Maglagay kaya ako ng note sa noo ko na "OK LNG ME" para di nagtatanong.

Ayoko kasing tinatanong ng gan'yan. Feeling ko ang weak weak ko na kailangan palagi ng kasama.

Well totoo naman.

Kaso nakakasawa na rin kasing magsinungaling at saka maghanap ng kakampi. Mas gusto ko 'tong harapin nang mag-isa.

At saka kapag paulit-ulit kang tinatanong lalo kang naiiyak. Lalo kang nati-trigger umiyak.

Nag-thumbs up ako.

"Okay na okay. Parang uminon ng Yakult." Nginitian ko s'ya para convincing kahit papaano. Pinat n'ya 'yung ulo ko.

Wow ha? Gawin ba kong aso?

"Cute n'yo. Ba't 'di na lang kayo? Mas okay pa si Kevin kaysa kay Keanu," nakangiting sabi ni Krista.

Napakunot ako ng noo.

Hala sya. Iship ba naman ako sa taong mahal nya.

Paano mo nagagawa 'yan Krista? Ako? Hindi ko kayang gawin 'yan nang nakangiti. Paano mo nakakayang ngumiti nang ganyan kahit na alam mo na may mahal syang iba?

Bakit ako? Selfish ako? Bakit gusto ko akin lang si Keanu kahit na malabong mangyari 'yun?

Bakit ba kasi may Allison? 'Di pa pwedeng Zia na lang?

"A-ano ba Krista?!" sigaw (?) na sabi ni Kevin.
"Nagsa-suggest lang. Cute n'yo, e," sabi ni Krista saka humalakhak na parang ang saya-saya n'ya.

Dakyu Krista. Wag mong saktan sarili mo.

Tinaas ko na lang ang middle finger ko saka inirapan s'ya.

"Walang ganun. Friends lang kami."

*****

Nagdaldalan lang kaming tatlo. Reminiscing our pasts. 'Yung childhood naming puro kagaguhan lang din. Umuwi rin si Kevin nung bandang tanghali na. Kumain lang kami ni Krista ng lunch tas balik ulit sa kwarto para magdaldalan.

Hindi naman nagtanong si inay kung anong nangyari o may nangyari ba.

Bahala na si Pia kung sasabihin n'ya. Ayoko lang muna magsalita.

Hinayaan lang kami ni inay na mag-ingay sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit pero usually nagagalit na 'yan lalo na kapag nakakulong lang ako sa kwarto. 'Di ko alam.

Hanggang sa sumapit ang gabi. Syempre kelangan talagang umuwi ni Krista.

Still I'm thankful na pumunta s'ya rito para lang i-entertain ako. Para lang ma-make sure na I ain't sad.

"Gusto mo ba na mag-overnight ako?" tanong ni Krista sa'kin.
"Gagu. Mamaya pagbuhulin na tayo ni inay at ni tita."
"Okay lang 'yun," sabi n'ya saka nag-thumbs up saka ngumiti.
"Gaga. Ayoko nga madikit sayo," natatawang sabi ko.
"Bwisit ka bey."
"Dakyu ka naman," sagot ko saka dumila.
"Ang weird ng dakyu na 'yan," sabi n'ya habang nakakunot yung noo.
"Ganon daw 'pag maganda," sabi ko saka kumindat, "umuwi ka na nga!" Dugtong ko pa.
"Atat na atat ha?"

Tinawanan ko lang s'ya.

On the second thought.

"Sama ako. Hahatid na kita. Bibili rin ako ng siopao sa 711."
"Takaw mo talaga bey. Dami na kaya nating kinain kanina."

Natawa na lang ako saka kinuha 'yung wallet ko. sinama ko na rin 'yung cellphone at earphone ko para 'di lonely kapag pauwi. Or magta-trike na lang ako kaso sayang pamasahe e. Hahaha.

"Nay alis lang kami."

Tumango lang si inay. Wow. Weird. Walang machine gun.

Baka alam na n'ya?

Ba't 'di s'ya nagtatanong? Miss ko na rin 'yung machine gun ni Inay.

"Tita. Alis na po ako."
"Ingat kayo."

Bait ni inay ha? Anyare? Hahahaha.

Lumabas na kami. Napatigil ako. Napatingin sa bahay nila.

Hay putangina. Hahahaha. Miss ko na si Keanu kaso kailangang mag-move on.

Umuwi na si Krista tas ako naman dumerecho sa 711. Maglalakad pa ako kasi nga nasa labas pa ng village namin 'yung 711.

Alas sais na rin. May mga tao pa rin naman sa labas. Nakakatuwa. Ang cute nila. Wala lang. Natutuwa lang akong mag-observe ng mga tao.

Naglagay lang ako ng earphones saka nagpatugtog.

A Daydream Away.

Masakit ha? Bat ba ganito?

Pero kahit na gustuhin ko man na inext ayaw ko rin. Weird no? Masokista ata ako.

Nagha-hum lang ako.

"You're just a daydream away I wouldn't know what to say of I had you."

Tangina pareho pala kami ng themesong ni Kevin e.

Bumili lang ako ng siopao sa 711 saka umalis na.

Punta kaya ako ng clubhouse?

Ewan ko ba pero may nag-uudyok sakin na pumunta ng clubhouse.

Magmu-muni muni na lang ako sa pool dun. Hahaha pwede naman isawsaw 'yung paa dun e. Basta walang nagsu-swimming. Hehehehe. Nakakahiya 'yun syempre.

Nag-trike na lang ako kasi baka pag naglakad ako maubos 'yung siopao kahit 'di pa ko nakakarating dun.

Pumunta ako dun.

Sa gilid ng pool.

May figure. Lalaki ata base sa pangangatawan.

Babalik na sana ko kasi nakakahiya kaso...

"Zia?"

Narinig ko 'yung pangalan ko.

Napatigil ako...

Nilingon s'ya.

——————

Neko's note: nakita n'yo ba 'yung new cover?? Gawa ni Alchemistic_Me 'yan! Hahaha s'ya gumawa ng lahaaaat ng cover na ginamit ko pati 'yung background ko. She's such a ball of sunshine. 💕 Thank you so much! You know how much I owe you, Trixie! 💕 salamat talaga. Check her stories, okay??? 😊

Vote and leave a feedback! Ya'll know it helps and boosts us. 😊

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon