Chapter 40: True Colors

69 0 1
                                    

Kristen P.O.V

Andito ako sa school
1 buwan na din pala ang nakalipas nung umalis si Shirley

I never contact her and why would i do that
Andito si Ethan sa tabi ko at wala na akong pakeelam sa iba

Andito ako sa bahay at kumakain kasama ang pamilya ko

"Kamusta na kaya si Shirley?" tanong ni Mommy

Tiningnan ko lang si Mommy at pinagpatuloy ko ang pagkain ko

"Hindi mo ba nakakausap si Shirley?" tanong naman ni Daddy

Gusto kong sabihin sa kanila na
Obvious ba na nakakausap ko siya?

Kahit naiirita ako ay hindi ko pinakita sa kanila at ngumiti lang

"Hindi po
Nawalan na ako ng communication kay Shirley" pagsisinungaling ko

Tapos nakita ko na naging malungkot si Mommy kaya napahawak ako ng mahigpit sa kutsara at tinidor

"Namimiss ko na si Shirley" that's it ayoko na

Kaya tumayo ako at pinilit na ngumiti sa harap nila

"Mom at Dad
Akyat na po ako sa taas at tatawagan ko pa po si Ethan" hindi ko na sila hinintay sa sasabihin nila

Pumunta na ako sa kwarto ko at nilock ko ang pintuan at dali-dali kong kinuha ang unan ko

Saka ko pinaghahagis ito dahil sa gigil

"Bwisit talaga
Parati na lang nilang bukambibig ang panget na iyon
Nakakairita na" iritang sabi ko

Ano bang meron sa baboy na iyon at parati silang nag-aalala sa kanya

Noon pa lang bwisit na bwisit na ako sa kanya
Hindi nga ako pumunta sa burol ng magulang niya
para saan pa

Saka ako nagsabi sa magulang ko na nahihilo ako kahit hindi naman

Siyempre kapag andoon ako
aagawin na naman niya ang atensyon ng magulang ko

Kahit noon pa lang sobra na silang proud sa baboy na iyon
Samantala akong anak nila hindi ko narinig sa kanila iyon

Flashback...

Noong bata pa ako sakitin na talaga ako
Kaya ang magulang ko todo alaga sa akin

Natutuwa naman ako doon kaya ginawa ko ang lahat at pinakita ko sa kanila na kahit na may sakit ako ay kaya kong maging proud sila sa akin

Ginagawa ko ang lahat para maging top 1 pero hindi nangyayari iyon dahil sa panget na iyon

"Ang galing-galing talaga ng anak ni Kim darling" sabi ni Mommy

"Oo nga darling
Sa murang edad ay nasa top 1 na siya
Napakatalinong bata, nakakaproud na maging anak siya" nung sinabi iyon ni Daddy ay nilukot ko ang papel na hawak ko

I'am Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now