Chapter 25: Heartbeat

50 0 0
                                    

Shirley P.O.V

Dahil sa ginawa ni James sa akin ay lalong dumami ang mga nambubully sa akin

Anong gagawin ko nito?
Bakit ba kase kailangan gawin iyon ni James?

Andito ako sa kwarto ko at nagreready na para pumasok ng maayos ko na ang sarili ko at dinala ko na ang gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto ko

Ganun na lang ang pagkagulat ko na makita ko si Ethan nagkasalubong ko siya at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko

"M-magandang u-umaga" ngiting sabi ko sa kanya kahit na kinakabahan ako

Tumango lang siya at tapos ay naglakad na ulit kaya napalungkot ako sa inasta niya

Siguro wala na talaga ang pagkakaibigan namin dahil sa katangahan na ginawa ko

Kaya bumababa na lang ako at pumunta sa kusina kakain ako
Nagugutom na kase ako

Nakita ko si Daddy lang ang nandoon as usual wala na si Ethan na sumabay sa pagkain namin
pero si Mommy ay wala

Kaya umupo na ako at si Daddy ay binababa ang dyaryong binabasa niya

"Nasaan po si Mommy?" tanong ko habang sumasandok ng pagkain ko

"Pinatawag kase siya ng mga board members sa kompanya na hinahandle niya" kaya napakunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy

"Nang ganto pong kaaga?" tanong ko ulit

"Oo may importante kase sila pag-uusapan nakita ni Daddy na parang nag-aalala ako, Don't worry walang problema ang kompanya saka magtiwala ka lang sa Mommy mo hindi niya pababayaan iyon" ngiting sabi ni Daddy

Kaya napangiti ako doon at kumain na ako
Tahimik lang ako kumakain samantala si Daddy ay bumalik sa pagbabasa ng dyaryo ng bigla na lang siya nagsalita

"Kahapon umiyak ka ba dahil kay Ethan?" nasamid ako sa tanong ni Daddy kaya dali-dali kong kinuha ang tubig

"Po?" gulat na tanong ko sa kanya

"Don't deny it, I'am you're Daddy at hindi ako manhid para hindi malaman iyon
Dahil ba kay Ethan?
Kaya mo ba siya iniyakan kase sobra mo siyang mahal at nahihirapan ka na?" grabe si Daddy, paano niya nalaman iyon?
Pero dahil alam na ni Daddy ay hindi na ako magsisinungaling

"Opo
Kaya lang po
Bawal po kase ang nararamdaman ko
Bukod sa kapatid ko na po siya ay may girlfriend na po sya" malungkot na pahayag ko

Magsasalita sana si Daddy kaya lang ay tumunog ang cp niya kaya sinagot niya muna ito tapos ako ay tinuloy ko muna ang pagkain ko

After nun ay nagpaalam na ako kay Daddy na papasok ako gaya ng dati magjejeep na lang ako

I'am Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now