CHAPTER 52 (Confession)

3.6K 81 0
                                    


Kera's POV

Dinala naman kaagad ang mga pasaway na 'to sa emergency room.
Pinag-agawan ba naman ng mga nurse. Pati mga nurses na pa-off duty na e um-over time talaga.

Abat tingnan mo 'tong nurse nag-aid kay Luhan. Todo pa-cute. Sarap ipalunok sa kanya 'yung pinagduguang cotton balls. Sarap ding sabunutan. Ang lapad pa ng ngiti.

"Doktora," dinig ko.

Iwan ba naman ang matanda?!

"Hay salamat may nakapansin din sa akin."
"Sorry po talaga maam."

Makakatikim talaga sakin 'tong mga nurse na to e.

"Ano po ang masakit sa iyo maam?"
"Sumasakit ang ulo ko dok ilang araw na din ito," aniya.
"Kinuhanan na po ba kayo ng vitals niyo?"

"Di pa. May lumapit kanina ire kaso nagsidatingan ang mga binatang iyon at iniwan ako."
Aba loko ah.

"Check ko po BP niyo maam ha. Pagkatapos nito dadalhin kita para ipa-CT scan para malaman natin kung bakit sumasakit ang ulo niyo."
"Ganun ba. Sana nga'y dala lang 'to ng pagod ko kakasaway sa asawa ko," aniya.

"Ah bakit po ba?"
"Lulong kasi sa bisyo ang asawa ko. Sumasakit nalang ang ulo ko.Hindi ko naman magawang awatin," aniya.

Ts. Bakit talaga pasanin ng mundo ang mga asawa.

"Iwan mo nalang po maam."
"Aba'y hindi ko magagawa iyan dok. Mahal ko siya hanggang ngayon. Kahit na nasasaktan na ako. Hindi ko pa din mapagkaila na mahal ko si Bartolome," nakangiti niyang sabi.

Hindi ko naman alam kung anong irereply sa sinabi ni lola.
Bigla namang may dumating.

"Basyang naman e! Pinag-alala mo ko! Ititigil ko na ang bisyo ko mahal. Okay ka lang ba? Dok? Okay lang ba ang misis ko?" iyak niya.

"Ipapa- CT scan ko po siya para malaman natin," ani ko.
"Kumalma ka nga. Kung makaiyak ka parang mamatay na ako."

"Wag mong sabihin 'yan! Idi-date pa kita bukas."

Tumalikod naman ako at napayuko.

"Okay ka lang chief?"bungad sa'kin ng intern ko.
"Okay lang ako."
"Ako na po muna diyan chief," aniya.

Napabuntong-hininga naman ako. Destiny. Isama mo naman ako sa listahan na pagbibigyan mo ng forever.
Matamlay naman akong lumapit sa kinaroroonan ng mga pasaway.

"Tama na 'yan nurse! Minor injury pinagpipyestahan niyo samantala 'yun matanda e iniwan niyo lang!!"

"Sorry po," yuko nila.
"Kayo. Sumunod kayo sa'kin."

Lumabas naman kami. Isa-isa ko naman silang hinarap.

"Anong pinag-aawayan niyo?"
"Wala noona," sabat ni Taehyung.
"Ano nalang sasabihin ng mga studyante mo?"
"Anong pinag-aawayan niyo?!!!"
"Dahil mahal kita Kera!"
"Jin?"
"Tumigil ka Jin!" sigaw ni Luhan.

Ano?

"You are my first love Kera. Simula pa nung bata tayo."
"Ano?"
"Ako ang asawa mo Kera! Hindi pa tayo annulled!"

Naguguluhan na ako.

"Pero nandito ako Kera. I will never hurt you!" ani ni Jin.
"Wag kang makinig diyan Kera! Alam ng mundo na hinanap kita!"
"Believe him Kera. Try to do a research 8 years ago," singit ni Suho.

Napasapo nalang ako sa ulo ko. Tinalikuran ko sila. Mababaliw na talaga ako.

"Kera!"

Naguguluhan na ako.
Tumunog ang phone ko.

His Secret WifeWhere stories live. Discover now