "Yes. I'm Doctor Armstrong Hard" pagpapakilala niya. Malaki ang ngiti nito at nakakasilaw ang mga puti niyang ngipin.

Pinilig ko ang ulo ko at umupo. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Kaming dalawa lang ang tao rito. Sigurado akong halos mamatay na sa pag-aalala ang mga kaibigan ko sa labas. Inaasahan nilang ginagamot na ako ng Doctor ngayon pero heto ang katotohanan. The Doctor found out that I'm just faking everything.

"So, can you tell me why are you acting like a sick cat?"

Matalim ang mga tingin ang pinukol ko sakanya. Anong sabi niya?

"I'm not a sick cat!" asik ko.

His brow shot up. The amusement on his eyes never leave there.

"Ows? You're flipping your eyes and shaking your body like a cat who just ate a dog food" sabi niya. Nangalit ang ngipin ko. "You're not good in acting, South Benedicto. You need to attend an acting workshop to improve that. Hindi ko maintindihan kung paano naniwala ang mga kasama mo sa hindi kapani-paniwalang pangingisay mo" nakangiwing dagdag niya.

I clenched my jaw. Gago 'to ah! Ilang balde ng kapal ng mukha ang ginawa ko tapos lalaitin niya lang ang acting ko?

Umiwas ako ng tingin. Gusto ko man siyang sapakin ay kinain naman ako ng matinding kahihiyan. Nang mapansin niya siguro ang reaction ko ay tumawa na naman siya.

"Give me one reason why should I pretend like you're in a serious situation."

That made me stare at him again. Nangunot ang noo ko. Saglit na nawala sa isip ko ang dahilan ng pagpapanggap kong ito. Nang maalala ko ay napamura nalang ako sa isipan.

"Bigyan mo ako ng rason para pagtakpan ka sa mga kaibigan mo" dagdag niya.

Sumulyap ako sa sapatos ko. May bakas parin ito ng dugo. Nang maalala na galing ito kay Syphenix ay nangalaiti na naman ako sa galit.

"Tell me why----"

Sa isang mabilis na galaw ay hinugot ko ang nakatagong patalim sa medyas ko at mabilis na umikot para ibihag ang leeg niya sa braso ko, with my knife pointing at his neck. He startled and froze at his position. Bakas ang gulat sa mukha niya pero ilang sandali lang ay unti-unti na itong kumalma.

"I'm going to kill you. Is that enough reason for you to shut up?" seryoso kong banta.

He sighed. Mas lalo kong tinutok ang kutsilyo sa leeg niya.

"Hindi ako natatakot" bagot nitong sabi.

Nangunot ang noo ko pero hindi ako nagpaapekto. Mas pinagdiinan ko pa ang kutsilyo sakanya hanggang sa masugatan na ng kaonti ang balat nito.

"Pwes, hindi rin ako natatakot na patayin ka kahit saan kapag hindi ka nanahimik" mariin ngunit malamig kong sabi.

Ilang sandali itong natahimik, and when I think he's going to surrender, he made a swift move. In just a blink, nakadapa na ako sa hospital bed at ang dalawang braso ko ay nasa likod, hawak ng isang kamay niya. Ang kutsilyong nakatutok sakanya ay nakatutok na sa akin. I blinked, realizing what the hell just happened?

"Hindi mo ako matatakot, Benedicto. At para malaman mo, kayang kaya rin kitang patayin kung gugustuhin ko" malamig niyang sabi sa likod ko.

Napalunok ako para maibsan ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi maitago sa mukha ko ang gulat sa ginawa niya. All I think, he's just an innocent and handsome Doctor, iyon pala ay may tinatago rin.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon