Chapter 8 #Fieldtrip

6.5K 138 8
                                    

One week na rin ang nakalipas. Nasa bus na ako ngayon. May fieldtrip kasi kami. Ewan ko kung saan kami papunta. Hindi kasi ako nakinig kahapon, alam niyo na.

"Alam mo girls nandito daw ang ex ni Luhan," dinig ko.

"Ang ganda ni Hyuna super," saad naman nung isa.

May ex pala ang maligno na 'yun. Lumingon naman ako sa dalawang kaklase kong nagchichismisan.

"Kailan ba naging sila?" singit ko.
"Ha? Hmm, I' ve heard childhood sweethearts sila," sabat nila.

Kung childhood sweethearts? Since bata pa sila naglalandian? Ay joke.

"Bakit ba sila nag-break?" tanong ko.
"Ewan. Wala namang reason e. Pero I've heard may third wheel daw," bulong niya.

Tumango-tango nalang ako. Malupit din pala ang mukong na 'yon.

"I've heard sa party daw ng uncle niya nakita siyang may kasamang ibang girl. Pero matagal naman din 'yun mga one year ago ata o maybe two years?"
"Gosh, baka rumours lang."

Teka wait? Ako ba tinutukoy niya na third wheel?!

"Ano? Hindi ako third wheel!"

Mukhang nagulat naman ang dalawa sa sinigaw ko.
Bigla namang may tumalsik na kung anong liquid sa harap namin. Pambihira, iced tea.
Si Luhan.

"Ah, kadiri ha!" reklamo ko.

"Wait, what do you mean earlier girl?" tanong sa'kin nung babae.

"Huh? Wala wala 'yun. Nevermind."

Umupo naman ako ng maayos at hindi na sila pinansin. Nabigla nalang ako nang tumabi sa'kin si Luhan.

"Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko.

"Tatabihan kita, stupid. Malapit na tayong mabisto kanina. Napaka-stupid mo talaga," insulto niya.

"Ang sarap mong sapakin e no," pagpipigil ko.
"Bakit ang daming sabon sa couch? Pinamili mo ba 'yun?" aniya.

Naalala ko na naman 'yung katangahan ko.

"E ano naman sa'yo," sabay irap ko.

Para malaman niyo. Nung nag-ala sadako ako.
Alam na niya na ako ang roommate niya.
Nag-effort pa ako tapos ako pa ang nabosohan.
Pinagtataka ko lang kasi hindi na niya ako pinagtatabuyan. Ang bilis ng panahon? Tanggap niya kaagad. Timang rin pala 'to.

"Hindi na ako magtataka na pinangmi-midnight snack mo ang mga sabon na 'yun," asar niya.

"May body odor ka siguro no? Madami kasing anti-microbial soap dun e," dagdag niya pa

"Sumosobra ka na! Ingudngod ko 'yang mukha mo sa kili-kili ko e!"

"Yuck."

Sama ng ugali. Inirapan ko nalang siya.

"Tama na 'yan Ms. Xi and Mr. Xi," singit ni maam na kakasakay lang.

"Para kayong mag-asawang aso't pusa," dagdag niya pa.

Naibuga ko naman ang esophagous ko pati ata large intestine sa sobra kong pandidiri.

" Incest 'yan teacher!"

"Hindi naman kasi sila magka-relatives. Yung totoo, mag-asawa ba kayong dalawa?"

"NO/HINDI!" sabay naming sabat.

Tumawa lang sila.
Napayuko nalang ako. Sarap pektusan rin ng teacher na 'to, oo.

"Stupid, it's your fault," bulong niya.
"Tsss. Ako nalang palagi," apak ko sa paa niya.

His Secret WifeWhere stories live. Discover now