Chapter 2: The Accident

101 1 0
                                    

Shirley P.O.V

Nakarating ako sa bahay
Tahimik lang ako dito sa kotse ni Cedric pero kailangan kong magpasalamat sa kanya
Nakakahiya naman kung hindi ako magpasalamat

Kaya humarap ako sa kanya
nakita ko syang nakatingin lang sya sa bahay namin

Yumuko at pinaglalaruan ang mga kamay ko

"Ano.... Salamat Cedric sa paghatid sa akin
pasensya na din sa abala" hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nga nakayuko ako

"Ano kaba oki lang yun" kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakangiti

Kaya napangiti din ako tapos ay bumababa na ako sa sasakyan nya

Pero bago ako pumunta sa pintuan namin ay tumingin ako sa kanya

"Salamat talaga ng marami" ngiting sabi ko

"Hahahahaha
Sge na pumasok ka na sa loob at magpahinga ka na
Wag ka ng umiyak,ha" ngiti lang ang sagot ko sa kanya

Kumaway ako ng umalis na sya
hindi ko alam kung nakita nya ang pagkakaway ko

Pumasok na ako sa loob ng bahay
Yung kaninang ngiti sa labi ko ay nawala
Naalala ko na naman kase yung nangyari kanina

Kahit pilit kong malimutan ay hindi ko magawa
Nang makapasok ako sa loob ay walang tao

Wala pa ata si Mama at si Papa
Nasaan kaya sila?

Bigla na lang sumulpot si Nanay Celi ang kasambahay namin

"Hala, Anak
Ano bang nangyari sa iyo?" alalang tanong ni Nanay sa akin

Nakalimutan ko pa lang hindi pa pala ako nagpapalit

"Wala po
Natapunan kase po ako ng kaklase ko
pero hindi naman nya sinasadya yun" paliwanag ko kay Nanay

Ayoko lang kase na mag-alala pa sya
Base sa itsura ni Nanay hindi sya naniniwala sa sinabi ko

"Wala pa po ba si Mama at Papa?" tanong ko

"Wala pa
Pero baka mamaya andito na yun siguro may dinaanan lang" tumango lang ako

"Sge po Nay
Akyat na po ako sa taas para makapagpalit" pinilit kong ngumiti para hindi mahalata ni Nanay na malungkot ako

Buti na lang at gabi na dahil hindi nakita ni Nanay ang pamamaga ng mata ko

"Gusto mo bang ipaghanda kita makakain?" siguro kung masaya lang ako ngaun ay baka kumain muna ako bago ako umakyat

Kaya lang sobra akong nasaktan at para akong walang gana

"Hindi na po Nay
Kumain na rin po ako ng ice cream kanina
Nilibre po ako ni Cedric" hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Nanay at umakyat na ako sa taas

I'am Inlove With My BestfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang