Chapter 4 #Sabon

8.5K 157 1
                                    

Umuwi na ako kaagad sa apartment. Medyo
bangag na rin ako. Kailangan ko na talaga ng
matinding pahinga. Pumasok na ako sa kwarto
ko tsaka natulog.

Tumunog naman ang cellphone ko.

"Mom?"
"Anong ginawa mo? Nakatanggap ako ng report
mula sa school niyo. May teacher ka daw na
sinabat-sabat?"

"Mom, wala naman kasi akong kasalanan," rason
ko.
"What? I will teach that woman a lesson."

Binaba kaagad ni mom ang phone. See?
Nagmana ako sa short-tempered kung nanay.
Napapikit nalang ako.

"Sweet dreams Kera."

Ito na nga nanaginip na ako. Share ko sa inyo.

******

Leche ba't ganito ang panaginip ko?
Hinahabol ako ng aswang!
"Kera where na you wohoo. Here na me," aniya.
Loko tong aswang na 'to ah.
Pinagtritripan niya ba ko?!

"Huli ka!"
"AAAAAAAAAH!!!"

Ang panget! Nakakatakot! Whitelady pala!
Mommy!

"Moooooooom! Help!"

Hinahabol pa rin ako ng whitelady.
Hanggang sa nadapa ako. Nag-iimagine naman
ako na kaya kong lumipad!

"Yes nakakalipad na ako," sigaw ko.
"Huli ka!!!"
"Aaaaaaah! Nooooo, dont! Waaa. I'm dead! I'm
really dead!" ngawa ko.

"Hoy. Okay ka lang?" ani ng whitelady.
"OA mo te! Kanina pa sana kita kakausapin."
"E tinakot mo ko kanina e! Ano kailangan mo?"
"May sabon ka ba? Nangangamoy pormalin na
kasi ako. So ano? Meron ba?"

Lecheng multo to. Sabon lang pala kailangan.

"Kunin mo sa cr."
"Ay salamat ha. May date kasi kami ngayon ng
fafa ko."
"Lol ha," sarcastic kong pagkakasabi.

"Naku naku. Tutulo ang laway mo sa sobrang hot
niya."
"Yuck solohin mo."

Bigla namang may dumating na guy. The F si
Luhan.

"Babe!" sigaw niya.
"Ano ka babe! Maliligo pa ako e. Hintayin mo
lang ako dun sa kwarto. Sige na balik kana dun."
"Babe di na kasi ako makapaghintay," hawi niya
pa sa buhok nung naaagnas na whitelady.
No. Don't . Huwag mong sasabihing hahalikan
niya ang...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!"
**********

Napabangon kaagad ako.

"Buset na panaginip yun ah. Yuck! Ewww eww
ew!"

Ang dilim na pala ng kwarto ko. Chineck ko
naman ang oras. 7pm na pala.

Ba't ang bilis ng oras e ang iksi lang ng
panaginip ko e. Nakakasuka pa!
Tumayo na ako para magbanyo. Naaamoy ko na kasi ang sarili ko. Maliligo na sana ako kaso walang sabon. Langya, hindi pa pala ako nakapag-grocery.

Tumunog naman ang tyan ko.
Nagugutom na ako.
Babalik na sana ako sa kwarto nang may bumagsak mula sa pinto. Baka ang kasama ko na 'yun.
Nagulat nalang ako kung sino tong nakahandusay
sa sahig.

"Kainis. Natumba pa ako," aniya.
"Oh? Nandito na pala ang roommate ko. Hello."

Lasing ang loko.
Inalalayan ko naman siyang tumayo.

"You know what?! Napakamalas ko ngayon,"
aniya.
"Oh bakit?"
"Bumalik yung babaeng peste sa buhay ko."
"Ganun?!" tulak ko sa kanya dahilan para
mauntog siya.

"Aray. "
"Siguro maganda yang peste na yan?"
"Nagpapatawa ka ba? She's ugly, boyish and
short-tempered. Sino namang magkakagusto sa babaeng yun."

"Ah ganun!" galit kong pagkasabi.
"Manigas ka diyan Iseset ko ng 5 degrees tong
aircon. Manigas ka!"

Akala mo kung sino.
Makapag-shopping na nga lang!

"Mom! Sinadya mo bang maging roommate ko
ang asawa ko ha?!"
"Ops. I'm busy anak. Bye!"

Toot. Toot.
Tinapon ko ang phone ko. Ang saya. Wow ang saya sobra.

"Miss?" tawag sakin ng cashier.
"1000 po lahat."

Kinuha ko naman ang credit card ko.

"Maam para saan po ba ang mga sabon na 'yan?"
"What do you mean?"

Nilingon ko naman ang mga pinamili ko. Puro
mga sabon! Iba iba apa ng brands! Ito na sinasabi ko. Nastre- stress na talaga ako. Kanina pa ako lutang!
Bumalik kaagad ako para kumuha ng mga kakailanganin ko. Tsaka bumalik ulit sa cashier.
Umuwi nako kaagad sa apartment.
Nasa sahig parin ang unggoy.

"Hmm ang lamig," saad niya.

Padabog ko namang pinatong ang nauna kong
pinamiling mga sabon. Tumungo kaagad ako sa
kitchen.

"Bwesit. Kusina pa ba 'to? Wala man lang mga
pagkain?"

Nilabas ko na ang mga pinamili ko.
Nagluto na rin ako. Matapos kong magluto,
naisipan ko munang maligo.
Pagbalik ko. Nasa sahig parin ang asungot!

"Bwesit talaga."

Inalalayan ko naman siya papuntang kwarto niya.
Tinulak ko naman siya kaagad sa kama niya.

"Ang panget niya parin," aniya.
"Ibalibag kita diyan e!"

Padabog kong sinara ang pinto.
Malilintekan talaga kayo sakin mom and hyung.
Hindi ako umuwi ng Pinas para makasama ang
demonyong 'to!!!

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon