Chapter 4: Crazy Mother

76 0 0
                                    

Ethan P.O.V

Bago ko simulan ang P.O.V ko
ay magpapakilala muna ako sa inyo

Ako nga pala si Ethan John Mendoza
Ang gwapong anak nila Samantha at Felix

May kapatid ako pero wala siya ngayon at nasa ibang bansa
Mas matanda siya ng 2 taon sa akin

Ako ang childhood friend/ bestfriend ni Shirley
Hindi ko kinakahiya na maging bestfriend siya dahil siya lang naman ang taong bukod tanging tinutulungan ako sa mga problema ko

Syanga pala bestfriend din namin si Kristen nakilala siya ni Shirley nung Grade 3 kami

At alam niyo ba unang pakilala ni Shirley sa akin kay Kristen ay nahulog na agad ang loob ko

Ang tagal ko na siyang mahal pero hindi pa kase siya sure sa feelings niya
Kaya ginagawa ko ang lahat para mahalin niya din ako

Anyways, maganda,matalino at higit sa lahat mabait si Kristen kaya nga nahulog ang loob ko sa kanya

Pero habang wala pa kaming relasyon ni Kristen ay hindi maiiwasan ang mga babaeng lumalapit sa akin
Mabait naman ako at hindi snober kaya sorry na lang

Pero wag niyong ipapaalam kay Kristen kundi manghihiram talaga kayo ng mukha sa aso

Nililigawan ko si Kristen pero nambabae ako alam kong para akong gago
Ano bang magagawa niyo?
Ganito talaga kaming lalaki

Saka nagpapaligaw din si Kristen sa iba
Akala niya hindi ko alam
Alam niyo nasaktan ako pero ano magagawa ko kung hindi niya pa ako sinasagot

Kaya gagawin ko din ang gusto ko pero hindi ibig sabihin nun ay ipapagpalit ko na siya

Alam ni Shirley na mahal ko si Kristen at alam niyo ba tinutulungan niya ako para mapamahal sa akin si Kristen
Ang bait talaga ng best friend ko kaya mahal ko ito
pero as friend lang,ha

Saka may kasalanan pa kami sa kanya kase pinaghintay namin siya sa canteen hinila ko agad kase si Kristen sa Cedric na iyon

Oo pinsan ko siya pero syempre nakakaselos kase
Ayun, hindi namin natext si Shirley dahil lowbat na kaming dalawa

Kaya nga sobra akong nasaktan ng malaman kong namatay ang magulang ni Shirley at agad kaming pumunta sa burol nila

Ang nanay ko kase abnormal para na niya kaseng tunay na anak si Shirley

Wala si Kristen dahil tinutulungan niya ang magulang niya na tapusin ang mga gawain nila sa kompanya nila para makapunta na sila dito at para mabantayan na din si shirley

Pero ang Nanay ko
eto kuda ng kuda dahil sa sinabi ng nanay ng mga bitchy girls

"Nadinig mong sinabi ng bruhildang iyon
May balak pang ampunin si Shirley
Ang kapal talaga ng mukha nung bwisit na iyon" nanggagalaiti si Mommy kase gusto niyang ampunin si Shirley

Wala namang kaso sa akin iyon kase parang tunay ko na rin siyang kapatid
Saka hindi ako tulad ng mga malignong kinakahiya iyong mga kaibigan nila dahil sa pisikal na anyo

Nagustuhan ko si Shirley bilang kaibigan dahil sobra niyang bait at sobra niyang sweet
Ang saya nga nun dahil iyong bestfriend mo ay kapatid mo na

"Huminahon ka Sweetheart
Saka may karapatan naman siya dahil Tita niya iyon" dahil sa sinabi ni Dad ay lalong nainis si Mom

I'am Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now