Shirley P.O.V
Andito ako sa school at hinihintay si Kristen sa may canteen hindi ko na kase napigilan ang gutom ko
Gutom na gutom na ako kaya lumamon na ako dito pero bakit kaya ang tagal ni Kristen
Kaya kinuha ko ang cp ko at tinext ko si Kristen
To: Kristen
Bakla
Asaan ka na?Ay, nakalimutan kong sabihin na tawagan namin ni Kristen ay bakla
endearment lang namin yun pero hindi sya bakla
babae po talaga syaWalang pang reply si Kristen sa akin baka hindi pa tapos ang klase nila
pero ang tagal naman nilaKaya tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng bigla na lang tumabi sa akin ang mga bitchy girls at isa sa mga matinding mangbully sa akin
"Oh, look girls
Mukhang mag-isa lang ang piggy" sabi ni Bea
Ang leader ng bitchy girlsTinigil ko ang pagkain ko at niyuko ko ang ulo ko at humawak ako sa palda ko
"Aba, wala ang dalawang kasama nya
Nasaan kaya sila?" base sa boses nya ay nang-aasar sya sa akin pero hindi ko yun pinansin at nakayuko parin ako
sya naman si Bianca"Poor pig
hindi nya alam kanina pa umalis si prince Ej at si Kristen
I heard my date daw sila ngaun" si Belinda
at tumabi na silang tatlo sa akinKaya humigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko
"Alam mo pig
Tama lang na iwan ka
Sino ba naman kse ang magtitiis na samahan ka" mataray na sabi nya"Tingnan mo nga kahit mga matalik mong kaibigan ay hindi ipinaalam na magdadate sila" hinawakan nya ang balikat ko
"You're right sissy
Ni hindi nga dumaan dito para sabihin na magdadate sila
Sabagay masakit kase isampal sa matabang mukha nya na punong-puno ng tigyawat na hindi sya mahal ng mahal nya" tapos sinampal ako ni BeaTapos binuhusan ako ni Bianca ng juice na iniinom ko at si Belinda naman ay niligyan ako ng spaghetti sa ulo ko
Hindi ako makagalaw sa pinaggagawa nila
Hindi ko kayang lumaban dahil alam ko naman na talo akoKaya nanahimik lang ako at nakayuko parin buti na lang at wala ng gaanong tao dito sa canteen dahil baka na naman pinagtatawanan na naman ako
Tumulo na ang mga luha ko na kanina pang gustong tumulo
Naiiyak ako, hindi dahil sa ginawa ng mga bitchy girls na magkakapatidYou read it right, magkakapatid ang tatlong iyon
triplets kase silaNaiiyak ako dahil sa sinabi nila at sa ginawa nila Kristen
Nagdate sila ng hindi nila sinasabi sa akinSabagay ano naman ako sa kanila
bestfriend lang nila ako at wala na silang pakeelam kung magdadate sila ng hindi nila sinasabi sa akinUmiiyak lang ako dito
at nakahawak ang isa kong kamay sa palda ko samantala ang isa ay sa may dibdib koAng sikip-sikip ng dibdib ko sa ginawa nila
Lalo ng madinig ko ang pangalan ni EthanTinatawag si Ethan na EJ (Ethan John) kapag hindi nya close ang mga kasama niya
Kapag close naman ay pwede mo syang tawagin na Ethan o John pero mas prefer nya na tinatawag syang EthanSo, ayun nakahawak ako sa dibdib ko
Sobra kaseng sakit
siguro ang saya-saya ng crush ko
dahil kasama nya ang taong nagpapatibok ng puso nyaSamantala akong sawi at durog na durog ang puso ko
Hindi ko alam kung paano ako nakatayo doonPero ang alam ko sobrang sakit lang
pero siguro tama ang bitchy girls na yun mas magandang hindi na lang nila sinabi sa akin baka kase umiyak pa ako sa harap nilaNaglalakad lang ako kahit may spaghetti sa ulo ko at basa ng juice na tinapon sa akin at syempre sa sampal na ginawa sa akin
Kahit lagkit na lagkit ako sa katawan ko ay hindi ko pinansin yun at patuloy parin ako sa pag-iiyak
Sana kase ako na lang Ethan
andito naman ako sa tabi mo
bata pa lang tayo ay kilala na kitaIyak lang ako ng iyak
Wala na kase akong kaibigan bukod sa dalawang yunNahihirapan na akong huminga pero hindi ko parin kayang tumigil sa pag-iiyak masakit kase sa puso ko
Umiiyak lang ako ng bigla na lang akong may nabunggo hindi ko alam kung sino
Hindi ko na kase makita ang daanan dahil sa mga luha ko na tuloy-tuloy ang agos"Shirley?
Bakit ka umiiyak?
What happen to you?" kilala ko ang boses na yun pero hindi ko na lang pinansin"Pasensya na, hindi kase ako tumitingin sa dinadaanan ko" tapos nilagpasan ko na sya
Pero nagulat ako ng hinigit nya ang braso at napaharap ako sa kanya
Ngaun kitang-kita ko na ang mukha nya
Si Cedric Montoya ang matalino,sweet,gentleman and many more na hinahanap ng mga babae ay nasa kanya na
Ang pinsan ni Ethan at isa mga tinuring nyang kapatid"Ano bang nangyari?
May nang-away ba sa iyo?" alalang tanong nyaUmiiyak lang ako at umiling
ayokong sabihin sa kanya
Ayokong dumadagdag sa mga problema nya, kung meron syang problemaBumuntong hininga lang si Cedric tapos ay tinanggal nya ang mga spaghetti sa ulo ko
Alam kong para na akong sira-ulo sa itsura ko at sa ayos ko pero hindi ko yun pinansin dahil ang mahalaga sa akin ngaun ang puso kong sawing-sawi
"Tumahan ka na Shirley
I don't know what happen pero wag kang mag-alala
Andito ako" Kaya lalo akong napaluha sa sinabi nyaGusto ko sana syang yakapin pero nahihiya ako dahil sa itsura ko at sa amoy ko
Kaya napayuko na lang ako at umiiyak na lang
ng bigla na lang nya ako niyakap"Shhhh
Wag ka ng umiyak
Alam ko na, ihahatid na lang kita sa inyo but before that daan muna tayo sa isang ice cream parlor para naman hindi ka na umiyak" hindi ko man sya makita na ngumiti ay sa boses nya palang halata na nakangiti syaKaya tumango lang ako pero hindi ko parin sya niyayakap kase nga baka madumihan ko sya at mahawa sya sa amoy kong naghalo-halo
Pero ang hindi ko kayang pigilan ngaun ang luha ko na tuloy-tuloy parin ang umaagos
Alam kong basa na ang damit nya pero kase hindi ko talaga mapigilan,ehhLuha, tumigil ka ng umiyak
puso tumigil ka na please
Lalo kaseng umiiyak si Luha dahil sa iyo,ehh 😢
YOU ARE READING
I'am Inlove With My Bestfriend
Teen FictionHindi na bago sa atin na mahulog sa bestfriend natin Paano ba kase parati silang nasa tabi natin at parati tayong pinapangiti at parati tayong poprotektahan Si Shirley Hernandez ay nahulog sa kanyang bestfriend/Childhood friend na si Ethan John Mend...