Chapter 22: Bipolar

Start from the beginning
                                        

Pero hindi ko mapigilan ang mapaisip.

“Gumagamit na kami ng protection,” I told to no one in the room.

Natapos ang araw ko sa opisina at umuwi na lang muna ako sa condo ko. Naisip kong huwag na lang muna siya puntahan at baka masapak pa ako. Ayaw raw muna niya akong makita ngayon kaya bukas ko na lang siya pupuntahan. Ewan ko ba, nagsasawa na ba siya sa akin? No, hindi puwede. I can't take it and I ended up dialing her number for a call.

“Pick it up, Martina.”

Why isn't she picking up?

“Sir Matthew?” I tried to call Ally and she answered.

“Where is Martina? Is she still there?”

“Dapat po ay aalis na siya, pero bigla pong dumating si Sir Vincent.”

“What?!”

Of all people, why is she with that jerk?!

“Ah, would you like to talk to Miss Martina, sir? Oh, here she is — Miss Martina, it's....”

“Hello?”

“Miss Martina Fortalejo, why aren't you answering my calls? Was it because you again were having a small talk with your ex boyfriend?” I can't help but spoke it out.

Fuck! This is crazy!

Martina's POV

“Matt naman....”

“Thanks, baby,” paalam ni Vince sa akin.

“Ano 'yon?” Matthew on the phone asked.

He is pissed, isn't he? Napabuntong hininga na lang ako bago siya sinagot. I don't wanna fight over nonsense.

“Nag-thank you lang 'yung tao, ito naman.”

“At may pa-baby-baby pa talaga?”

“Matt,” I called out.

I rest my elbow on the counter as I place my hand on my forehead habang ang kaliwang kamay ko naman ang nakahawak sa phone. My head hurts, and bullshit arguments will just stress me out even more.

“See you tomorrow.”

“Martina—” I ended the call.

“Thanks, Ally. Puwede ka nang umuwi.”

“Yes, Miss Martina.”

Umuwi ako sa condo ko at naabutan kong nag-aantay sina Diane at Jacob sa lobby kaya naman nilapitan ko.

“Hi, mumsh!” bati ni Diane.

“Bakit naman nakasimangot ka? Hindi ka ba natutuwang makita ang beauty ko?” tanong naman ni Jacob.

“Ito!” Siniko siya ni Diane.

“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko at saka naglakad na para sumakay sa elevator.

Sumunod naman sila habang nagbubulungan nang parang mga bubuyog.

“Wala gusto ka lang namin kumustahin.”

Grabe, nagbulungan muna sila bago sagutin ang tanong ko. Kailangan ba, scripted ang sagot?

“Talaga ba, Jac? Baka gustong mag-imbestiga?”

“Imbestiga? At kailan pa kayo naging detective? Conan lang ang datingan?” I laughed.

“Leche ka talaga, Diane,” he said to her.

“Hindi, kasi ano, alam mo na, ganda-ganda mo, kaibigan kita tapos boyfie mo ang pinsan ko. Alam mo 'yon?” palusot niya.

“Sige, push mo pa. Tara na nga.”

Pumasok kami sa loob ng unit ko. Dumiretso ako sa kuwarto para magpalit ng damit at si Diane naman ay sa kusina para maghalungkat ng makakain.

“Salamat sa paghahanda ng makakain namin! I love you, mwah!”

“Yuck! Balakajan.”

Paglabas ko ng kuwarto ay nagkukulitan pa rin ang dalawa. Akala mo talaga, hindi sila nagkatampuhan nang ilang araw. Ang sweet na ulit nila ngayon.

“Ayiiee! Ikaw, Jac ah, mamaya....” Binitin ko ang sasabihin ko bago umupo sa tabi niya.

“Ano na naman? Ito talaga, lahat na lang.”

“Galit ka na niyan?” I giggled.

“Syempre hindi, love rin kaya kita. Mmmnnn!” Lumapit siya sa akin at umaktong hahalikan ako na siya namang tulak ko sa mukha niya.

“Bwisit ka, iki-kiss talaga kita. Akala mo, hindi ko kaya?” Agad naman siyang napalayo sa sinabi ko. “Takot ka, ano? Tss, huwag mo 'kong uumpisahan, Jac. Nako, sinasabi ko sa'yo.”

“Give him a sample, mumsh, nang matauhan naman at mawala ang kabaklaan,” sabi ni Diane.

“Kayong dalawa, kahit kailan...,” inis na sabi ni Jacob.

“What?” Natawa na lang kaming dalawa.

Pikon ang bakla eh.

“But seriously, why are you here?” I asked.

“Dito kami matutulog!” excited na sagot ni Jac.

“Seryoso ka, Jac? Ikaw?” Lumapit pa ako sa kaniya, “Hindi ka na ba natatakot sa akin?” I said seductively biting my lower lip.

“Dendendenden!” pag-sound effect ni Diane nang parang pang-suspense.

“'Wag mo ngang kagatin 'yang labi mo! Ang pangit, 'di bagay,” reklamo niya.

“Oh, really?” I leaned forward to make my position more closer to him. “Would you like to be the one to bit it? Then, go ahead,” I confidently said.

Sarap kaya niyang asarin. Bwahahahaha! Bad, Martina. Hindi ka na nagbago. It's just Jac. You have a — I know!

“Diane!!!” Agad siyang tumayo at tumabi rito, “Uwi mo na nga ako,” sabi niya habang nagtatago sa likod nito.

“Ano ba, Jac? You said, you want to ask her something because you have find her strange these days, go na,” pagtulak naman nito sa kaniya.

“'Wag na, nababaliw na siya.”

“Really, Jac? Do you find me insane?” Tumayo ako at tumabi ulit sa kaniya na siya namang pagsiksik kay Diane.

“Diane! Si Martina... pigilan mo siya!” sumbong niya nang hawakan ko 'yung tuhod niya.

“Wala naman siyang ginagawa, so bakit ko pipigilan?” Pinagtawanan lang siya nito.

“Huhu! Stop na, Martina, joke lang talaga. Sige, uuwi na ako.” Nagmadali siyang tumayo para lumayo sa akin.

Tuhod pa lang ang hinahawakan ko niyan ah.

“Hindi ka pa nga nakakakain, uuwi ka na?” Still, I am trying to be flirtatious as I can be.

“Mumsh naman, tama na. Ito na, kakain na 'ko. Oh, see?” Kumagat siya sa sandwich na ginawa ni Diane at uminom ng juice. “Happy ka na?”

Nagtinginan kami ng pinsan kong bestfriend niya saka sabay na nagtawanan. We just can't help but laugh as loud as we can. Nakakaloka kasi si Jacob, takot na takot sa akin tuwing napagtri-trip-an ko siya. Inumpisahan niya ako eh, tatapusin ko lang.

“Umupo ka na nga! Para kang sira eh.” Hinila siya ni Diane paupo sa tabi namin.

“Talagang masisiraan ako sa kabaliwan niyang si Martina. Oh, for gay's sake — I don't know! Gosh,” hindi makapaniwalang sabi niya kaya natawa na lang ulit ako.

“Ano ba kasi ang gusto mong imbestigahan?” I quoted using my fingers. “Hindi naman siguro about sa pagpapaganda ko 'yan, ano? Kasi kung oo ay wala kang mapapala dahil natural ang beauty ko.”

“Yeah, right, but no, mumsh, mababaliw ka sa iniisip niya,” napapailing na sabi ni Diane.

Napataas na lang ang kilay ko at saka tumingin kay Jac, “Spill.”

He sit up straight, “Don't get offended to what I will ask because I am so, so, really, dead curious about it.”

“Ano nga?”

“Isa ba ako sa mga napaglilihian mo?”

Escaping StringsWhere stories live. Discover now