Aray ha? Huhu. Bad u Sui. May Rina naman na 'to si Kevin e. At saka wala namang mafa-fall sa'min kasi may mahal na kami pareho!

Tinulak ako ni Pia kaya tumayo na rin ako at lumipat sa second row. Buti na lang at traffic. Tangna. Traffic talaga lagi rito.

Umupo na lang ako sa tabi ng bintana kasi nga pillow lap daw. Myghaaad. Humiga naman si Kevin.

"You can cry later okay?" Narinig kong sabi n'ya pero hindi ganun kalakas para marinig nila Sui.

Tumango na lang ako.

Napatingin ako sa kan'ya. Nakapikit s'ya.

Come to think of it. Mahaba pilikmata n'ya. Matangos din ang ilong. Maganda rin ang lips. Pogi s'ya pero iba 'yung dating ni Keanu. Ibang-iba talaga.

I bet magiging famous 'to sa kanila..

Loyal nga lang sya kay Rina. Walang pwedeng umagaw kay Kevin. Loyal 'to kay Rina. Si Kevin ay para kay Rina lang. Tutubuan nang madaming pigsa sa pwet ang aagaw kay Kevin maliban kay Krista! Hahaha. Kapag si Krista ang umagaw kay Kevin support akooooo!

Hinawakan ko 'yung buhok n'ya at sinuklay 'yun gamit ang kamay ko.

Yung style ng buhok n'ya e 'yung parang sa mga Korean guys na uso sa kanila. He nailed it naman kasi bagay talaga sa kan'ya. Ang lambot pa ng buhok n'ya. Haha kainggit. Anong conditioner mo, kuya?

Natawa naman ako sa sarili ko.

Pinoke ko 'yung pisngi nya. Bwisit. Gusto ko tuloy kurutin pambawi sa pinaggagagawa n'ya sa'kin kanina. Huhu.

Ay beh. Malambot ang pisngi. Alagang-alaga. Hahaha. Nako Rina. Magsisisi ka talaga kapag nireject mo 'to. Pero pwede rin para naman maging si Krista at Kevin na yieee. Yung dalawa kong supeeer close friends e magiging in rel. Yayyy nakakatuwa 'yun.

'Di naman s'ya nagising. Mukhang nakatulog na nga. Come to think of it. Ginawa ko na rin s'yang pillow lap dati 'no? Hehe. 'Yung nasa treehouse kami.

Ambilis n'ya na makatulog. Mukhang inaantok na nga.

Nagpatugtog si Sui ng kanta.

Hinayaan ko lang. Ayaw ko na muna tumingin sa harap kasi nawawala ako sa sarili ko kapag nand'yan si Keanu. Kapag nakatingin ako sa kan'ya.

"I'm bruised and scarred
Save me from this broken heart
All my love will slowly fade and fall apart
Someone please sing this lovesick melody
Call my name if you're afraid
I'm just a kiss away"

Kinalabit ako ni Pia... nakaluhod s'ya tas nakaharap sa amin.

"Magpasalamat ka kay Kevin," mahina n'yang sabi.
"I know. S'ya laging sumasama sa akin."
"No. Not that."
"Ano pala?" nagtatakang tanong ko.
"Kaya n'ya 'yun ginagawa kanina. Kasi... gusto n'yang ma-divert ang attention mo. Tinutulungan ka n'ya. He knows you so much up to the point na kahit tahimik ka lang e alam na n'ya kung anong iniisip mo. Manhid ka talaga. Be thankful okay?"

Nagulat ako.

Napatango nang hindi ko namamalayan.

Kevin.

You really are my savior.

I am glad that you became my friend.

*****

After ng ilang oras na paghihintay e nakalabas na rin sila inay sa airport.

"Inaaaaaaaaaaaaaayyyy! Namiss ko bunganga mooooooo," sabi ko saka yumakap sa kan'ya.
"Itaaaayyy missed youuuu!" sabi ko saka niyakap din s'ya.
"Hoy Zia. Anong sinasabi mong bunganga ko ha? Gusto mo bawiin ko allowance mo sa pasukan? Ha? Ano? Gusto mo? Sabihin mo lang. Kaya kong bawiin agad 'yun."

Zipper Mo Bukas (Completed)Where stories live. Discover now