Chapter 10 #MyWife

6.5K 140 1
                                    

Chapter 10 # MyWife

Nagising nalang ako na parang may kung anong mabigat na nakadagan sa'kin. Nakita ko nalang na si Luhan pala nakayap sa'kin.
Napapikit naman ako kasi tumatama sa mata ko ang buhok niya.

Itutulak ko na sana siya ng malakas kaso may nagsalita. Si lola.

"Kawawang bata 'yan kagabi," ani ni lola.
"Bakit po lola?"
"Dinig na dinig ko kasi yung tyan niya. Gutom na gutom yan siguro."

Napatango nalang ako. Ang arte kasi kagabi e.

"Hindi pa po kasi talaga naka kain kasi maaga kaming umalis no'n sa school."

"Bakit kayo napadpad dito?"

"Ewan po. Nakatulog po ako e pero baka nag stop over yung bus namin para mag-lunch tapos ma hinabol lang kami hanggang sa naiwan kami ng school bus namin."

"Hmmm o siya. Ihahatid ko nalang kayo mamaya sa sakayan," aniya.

"Talaga po? Thank you po."
"Lola, ate. Nakahanda na po ang almusal," tawag sa'min ni Lea.

"Halika na apo at nang makakain kana."
"Sige po. Gigisingin ko lang po siya."
"Sige apo."

Tinantya ko naman na makababa na si lola bago ko sinipa ng malakas tong unggoy na 'to.

"Aaaah!!"

Tinakpan ko naman kaagad ang bibig niya.

"Aah it really hurts stupid!"
"Kulang pa 'yan sa pagtulak mo sa'kin kagabi!

Nagising nalang ako kaninang 2am na nasa bintana na ako at wala na ako sa bannas Bumangon ka na nga diyan. Kakain na tayo."

"Ayoko," aniya.

"Huwag kang mag-inarte diyan. Gusto mo bang mamatay sa gutom ha?"
"Fine. Tatayo na nga e. Ito na," sarcastic niyang sabi.

Bumaba na kami. Naka-uniform na pala sila at handa-handa na saschool.
Umupo na nga kami. Tsaka nagdasal.

"O bakit ang lulungkot po nila?"
"Inubos po ni kuya 'yung itlog natin," ani ni Ted.

Nakita ko naman 'tong isa na ang lakas ng kain.

"Hoy! Magtira ka naman!"
"Hayaan mo nalang siya, apo."
"Lola paano 'yan. May program pa po kami sa school. Baka po himatayin si Dingding dun."
"Yung asin nalang ang i-ulam niyo," ani ni lola.

Kinapa ko naman ang bulsa ko. Tangene wala pala akong bulsa. Naka-uniform parin kasi kami ngayon.

Binuksan ko naman 'tong case ng cellphone ko.

"Woa. May 5k pala akong inipit dito," ani ko.
"Ano yan ate?"

"Wow ang daming pera ni ate," ani ni Peter.
"Madami na po 'to?" ani ko.

"So tayo na mga babies. Ililibre ko kayo!"
"Yeheey!"

Nginitian ko naman si lola.

"Lola matatanggap niyo po ba tong 5 thousand. Bayad ko po sa pagpapatulog mo samin tsaka para po dito sa itlog na inubos niya," ani ko.

"Naku huwag na apo."
"Okay lang po. Tanggapin niyo po muna to. Partial lang po 'yan. "

Pinilit ko talaga si lola. Nakakahiya kasi yung asal ng asungot na 'to. Ubusin ba naman ang scrambled egg habang nagdadasal pa kami!!

"Lailai! Tayo na."

"Ano ba mga pangalan niyo?" nakangiting tanong ko.

"Ako po si Lea."
"My name is Lailai. I'm 6 years old."

His Secret WifeWhere stories live. Discover now