Chapter 24: Hindi ako tanga

60 0 0
                                    

Kristen P.O.V

Hanggang ngaun hindi parin kami makarecover sa ginawa ni Cedric

Masaya ako para kay Shirley
Andito kami sa tambayan dalawa lang kami ni Shirley kase naghahanda ang DG band dahil tutugtog sila mamaya

buti na lang cinancel na ang klase dahil Valentine's day naman daw kaya hayaan na lang daw na makasama ang mahal nila o kaya ang mga crush nila

"Ayyyiiieee si bakla
nagdadalaga na" ngiting sabi ko sa kanya

Nakita kong namula ang mukha nya kaya lalo akong napangiti

"Alam mo bagay kayo ni Cedric" sabi ko sa kanya kaya tiningnan nya ako na gulat na gulat

"Ano ka ba Kristen
Hindi pwede iyon pinsan ko sya" sabi nya

kaya tiningnan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya

"Okey na iyon
kaysa naman yung magkagusto ka kay Ethan
Mas hindi puwede iyon bukod sa kapatid mo na sya ay may girlfriend na sya" nakita kong naging malungkot sya

Hindi na lang ako kumibo at tumingin na lang sa taas
tapos tiningnan ko ulit sya

Tahimik lang sya at malungkot kaya binitawan ko na ang kamay nya at saka ko sya niyakap

"Eto naman masyadong dinamdam ang sinabi ko
imposible naman na magkagusto ka kay Ethan, diba?" tumingin sya sa akin at tumango pero halata sa kanya na hindi sya masaya

"Alam ko naman na hindi mo aagawin sa akin si Ethan
Kase kahit bestfriend kita at alam mo naman na gagawin ko lahat para hindi sya mawala sa akin" seryosong sabi ko sa kanya

Sinasabi ko lang sa kanya ang totoo
Mahal ko si Ethan at ayokong may babaeng magtangkang umagaw kay Ethan mula sa akin

"O-oo naman" tapos tumayo na ako at hinila ko na sya patayo

"Tara
gutom na ako kain tayo sa canteen
libre ko" nakita ko na kuminang ang mga mata nya nung sinabi ko na kakain kami

Bukod kay Justin Bieber ang nagpapasaya sa kanya ay pagkain kaya ang taba-taba niya,ehh

Kaya pumunta na kami sa canteen
at gaya ng sinabi ko nilibre ko sya

Binili ko ang gusto nya
wag na kayong magtanong kung ano iyon
Alam naman natin na lahat ng klase ng pagkain ay gusto ni Shirley, dahil hindi siya mahilig sa mga softdrinks ay 2 boteng tubig na lang ang binili ko sa kanya

Ang binili ko lang sa sarili ko ay carbonara at isang pineapple juice

Habang kumakain kami ay tinitingnan ko lang sya ng bigla na lang nagvibrate ang cp ko kaya kinuha ko ang cp ko at tiningan ko  kung sino ang nagtext

I'am Inlove With My BestfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt