Shirley P.O.V
Natapos na ang klase namin na wala akong naintindihan sa sinabi ni Maam
Wala akong ganang pumasok at gusto ko na lang umuwi pero hindi puwede dahil last day ko na dito sa school
Lumabas na ako ng room at dala-dala ko ang bag ko buti na lang walang nambubully sa akin ngayon lalo na at nakita ako kanina ng mga fans ni Cedric na magkasama kami
Oo nga,noh
walang nambubully sa akin
bakit kaya?Bumuntong hininga na lang ako at pumunta sa rooftop at doon na lang ako tatanga
Ayoko munang may kausap ako ngayon
Kaya dire-diretso akong pumunta sa rooftopNang makarating ako ay humanap ako ng malilim na pwesto pagkatapos ay umupo ako doon
Mainit siya pero kahit ganun ay masarap sa pakiramdam
ang tahimik at walang ingayNapaka-payapa dito dahil walang nanggugulo sa iyo kaya pinikit ko muna ang mata ko
pero bago iyon ay kinuha ko ang earphone ko at cellphone ko
magsosoundtrip muna akoAng ganda ng boses ni Justin Bieber sinabayan pa ng tahimik na kapaligiran
Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok
at hindi ko namalayan na nakatulog na pala akoPaggising ko gabi na pala
kaya napalaki ang mata koAt dali-dali kong tiningnan ang orasan ko at 8 pm na pala ng gabi
Naku, patay ako nito
May flight pa ako ngayonKaya kinuha ko ang cp ko at nakita kong dead battery na pala ako
Kaya agad-agad akong nag-ayos ng gamit para umalis na pero nagulat ako ng may biglang bumukas ang gate ng malakas
Pagkita ko si Ethan na hingal na hingal
"Andito ka lang pala
Kanina ka pa namin hinahanap" hingal na sabi niyaMagsasalita sana ako ng bigla na lang magsalita ulit si Ethan
"Ano bang problema mo?
Alam mo ba na kanina pa naghyhysterical si Mom sa bahay
Alam mo bang tumawag na kami sa pulis dahil akala namin na kidnap ka na" base sa boses niya naiinis siyaKaya yumuko ako at humawak ako sa palda ko
"Pasensya na Ethan at pinag-alala ko kayo
Hindi ko kase namalayan na napasarap pala ako ng tulog" sabi ko sa kanyaTiningnan niya ako at napakamot siya sa batok niya at tumalikod sa akin
"Sana sa susunod magtext ka o tumawag ka man lang
sobra mo kaming pinag-alala (lalo na ako)" hindi ko narinig ang sinasabi niya sa huliKaya tumayo na ako at pinagpag ang palda ko at aakmang maglalakad si Ethan ng hinawakan ko siya sa braso
Kaya napatingin siya sa akin
At kinagat ko ang ibabang labi ko at saka ko siya tiningnan sa mata
![](https://img.wattpad.com/cover/129957339-288-k504863.jpg)
YOU ARE READING
I'am Inlove With My Bestfriend
Teen FictionHindi na bago sa atin na mahulog sa bestfriend natin Paano ba kase parati silang nasa tabi natin at parati tayong pinapangiti at parati tayong poprotektahan Si Shirley Hernandez ay nahulog sa kanyang bestfriend/Childhood friend na si Ethan John Mend...