Shirley P.O.V
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis ako doon ng luhaan
Sobrang sakit kase,ehhBakit ba kase ako nainlove sa bestfriend ko
Nasasaktan tuloy akoHindi ko alam kung saan ako pupunta pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak ako
Wala na akong pake kung tinitingnan na ako ng mga ibang estudyante na nadadaanan ko
Nakarating ako sa mini garden at huminto na ako dahil tagaktak na ang mga pawis ko at syempre ang mga luha ko na kanina pa tumutulo
Andito lang ako at umiiyak
Ang sakit-sakit
wala na talaga akong kapag-asa na mahalin ako ni Ethan"Poor pig" tiningnan ko kung sino yung nagsalita at nagulat ako dahil ang bitchy girls
"Kawawa naman ang mangkukulam na ito" sabi ni Belinda
Hindi ako nagsasalita at hinahayaan ko lang sila
"Alam mo hindi kase kayo bagay ni Prince EJ
Mas bagay sa kanya ang mga katulad ni Kristen
Kaya kung ako sa iyo tigil-tigilan mo na yang wala mong kwentang pantasya
Dahil sa story na ito ikaw ang monster at sila ang prinsipe at prinsesa" mataray na sabi sa akin ni BeaAng sakit ng sinabi nya
tagos sa puso
Tama sya, ako ang pananggulo sa istoryang itoAko ang pampanget dito, panget na nga ako lalo ko pang pinapanget ang istoryang ito
Lalo akong humahagulgol dahil sa sinasabi ng mga bitchy girls
"Kung ako sa iyo
Umalis ka na lang dito para maging masaya na ang lahat" sabi naman ni Belinda"Dapat sumama ka na lang sa mga magulang mo para hindi na kami naalidbadbaran sa panget mong mukha" sabi naman ni Bianca
Tapos lumapit sa akin si Bea at hinawakan ng mahigpit ang pisnge ko
Dama ko ang mga kuko nya sa pisnge ko"Alam mo noon pa lang mag-isa ka na
Tingnan mo nga kahit ang mga best friends mo kinakalimutan ka na
Wala ka kaseng halaga
Ang mga tulad naming magagandang lahi ay hindi kami marunong magpahalaga ng mga panget" nasasaktan na ako sa sinasabi nila at pati sa kuko nyang bumabaon sa pisnge ko"Nasasaktan na ako Bea" tapos binitawan ako ni Bea at tinulak ako sanhi ng pagkadumba ko sa damuhan
Ramdam ko ang mga agos ng dugo sa pisnge ko
YOU ARE READING
I'am Inlove With My Bestfriend
Teen FictionHindi na bago sa atin na mahulog sa bestfriend natin Paano ba kase parati silang nasa tabi natin at parati tayong pinapangiti at parati tayong poprotektahan Si Shirley Hernandez ay nahulog sa kanyang bestfriend/Childhood friend na si Ethan John Mend...