<34> Letter

242 17 5
                                    

CRASSEI POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CRASSEI POV

hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko ngayon dahil nasa harapan ko si jungkook nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya naputol lang iyun ng hatakin siya nung manager nila

"TANGINA CRASSEI!!!!" sabay yugyog sa akin ni hera at ako hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa nangyari

he notice me!!

jungkook notice me!!

"SHET! SHET! SHET!" sigaw ko ng matauhan na ako

"saluhin mo ako hera mahihimatay ako now na!!" ako sabay pwesto ng mahihimatay at sinalo naman ako ni hera

umalis na ang van ng BTS at syempre nandun sila sa loob nun kaya wala na rin sila dito at napagisipan na naming umalis dun at kumain na muna sa isang Korean restaurant hehehe korea is life

habang hinihintay ko maluto ang pagkain namin na niluluto ngayon ni hera ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina

"tae totoo ba yun? nananaginip ba ako ngayon? panaginip ba t--" pinasakan ako ng hilaw na karne ni hera kaya agad ko itong dinura -__-

sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya

"oh ano alam mo ng hindi ka nananaginip?" sabi nito at tumango naman ako

"parang ang lungkot mo naman nakita na nga natin ang BTS eh nakita mo na ang ama ng mga anak mo!" sabi ko sabay palakpak para naman sumigla sigla naman dahil ang tamlay niya

"naisip ko lang na malabong mapansin niya ako" matamlay na sabi nito

"think positive ano ka ba tamo sasakalin kita dyan sige ka hahaha" sabi ko at tumango lang siya ng tumango

"Psh wag ka magalala naku...kahit naman maski ako malabong mapansin ni jungkook bebe ko eh...tyaka ang isang fangirl laging support noh" sabi ko at nagfighting sign

"Napansin ka na nga niya kanina eh!" Paghihimutok nito

"Gago ka kaya lang ako pinansin nun dahil inaabot ko sa kanya yung letter! Eh ikaw kasi nagwala ka agad ayan napala mo at cold talaga si suga noh diba?" Sabi ko sa kanya

"Hayaan mo pagnakita ko siya sa personal irereto agad kita ibibigay ko agad number mo birth certificate mo lahat maski virginity mo! Hahahahaa" sabi ko at sinipa niya ang masisipa niya sa akin

Kesa mag gaguhan ay mas pinili na lang naming Kumain na kami dahil mas lalo lang magiging gaguhan ang paguusapan namin

"Nasaan kaya sila ngayon?" Tanong ni hera habang naglalakad kami dahil napagisipan naming maglakad lakad ngayon

"Si jungkook malamang nasa puso ko hehehe" sabi ko sabay hawak sa dibdib ko

"U to the L the O ULOL!" Sabi nito at binatukan pa ako

"Tangina mo ka hera! Pero malay mo iniisip niya ako ngayon hehehe" kinikilig kong sabi

"Walang bayad ang mangarap kaya mangarap ka lang ng mangarap" sabi nito sabay tap ng braso ko

Hay binasa niya kaya yung letter ko o tinapon lang niya?

Hay bahala na...ang mahalaga makikita ko ulit siya sa concert!!

JUNGKOOK POV

"Hindi ako nagkakamali si crassei yun!!" Pilit ko silang kinukumbinsi na si crassei ang nakita ko kanina

"Jungkook ano ka ba baka namalik mata ka lang...edi sana kung si crassei yun ay tinawag ka niya sa tawagan niyo" sabi ni namjoon

"Ano ba kayo mga duling? Halata namang si crassei yun eh ayaw niyo pa maniwala!" Nakita ko siya sa airport kanina at tinatawag niya ang pangalan ko may binigay siya sa aking letter

Ay tama! Babasahin ko yung letter para maipakita ko sa kanilang anim na si crassei talaga ang nakita ko

Ng makarating na kami da hotel ay agad akong pumunta sa hotel room kung saan dun ang pagiistayan ko

Agad kong kinuha ang letter at bungad pa lang ng pagsulat niya ng jungkook ay alam ko ng siya iyun

'Hello jungkook hindi kita tatawaging oppa dahil alam kong ayaw mong tawagin ka namin ng ganun hehehe...

Alam mo bang simula nung nakita ko kayo kumanta pinalakas niyo ang luob ko at kayo ang nagkocomfort sa akin pag malungkot ako...

Sayang nga sana nung nasa korea pa kami ng family ko sana nagdebut na kayo 😭 para madali ko kayong makita...

Pero its okay naman dahil support pa din kita kahit saan kahit magkalayo man tayo o kahit hindi mo ako kilala kasi ikaw ang love ko eh hehehe kahit hindi mutual basta alam kong love kita

Jungkook lagi lang akong nandito para sayo nandito kami ng kapwa ko army saranghae jungkook

Kahit ano ano na sabihin ng iba tungkol sayo ang papakinggan ko lang ay kung ano ang sasabihin mo i love you~

-CRASSEI LEE

hindi ko alam pero parang nagiba siya...bakit hindi niya ako maalala na ako yung boyfriend niya four years ago hanggang ngayon?

"Ano jungkook natauhan ka na?" Sabi ni taehyung habang kumakain ng chichirya

"Si crassei siya...pero..."

"Pero ano?" Sabi nito sabay silip dun sa sulat na binigay ni crassei

"Pero hindi niya ako maalala..." malungkot kong sabi sabay yuko dahil sa pagkadismaya

"Huh? Si crassei hindi ka maaalala? What a joke jungkook hahahah" tawa nito at tumingin ako sa kanya ng seryoso kaya napahinto ang pag tawa niya

"Eh totoo nga?!" Sabi nito

"Oh ano nangyayare sa inyo dyan?" Biglang singit ni jin at nagsipuntahan na din ang iba

Sinabi ni taehyung ang sinabi ko sa kanya dahil wala akong balak ulitin ang sinabi ko

"May amnesia si crassei?" Gulat na sabi ni jin

"Hindi malabo yun dahil unang una nabangga siya ng kotse" sagot naman ni namjoon

"At dahil sa pagkabangga niya nun ay nagkaruon siya ng amnesia..." duktong pa ni namjoon

"Pero ang galing jungkook ikaw pa din ang gusto niya kahit nagka
amnesia siya ah hahahaha what a korean drama" tawa nitong hoseok

"Lakas ng tama sayo ni crassei ah hahahaha" dagdag pa ni taehyung at napangisi na lang ako

Napaisip na lang ako na kahit hindi niya ako naaalala bilang boyfriend niya mahal niya pa din ako

Saranghae crassei~ i miss you so much

One week vacation with JEON JUNGKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon