Chapter 36 #Exam

2.5K 66 0
                                    

EXAM DAY.

Naka-alphabetical order ang seating arrangement namin. Obviously katabi ko ng seat ang asawa ko.

"Han," tawag ko sa kanya.
"Ano 'yun Ra?"

"Total uhmm top 1 ka daw sa klase sabi ng mga. classmates mo no'n. Siguro papakopyahin mo naman ako no?" nakangiti kong sabi sabay hawing buhok ko.

Sinamaan lang naman niya ako ng tingin sabaysmirk. Talaga e. Ang damot damot!
Pansin kong kakapasok lang ng Bangtan. May inabot naman si Jin sa'kin na isang pen at may kasama pa talagang card.
Ito lang naman ang nakasulat.

"Goodluck sa exam. Don't forget to share your answers," basa ko.

Inagaw ba naman bigla ni Luhan sabay binasa.
Nag-iba naman ang mood niya sabay palit ng ballpen niya sa bigay ni Jin.

"Anong problema mo?" tanong ko.
"'Yan gamitin mo tss," aniya sabay irap.

Siya ang may ganang magsungit. Siya na nga 'yung madamot! Lumapit naman si Taehyung sa'min. Ano na naman kaya ang trip ng baliw na 'to.

"Sabi nga nila "Share your blessings." So may
plano ako!" masigla niyang sabi.

"Lumapit kayo at nanng walang makarinig," bulong niya.

Inakbayan naman niya kaming dalawa.

"Ito kasi 'yun. Kapag letter A ang sagot, isang daliri lang. Pag- letter B dalawa. Letter C tatlo . Letter D apat. Okay?"

"Puro ka kalokohan. Ayoko nga," ani ni Luhan.
"Wag mo nga yang kausapin Taehyung. Madamot kaya 'yan! So ganyan gagawin natin mamaya ha?"

"Oo, noona!"

Nagsimula na nga ang exam namin. Isa-isa nang binigay sa'min ang mga booklets. Excited na din ako. Kasi mukhang hinding-hindi ako mahihirapan sa exam na 'to. Combined forces kaya kami sa
Bangtan. Di tulad ng isa diyan!

"Okay as you received the booklet. You can start now."

Masigla ko namang binuksan ang booklet na 'to.
Pero biglang napawi ang ngiti ko. Tila dumagundong ang buhay ko. Feel ko kumikidlat ngayon with matching ulan effect pa. The heck.
Puro identification, definition at higit sa lahat essay.

Dinig ko namang mahinang tumatawa si Luhan sa upuan niya.
Tiningnan ko naman ang kabilang page. Identification at may choices na dito kaso given words. Third page puro enumerations. 4th page
puro needed na essay ang isasagot sa Philosophy. 5th page identification. 6th solving?!
Wala man lang multiple choice?! Naku naman Kera.

Binalik ko na sa page 1. Ang hihirap ng tanong. Leche bakit ?
Sinagutan ko na lahat. Ang makakaya lang ng powers ko.

"Sir excuse me," ani ko.
"Can I go to cr?"
"No Mrs. Xi. As long as hindi ka pa tapos sa exam mo. Bawal ang lumabas."
"But sir. Naiihi na ako," deny ko.
"Hindi pwede."

I just took a deep sigh. Ito napapala mo Kera. Lakwatsa pa. Tingnan mo 'tong isa. Todo sagot tapos ikaw nganga. E kung iwan ko kaya 'to!
So ito na nga. Hindi ko muna sinagutan ang mga mahihirap na tanong.Iniwasan ko muna ang chemistry at mas nagfocus sa literature and philosophy.

"Are you done?" bulong niya sa'kin.
"Paki mo ba?" pagsusungit ko.

Ang damot! Magtiis ka dahil ilang weeks kitang hindi papansinin!
Nilingon ko naman si Taehyung. Taray hindi ko siya ma-gets! Alam mo 'yung tulala lang siya sa kawalan sabay kagat ng ballpen niya.

At ito naman madamot kong asawa, ang easy at cool niyang tingnan kasi ang bilis niyang magsulat.
Hindi ko alam kung worth it ba ang paglalandi ko sa taong madamot na genius kong asawa.

Kasalukuyan ko nang sinasagot ang chemistry.
1. B ----- Boron
2. K ------ Kera
3. C ---- Calcium
4. Li ----- Luhan Xi
5. He ------ Boy
6. What is chemistry?
---- Study of chemicals? I think.
7. What is the chemical symbol of Mercury?
----- M

Ts. Napaka-easy naman pala e. So balik naman ako dito sa Psychology.

5. Who is the father of Psychology?
--- Search to the google.
8. The father of Psycho-sexual Theory.
----Kim Taehyung.
10. The father of modern psychology.
---- Jeon Jungkook
18 . Father of Physiology.
---- Nam Joo Hyuk

Nilipat ko naman sa Math Algebra.

24. 4x(56x)
x= ?
Answer * Ex? He's a shit.
25. 56y- 34y
y=?
Answer: Why? He's just shit. Period

Natapos ko nang sagutan lahat ng nahirapan ako.
Pumunta naman ako sa harap at pinasa sa proctor. Nakatingin lang sila sa'kin. Siguro dahil ako pa ang pinakaunang natapos. So? Ganito ako
katalino e!
Inirapan ko naman si Luhan at lumabas na ako. Pumunta ako kaagad sa canteen para magmeryenda. Medyo nagutom ako bigla.
Tumunog naman ang phone ko.
Si mom.

"How is it anak?"
"So easy mom. Well kain pala tayo," ani ko.
"Are you sure you've answered it well anak?"

"Bakit mom? Hindi ka ba naniniwala?"
"Well hindi naman sa ganun. Well ako na titingin sagrades mo pag-isusubmit na."

"Sure no probs mom," ani ko.
"Okay bye anak. I love you," aniya.
"I loove you too mom. Take care!"

Binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko.
Sinimulan ko nang kinain 'tong burger.
Nang may pumasok sa isip ko. Kinuha ko naman kaagad ang phone ko.

*Done exam. Too easy. Hindi man lang ako
nahirapan. How cheap.*

Status posted.

His Secret WifeWhere stories live. Discover now