<35> STRESS EATING

278 14 1
                                    

WATCH IT GUYS TUNGKOL SIYA SA STORY NG BANGTAN 'truth untold'

Pasensya na sa late update😭✌🏻

CRASSEI POV

Pagkagising na pagkagising ko agad na bumungad sa akin ang mukha nitong kasama ko na si hera

Dito siya natulog sa condo ko dahil tinatamad na daw siya umuwi dahil gabi na kami nakauwi kahapon

Nandito siya at oa na gumagalaw

"Ang oa mo alam mo yun? Ano ba problema mo? May topak lang? Na ulol ka lang? Hindi ka nakalinga ni suga?" Sunod sunod kong sabi habang inaayos ang higaan ko

"Wag kang magbubukas ng social media ngayon crassei..." napatingin naman ako sa kanya ng sabihin niya yun

"Huh? Bakit may napost ka bang ginago mo nanaman ako? taena ka eh noh" sabi ko at pumunta sa sala at kinuha ang cellphone ko

Nakasunod lang siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya

"Ano trip mo?" Tanong ko dito dahil hindi ko maintidihan ang ginagawa niya ngayon

"Wag ka lang magbukas ng social media ngayon magiging okay na ako" sabi nito na parang may problema sa pagbubukas ko ngayon ng social media

At dahil mabait akong kaibigan nagbukas ako ng social media at pinagsisihan ko nga na binuksan ko ito

"GAGA KA TALAGA!!" Sabi nito sabay hampas at sabunot sa akin ng mahina dahil sinuway ko yung utos niya

Patuloy pa din akong nakatingin sa picture na nasa screen ko ngayon hindi ko tinatanggal ang mata ko dito

Biglang kumirot ang dibdib ko dahil dun...ang sakit

Kahit isa lang akong fan ang sakit pa din kahit wala akong karapatan magalit mainis o magselos

Ang picture lang naman na ayaw ipakita sa akin ni hera ay ang picture ni jungkook at ng dati niyang girlfriend sa isang garden sa school nila nung highschool

Nakapatong pa sa hita nung babae ang ulo ni jungkook at masaya silang naguusap habang pinaglalaruan ni jungkook ang kamay nung babae

Malinaw na si jungkook ang lalake pero ang mukha nung babae ay medyo malabo

At may mga iba pang picture nila na nakayakap si jungkook sa babae at magkaholding hands sila pero ni isa dun walang malinaw na kuha ang mukha ng babae

Napangiti naman ako habang may tumutulong luha galing sa mga mata ko

"HA HA HA Dati pa yan ano ka ba naman hera no prob iba ang past sa present remember dat ukey?" Sabi ko at pinilit na tumawa at maging masaya

Kahit naman isang fan lang ako kasama nung milyon milyon niyang fans masakit pa din ito

"Hindi kita tatanungin kung okay ka lang dahil alam kong hindi crassei" sabi ni hera sabay tap sa balikat ko

"Sus! Yun lang eh kahit naman magkaruon ng girlfriend si jungkook o hindi... hindi pa din niya ako mapapansin" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha na nagsisilabasan sa mata ko

"Wuh tara at lumabas tayo mag mall tayo nagugutom ako naghahanap ako ng chicken ngayon hehehe" sabi ko sabay tayo at nagayos na ng sarili para maghanda sa pag alis namin ni hera

Habang nasa mall kami ay kung ano ano ang tinuturo nitong babae na ito para maaliw ako

Hindi niya alam mukha niya clown na sa akin eh

"Bumili kaya muna tayo ng ice cream eh noh" sabi ko sa kanya napahinto siya kakaturo ng kung ano anong bagay

Pumunta kami sa nakita naming bilihan ng bingsu dahil iyun ajg napagisipan naming kainin kesa sa ice cream you know korean feels

Habang kumakain kami ay hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang sinasabing girlfriend ni jungkook

Siguro nga dapat gumising na ako sa panaginip ko na hindi talaga magiging kami...

Pero hindi ako titigil maging fan dahil lang dun noh hahaha

ARMY IS ALWAYS BE AN ARMY

"Ito naman apaka big deal sayo nun...parang kami eh noh hahahaa gaga ka talaga" sabay sabunot kunwari sa kanya

"Umuwi na nga tayo napapagod na ako kakalakad wala naman tayong binibili" sabi ko sabay hila sa kanya

Napahinto naman ako ng may makita akong nakadikit sa pader ng mall

"B-BTS FAN...FANMEETING?!"

Agad naman akong tumalon ng bongga dito sa kinakatayuan ko at itong kasama ko ay binabasa pa ulit yung nasa pader dahil loading pa ata

"TANGINA BAKLA!! MAG JOIN NA TAYO!!" Sigaw niya habang tumatalon din

Pumunta kami sa bilihan ng ticket para sa fanmeeting ng BTS

Todo na toh!! Makikita ko na sila ng malapitan makikita ko na siya at mahahawakan ko na ang kamay niya!!

Naghiwalay na kami ng uwi ni hera dahil sawang sawa na ako sa mukha niya ay hindi ko na siya hinatid pa hehehe katamad eh

Habang pauwi ko ay pumunta muna ako sa malapit na convenience store sa amin at bumili ng makakain para mamaya

Nasa trabaho sila mommy at daddy ang kuya ko naman ay ewan ko sa kanya

Lagi silang busy kaya ako ang laging naiiwan sa bahay nakakatakot man maging magisa sa bahay dahil delikado pero nasanay na ako

Habang tumitingin ako sa mga pagkain nakita ko ang ice cream kaya agad kong kinuha ang mga gusto kong bilin at umorder ng ice cream

Stress eating ata ang lagay ko ngayon ah taena

Pagkakuha ko nung ice cream umupo ako sa bakanteng upuan sa pinaka dulo dahil nandito ang aircon #timawasaaircon

Habang nagtutwitter ako dito dahil inuupdate ko ang sarili ko sa BTS lalo na at nandito sila hindi naman talaga ako mahilig sa twitter basta usapang BTS dun ako magtutwitter

Napatalon naman ako ng may biglang kumalabit sa akin sa likod ko napunta tuloy yung ibang ice cream sa ilong ko hayp na yan

Lumingon ako sa likod ko at agad na binatukan yung kumalabit sa akin

"Nakakatuwa kuya nakakatuwa ansaya" sabi ko sabay palakpak na may kasamang naiinis na ngiti

"Ano ba ginagawa mo dito?" Tanong nito dahilan ng pagirap ko

"Nagsuswimming" asar kong sabi

"Malamang kumakain!" Sabay taas nung ice cream at yung mga binili kong pagkain

"Uwi mo ba sa akin yan aking pinaka mamahal na kapatid?" Sabi nito habang umuupo sa harapan ko

"Lah siya sa akin toh stress ako ngayon" sagot ko sa kanya sabay kain ko nung ice cream

"Bakit ka naman stress? May nangaway sayo? Ano nangyare?" Nakakunot nuong tanong ni kuya

Bigla ko namang naalala na hindi niya ako support sa pagiging kpop fan ko lalo na sa BTS at higit sa lahat sa pinaka mamahal ko na si JUNGKOOK!!

Ewan ko sa kuya ko kung ano tumatakbo sa utak niya parang iyun lang ayaw niya akong suportahan

Napangiti naman ako na parang matatae dahil ayokong sabihin sa kanya na dahil kay jungkook ito dahil maiinis toh

Habang nakangiti sa kanya ng pilit ay mabilisan akong nagiisip ano ba toh brainstorming ba ito taena

"KASI KINUHA SA AKIN NI HERA YUNG PABORITO KONG LIBRO!!" Sagot ko naman wuh hindi halata yes! Act normal dyan ako magaling😉

"Huh? Eh hindi ka naman nagbabasa ng libro eh" sabi nito dahilan ng pagtingin ko sa kanya he he he

"Um...grabe ka naman sa akin kuya nagbabasa ako ng libro!" Sabi ko sa kanya at agad na akong tumayo dun

Hindi ko na siya inintay at umuwi na ako ng bahay sabay kulong sa kwarto ko

Tae oo nga hindi nga pala ako mahilig sa libro putaena -__-

One week vacation with JEON JUNGKOOKWhere stories live. Discover now