<14> what is your dream?

317 11 0
                                    

CRASSEI POV

day 6 na naming nandito kami sa bus papuntang myeongdong kung saan maraming tindang cosmetics street foods kpop merchandise maliit lang siya pero madaming tindahan....


at syempre ang wish ko kay jungkook dahil day six isang araw na lang huhuhu alam niyo ba yung feels ko yung malapit na kayong maghiwalay ni crush yung hindi mo na siya ulit makikita...


change topic ayokong maiyak...iyun nga nakacouple shirt kami pink syempre hehehe bagay naman kasi sa kanya lahat


bumaba na kami sa sinakyan naming bus and teden pinagkaguluhan si jungkook -__- hello nandito po ako


may isang sumigaw na school girl na ewan ko kung saan nagaaral na nandito si jungkook at nagsi sugudan na ang iba tapos ang magaling tinulak pa ako palayo kay jungkook tangina lang


bakit kasi kami hapon pumunta dito kung kelan uwian nung mga ibang school psh


sa badtrip ko naglakad na lang ako magisa wuh buti na lang wala pa akong buwanang alam niyo na for girls only kundi uuwi ako kaagad nito...


pumunta na lang ako sa holika holika hehehe bumili ako ng handcream hehehe parehas kami ni jungkook kahit itapon niya toh pagtapos ng bakasyon naming okay lang tanggap ko naming ayaw niya talaga sa akin basta alam ko mahal ko siya...


nakabili na ako at nagiisip na kung saan ang next kong pupuntahan ng may humawak sa kamay ko


napatingin ako sa humawak ng kamay ko na nanlalaki ang mata at pagtingin ko ay si jungkook na hingal na hingal bakit ang hot niya pag humihinga tangina


"Wag ka ngang huminga" nakatulala at wala sa sarili kong sabi


"huh? babo edi namatay ako nun hahaha" sagot niya habang hinahabol yung hinga niya


"hehehe juk lang" ako


hinintay ko lang maging okay siya at oo hindi ko siya binigyan ng tubig hahaha mamaya na ko na lang siya ibibili


"bakit ka kasi hingal na hingal?" sabi ko sakanya ang gago kasi


"eh paano nawala ka akala ko kung na pano ka" concern ba siya? pwede kiligin hehe


"wow naman eh paano yung mga babae biglang tumakbo papalapit sayo natulak ako...gwapo mo eh noh hahaha" kelangan ko maging normal para hindi siya mailang alam kong alam niyang may gusto ako sa kanya pero kung ituturing niyang akong kaibigan dapat iyun din ang ituring ko sa kanya para wala aasa ahahaha


"syempre" sabay pogi pose niya nangiti na lang ako sa kahanginan niya pero totoo namang gwapo siya "tara na nga madami pa tayong pupuntahan" yaya niya kaya tumayo na ako at una ng naglakad pero sumabay din siya sa lakad ko


hindi pa rin nawawala yung mgg taong may gusto rin kay jungkook...napaisip tuloy ako ang swerte ko pala sa dinami daming nangangarap makasama si jungkook sa ganitong sitwasyon ako ang nakatupad nun...


bigla nanaman tumakbo yung mga fangirls niya lalayo na sana ako baka matapakan na ako ng biglang hawakan ni jungkook ang kamay ko tumingin ako sa kanya ngumiti lang siya sa akin at inakbayan niya ako para hindi ako malayo sa kanya


napagdesisyonan naming kumain muna kami at syempre samgyupsal ang kakainin naming


nakaupo na kami sa table namin buti na lang at nakatakas na kami sa mga fans niya wuh


"bagay ka maging kpop star hahaha" sabi ko habang hinihintay pa namin yung order namin nalulutuin namin


"talaga?" napansin kong nagiba ang mga mata niya na parang gusting gusto niya ang narinig niya sa akin


"oo meron ka namang visual meron ka ring talent" sabi ko oo maganda siyang kumanta at magaling siyang sumayaw promise


"paano mo naman na sabing may talent ako?" habang nilalagay niya yung mga inorder namin sa ihawan


"ako pa ba hahaha four years na kitang tinitignan four years na kitang binabantayan hahaha" sagot ko naman habang kinakain ang mga luto ng niluluto niya hahaha gutom pasensya


pinalo niya yung kamay kong kumukuha ng ulam kaya nanahimik na lang ako at hinintay na kumain din siya... at maluto ang mga niluluto niya


"magaling kang kumanta ako pa ba lagi akong nakasunod sayo sa school nung una kong narinig yung boses mo mas Lalo akong nabaliw sayo hahaha hindi nakakasawa pakinggan ang boses...yung sayaw mo naku pamatay hahaha" sabay tingin ko sa kanya dahil wala siyang sinasabi


nakatingin lang pala siya sa akin at nakikinig


"paano mo naman nakita sayaw ko?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa akin na ngumunguya


"ummmmm ah nung sasayaw tayo lahat na batch napanganga ako sa galing mo sumayaw niyo pala kayong pito kaso sila jin at namjoon medyo ano eh hahaha" pagexplain ko


"sa tingin mo bagay talaga ako maging kpop star?" tanung ulit nito sa akin ngayon nakatingin na siya sa ulam hahaha


"nasa sayo yun kung pangarap mo ba talaga maging kpop edi go walang pipigil sayo" sagot ko naman sa kanya habang kumakain


"sa totoo lang pangarap ko talaga maging isang kpop gusto ko ipakita ang talent ko gusto kong maging good example sa iba gusto ko sa pamamagitan ng kanta ko madami akong taong mapapasaya at makakagawa ng inspirasyon..." ngayon ko lang nakitang seryoso si jungkook hindi yung seryosong galit kundi seryosong determinado


"edi mag audition ka naku sure akong madaming kukuha sayo hahaha"


"ikaw ba anong gusto mo maging?" tanung niya sa akin


"ako? hindi ko alam hahaha" ang pangarap ko lang ay makasama at mahalin ka habang buhay


"weh? lahat ng tao may pangarap noh hahaha" sabi naman nito


"alam ko na kasing kahit kalian hindi ko makukuha ang pangarap ko..." napayuko naman ako dun diba tanggap mo na crassei kaya wag kang oa


"ano ba yun tutulungan kita" sabi naman nya paano mo ako tutulungan kung maski ikaw alam kong hindi mo kayang mahalin ang tulad ko


"umm ano architect yun hahaha" bukod naman sa mahalin si jungkook gusto rin ko naman maging architect pero hindi ako marunong magdrawing atyaka mas siya ang dahilan kung bakit ako nagpupursige magaral hindi dahil sa gusto ko maging architect


"oh diba sabi ko sayo may pangarap ko tutulungan kita magdrawing hahaha"


sana turuan mo rin ako kung paano ako magiging mahalaga sayo...........





==============================================


end of chapter 14


isang wala nanamang kwentang update hahaha


don't be trapped on someone else dream - v


nakita ko lang siya sa google tapos si taehyung o si v ang nagsabi nun


wag tayong makulong sa pangarap ng ibang tao dapat ang sundin natin ay kung ano ang pangarap natin hindi ang pangarap ng iba....


ayun ang chuchu for this update hehehe


see you sa next chapter

One week vacation with JEON JUNGKOOKWhere stories live. Discover now