Chapter 30: Airplane

59 0 0
                                    

Shirley P.O.V

Papasok na ako ng school
Magaling na din ako
pero hindi pa din maayos ang pakiramdam ko

Wala si Ethan sa bahay at talaga tinotoo niya ang sinabi niya

"Anak
Kumain ka muna" alalang sabi ni Mommy sa akin

"Wala po akong gana
Papasok na po ako" magang-magang ang mata ko at sobrang sakit ng lalamunan ko

"Ihahatid na kita Anak" sabi ni Daddy sa akin

"Please po
Gusto kong mapag-isa" hindi ko na sila hinintay sa sasabihin nila at umalis na ako sa bahay

Naglalakad ako pero ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko

Bigla na lang may humintong sasakyan sa harap ko
pagtingin ko si Cedric

Hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako

Wala ako sa mood na makipagkwentuhan ngayon at baka umiyak na naman ako

pero nagulat na lang ako ng hawakan ako ni Cedric sa braso ko

"Shirley
Anong nangyari sa iyo?" alalang tanong niya sa akin

Ayoko ng umiyak
Nakakapagod na at ang sakit na ng mata at ng lalalmunan ko

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko
Nakakainis, kailan ba ako titigil sa pag-iiyak

Bigla na lang niya ako niyakap at dahil doon tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan

"I don't know why are you crying pero andito lang ako at puwede mong sandalan" hindi ko na napigilan at humagulgol na ako sa harap niya

Iyak lang ako ng iyak
Samantala si Cedric nakayakap parin sa akin

Maya-maya din ay tumahan na ako pero hindi parin ako binibitawan ni Cedric sa pagkakayakap

"Cedric" tawag ko sa kanya pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin

"Pasensya na at wala ako sa tabi mo kung kailan na
kailangan na kailangan mo ako
Hayaan mo muna ako yakapin kita" hindi na ako nagsalita at hinayaan ko lang siya

Mga ilang minuto din ay pinapasok na ako niya sa kotse niya
Magang-maga na ang mata ko

Nagdadrive si Cedric pero nakahawak siya sa kamay ko
Ayaw niya bitawan

Aalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya ay lalo niya hinihigpitan ang pagkakahawak

Kaya tiningnan ko siya at siya nakatingin lang sa kalsada

Kaya hinayaan ko na lang at nakatingin lang ako sa bintana
Sobrang tahimik ng biyahe namin papuntang school

Nang makarating kami school at ng makapagpark na siya ng kotse ay wala paring kumikibo sa amin

Natatakot akong pumasok baka kase makita ko na naman siya at umiyak na naman ako

"Wag kang mag-alala kasama mo ako" ngiting sabi niya sa akin at nakahawak parin sa kamay ko

I'am Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now