"Yeah. I'll bring you to the only person who can prove that I'm Whynter. I knew you're having doubts."

     

Hindi ko na lamang sinagot ang tinuran niya at tumingin na lamang saga tanawin sa labas ng sasakyan. Mas mabisa siguro ito kaysa mag isip ako ng mga negatibong bagay.

     

Ilang oras pa ay narating namin ang isang lugar na parang rest house. Bungalow house ito ngunit malaki. Nasa tabi ito ng dagat na hindi kalakasan ang alon. Hindi ko alam anong lugar ito. Ayoko din namang magtanong sa kanya.

      

Kapwa kami bumaba ng sasakyan at nang sapitin namin ang pintuan ng rest house ay may babaeng lumapit dito at binuksan ito.

      

"Senyorito!" gulat na anas ng matandang babae na sumalubong sa amin. Nginitian ako nito ng napaka tamis at tinignan ako mula ulo hanggang paa ng nakangiti. "Siya na po ba si Ma'am Ria? Ang ganda niya talaga Senyorito kaya pala noong una mong nakita si Ma'am Ria kulang nalang puntahan mo na siya sa kanila-"

      

"Nana Maring, maaari po bang pumasok muna kami?" putol ni Ice dito. Mas tama siguro na tawagin ko na muna siyang Ice hangga't hindi kompirmado sa akin ang pagkatao niya.

     

"Ay pasensya na po kayo Senyorito, Senyorita. Pasensya na po. Nandoon po pala si Madam Whynona sa balkonahe. Nakatanaw nanamn po sa dagat."

    

Hindi ko na napansin ang sinabi nito nang hawakan ni Ice ang kamay ko at kinaladkad ako sa kung saan na may hagdan. Nang marating namin ang balcony ng resthouse na ito ay bumungad sa amin ang isang matandang babae na nakaupo sa wheelchair. Naka suot ng bestidang puti at may balabal sa balikat na maroon na tela. Kasabay ng pagdaan ng hangin ang pag sayaw ng ilang hibla ng buhok niya. Naka tagilid siya pwesto namin ngunit masasabi kong napakaganda niya.

     

Lumapit si Ice dito at lumuhod sa harap ng matandang babae. "Mom?"

     

Bahagya akong napamulagat sa narinig ko. Hindi ko alam na ito ang ina niya. Ang naikwento niya lang naman sa akin noon ay ang Daddy niya na namatay sa aksidente kasama ang kabit nito.

     

Humarap kay Ice ang ina niya saka ito humawak sa pisngi niya at nagsimulang nangilid ang luha. "Anak ko? Naka balik ka na," wika nito.

       

Niyakap ito ni Ice at hinalikan sa noo. "Mom, I brought her with me. You're the only person who could verify my identity na hindi niya pagdududahan," tumango lamang ang Mommy niya at ngumiti bago humarap sa akin.

       

"Iha, halika dito." Lumapit naman ako gaya ng nais nitong mangyari. "Ikaw ba si Leickel? Ikaw ba 'yung babaeng nasaktan ng Teryong ko?" malumanay na wika ko. Hindi ako makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko kaya't tumango na lamang ako. "Iha, alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko? Oo siguro nga iniwan ka niya sa araw ng kasal niyo pero alam mo ba kung anong dahilan? Noong araw na 'yon-"

    

"Mom!" pag putol ni Ice dito.

      

"Baby we have to tell her everything. Paanong maibabalik ang tiwala niya sa'yo kung ito lang hindi mo maisisiwalat. Listen to me both of you. The key to a succeeding relationship is trust and understanding."

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now