Chapter 11 #TheExVSTheSecretWife

6.2K 134 11
                                    

Chapter 11 # TheEx_VS_TheSecretWife

Lunes na ngayon. Medyo nakapagpahinga na rin. Naglalakad ako ngayon. Yumuko muna ako para ayusin ang sapatos ko nang biglang may humarurot na motor sa gilid ko.

"Gag*ng 'yun ah."

Inayos ko naman ang buhok ko. Nakakainit ng ulo 'yun ah! Kung makaharurot. Akala mo nasa highway.
Nandito na ako sa hallway. Pansin ko namang parang iba ang kinikilos ng mga nakakasalubong ko.

Yung tipong titingin muna sila sa phone nila tapos titingin agad sa'kin.

Narinig ko namang may pinapaalam ang speaker mula sa centralized speakers. Ito ang sabi.

"Kindly delete all the viral photos immediately. Allstudents who have the copy. Kindly delete it as soon as possible. There will be an inspection in every class. If that certain photos is seen. Your phone will be confiscated. Noted by the
management. Thank you."

Anong photo naman 'yun? Nagkibit balikad nalang ako.

Aakyat na sana ako ng hagdan nang biglang may humila ng buhok ko at kinaladkad ako.

"I got you, fr*ak."

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.

Hinawakan ko naman ang braso niya and I twisted it hanggang sa mamilit siya at nabitawan na niya ako.

"Ah---ouch!"
"Sino ka?" tanong ko.
"Aah! Ouch!" inda niya.

Tinulak ko naman siya.

"You're so ugly in person, b*tch. How dare you to make landi sa boyfriend ko!"

"Oh? So you are saying that I make landi sa boyfriend mo?" gaya ko sa boses niya and diction niya sa pagsasalita.

"How dare you!"
"Alam mo. Pinaka-ayaw ko sa lahat yung sinusugod ako nang  patalikod."

"Oh? Well, ikaw nga e. Inaahas mo ko patalikod," sabat niya.
"Inaahas mo si Luhan. Malandi ka!"

Napahikab naman ako sabay check ng kuko ko.

"Alam mo girl. Kahit magdadada ka pa diyan. Walang effect yan sa'kin. At bakit ko naman aagawin si Luhan sa'yo? Duh? Hindi ako pumapatol sa maligno," ani ko

"What ?! Hindi maligno si Lulu ko."
"Whatever," ani ko.

Ningudngod naman niya sa mukha ko ang phone niya.
Tumambad lang naman sa'kin ang maganda kong mukha kasama si Luhan na natutulog sa balikat ko.

"Ano 'to?"
"Ako dapat ang magtatanong, fre*k! Nilalandi mo ba ang boyfriend ko? Sagot!" hila niya sa buhok ko.

Inagaw ko naman ang phone niya. Di nga? Pinost kaagad ng mga saesang na 'yun ang pictures namin. Woa. 3 million views na world wide.

"Grabe. Ang sikat-sikat pala ng naasawa ko," ani ko.

Nasa state of shock pa ako nang nagising ako. Ang sakit-sakit na ng anit ko.

"Hyuna! Bitawan mo siya!"

Napalingon naman ako. Si Luhan.

"No I won't! I've seen your photos! Nasasaktan ako!"

Habang ngawa nang ngawa tong bruha. Nagscroll down muna ako sa mga comments.

*Ayiie ang gandaa ng girl.

*Jinjaaaàa?! Andwae!!!!

*Heartsu.

*I will kill that bitch!

*Gusto niyo bang magkakita thru online? blah

blah chuchu.

*Daebak!

*Luuuuuhan baby. Noooooo.

*Ang ganda ni girl.

*Supot ang exo!

*Mukha mo basher!Ikaw ang supot!

*Omg. Proud exo-l here. True love mo na 'yan Luhan.

*So beautiful.

*They are so sweet. Luhan youre so handsome.

*Bagong biyak na buko ang sarap nito. Nesfruta buko why not.Coconut!

*HAHAHAHAHA PANGET.

*WAAAAAAAAA Girls . Angela Tan Rose Mary .

Tania Pan

*Kya!

Nadisturbo naman ako nung hinila niya ng todong-todo ang buhok ko.

"Bitawan mo nga yan Hyuna!"

"So mas kinakampihan mo 'to?!"

"No. I'm just concerned to you. Mabubogbog kalang niyan."

Wow galing. Akala ko pa naman na tinutungan niya ako. Nakakasakit talaga nang damdamin.

Sinampal ko naman gamit nitong phone ang pagmumukha nitong babae.

"Tapos na ang pag-eenjoy mo! Ang sakit ng anit ko ha. Ito sasabihin ko sa'yo hija. Huwag kang basta-bastang sumusugod kung wala ka naman palang ibubuga!"

Sinamaan ko naman nang tingin si Luhan. Kung makainsulto e.

"You will pay for this! Malandi! Ahas! Kesyo wala kang boyfriend kaya nang-aagaw ka!"

"Sinong may sabing wala siyang boyfriend?" singit nitong lalaking naka-jacket.

Teka yan yung suot nung driver na malapit na akong sagasaan kanina!

"Omg. Jungkook, what are you doing here in Yishin?" pabebeng tanong nitong bruha.

Aba siya pala yung malandi e.

"I'm here for my girlfriend."

Halos malaglag ang pant---- este panga ko sa sinabi niya.

"Everyone! Please be good to my girlfriend! At kung sino man ang gagalaw sa girlfriend ko makakatanggap ng matinding  consequences from Bangtan."

Para namang natakot at natahimik ang lahat. Lumapit naman siya sa'kin at hinila na ako.

"Teka sino ka ba?"
"Hindi mo ko kialala?"
"Magtatanong ba ako kung oo?"
"I'm Jungkook. Leader of Bangtan from Junwoo Academy."

Bangtan? I've heard sila 'yung popular elite group sa Junwoo.

Omo.

"Tsk. How come na naging girlfriend mo ang hampas lupang 'yan?" singit ng isang pinagpalang tao.

"Bakit? Are you willing to take risks? Baka hindi mo alam na girlfriend ko ang dini-date mo."
"Girlfriend?" sarcastic niyang pagkakasabi.

"Luhan, let's go!" sigaw ng bruha na 'to. Mukha siyang monstera na nakapulupot sa coconut stick!

Pansin kong may kumukuha na ng video sa'min and the worst thing na ikinagulat ko ay binasag lang naman ni Luhan ang phone ng lalaking kanina pa nagrerecord sa'min.

"Hin-di na mau---ulit Luhan."

Natakot naman ang ibang students kaya nagsialisan na sila. Napakasama talaga ng ugali ng lalaking 'yon.

Nakangiti namang hinawakan ng isang 'to ang kamay ko.
Seryoso? Bakit ang clingy ng taong 'to?

"Uhmm, excuse me muna. Hindi pa nga kita kilala pero--"
"Hahaha. AH SORRY."

Nabigla naman ako nang bigla siyang nagselfie sa harap ko.

"Anong ginagawa mo?!"
"Taking some evidence para ipost ko sa IG!"
"What?"
"Cause you're my girlfriend now. Ako bahala sa'yo," kindat pa niya.

His Secret Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن