Napatingin ako kay Keanu. Mukha lang s'yang walang pake. Munggago pa nga kasi nakangiti e. Hithit aircon pa pre.

"Language Pia. Andito yung dalawa, o!"
"Hayaan mo nang malaman n'ya na naiinis ako sa kan'ya." Yieee sweet naman ng kapatid ko.
"Oo na. Sweet mo, a?"
"Tapon kaya kita?"
"Joke nga lang, e."

Uy pero na-touch ako ha? In fairness. Dahil sa pag-stay namin ng 2 weeks e kinausap ako ni Pia. Dibaaaa? Akala ko talaga dati ampon 'yan e kaso magkamukha kami. HAHAHAHA.

"Tas gumanti ng suntok si Keanu. Nag-checheer pa nga ako nun e. Tas tuwang-tuwa pa ako kasi munggago sila. Dumating si Sui kaya nanahimik 'yung dalawa."

Tumawa naman silang dalawa ni Sui.

"Tangina malay ko ba sa kanilang dalawa. Magche-cheer nga rin dapat ako at magvi-video e. Kaso biglang tumigil," biglang singit ni Sui na mukhang singit.
"E baka ihulog mo ulit kami sa hagdan tulad ng ginawa mo sa'min dati e," sabi ni Keanu.

Napakunot ako ng noo.

"Ginawa mo 'yun?" gulat kong tanong.
"Yah. I'm awesome right? Sabi ko 'pag nakita ko ulit silang nagsasapakan sasaksakin ko silang dalawa at ihuhulog sa hagdan."

Naniwala naman sila? Weird.

"Uhh... kasi alam namin na kayang gawin ni Sui 'yun kaya no matter how absurd the idea is alam namin na gagawin n'ya 'yun," sagot ni Keanu na parang nabasa 'yung nasa utak ko saka tiningnan ako sa rearview mirror at nginitian.

Tangna. Tangna bhe.

Keanu stop doing that. 'Yung puso ko. Nahuhulog na naman sa'yo Keanu. Miss ko na 'yung dati. Miss ko na 'yung lokohan.

Miss ko na 'yang ganyang ngiti mo sa akin pati 'yung panloloko mo sa'kin. Gusto ko ulit makita na kindatan mo ko at landi-landiin kahit na joke lang 'yun.

Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati?

Hindi na ako aamin Keanu, hindi na. Itatago ko na lang. Itatago ko hanggang sa mamatay ako. Wag lang talagang malayo sa'yo. Ayaw ko na mangyari ulit 'yun.

Ibalik na lang natin 'yung dati? Please.

Kahit na in love na in love na ako sa'yo hindi ako aamin para lang ma-preserve tong friendship. Sobrang sakit kasi na hindi kita makausap nang hindi umiiyak.

Gagawin ko ang lahat mabalik lang 'yun.

Ducking shet. Hindi ko na kaya. Gusto ko na umiyak. Please.

Keanu, balik na tayo sa dati. Hindi kakayanin ng sistema ko na ganito tayo.

Naiiyak ako.

Gusto na kitang iwasan. Gusto ko nang itigil 'tong kahibangan ko sa iyo.

Pero nangingibabaw 'yung pagkagusto ko na tumayo at lumapit sa'yo at magmakaawa na ako na lang. Wag na si Allison. Kaya naman kitang mahalin e. I-divert mo lang 'yung attention mo sa akin please.

Mahal naman kita, e.

"ZIA!!" Narinig kong sigaw ni Kevin kaya nagulat ako."Pillow lap," dugtong n'ya.

"What?!?!" sigaw ni Keanu.

Bakit? Paaasahin mo na naman ba ako na nagseselos ka?

"Bakit kuya? Pakialam mo? Kay Allison ka magpa-pillow lap. Rereact ka pa d'yan e. Dali na Zia. Pillow laaap," parang bata n'yang sabi.

Napatingin ako sa likod at nakita kong nakaupo na s'ya.

"Don't cry," he muttered. Tumango ako.
"Lumipat ka na nga dun Zia. Landi neto e," sabi ni Sui mula sa harap.

Zipper Mo Bukas (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα