<22> Not A Friend But A Rival

303 13 0
                                    

HAPPY 800reads 🎉🎉🎉

CRASSEI POV

Gabi na pero nandito pa rin kami sa party tinext ko na rin ang magulang ko na gagabihin ako ng uwi dahil sa party at pumayag naman sila dahil wala na silang magagawa dahil nandito na ako( ͡° ͜ʖ ͡°)

Iniwan ko muna si jungkook dun sa kaibigan niya dahil gusto ko muna mapagisa dahil hindi ko alam ang topic nila dahil puro ng bata pa sila

Naglalakad ako sa garden nila hyeri ng may umakbay sa akin at sa amoy pa lang alam ko ng hindi siya si jungkook

Teka parang ang manyak tignan tangina( ̄∀ ̄)

"Ano ginagawa mo dito kang daniel?" Tanong ko dito at pilit na tinatanggal ang pagkakakbay nito sa akin

"Well alam ko kasing miss mo na ako kaya ako na mismo ang pumunta sayo" sabay wink nito (^_-) nakakagago lang talaga siya

"Wag mo ngang tanggalin nangangawit ako eh" reklamo nito dahil tinatanggal ko pa rin yung pagkakaakbay niya sa akin

"Ulol ka ba si jungkook lang pwede umakbay sa akin" sabi ko sabay tanggal nung akbay at buti naman natanggal

"Psh who dat?" Inis na sabi nito may kasama pang irap

"Ang pinaka mamahal ko na si jeon jungkook" masaya kong sabi sa kanya

"hindi mo siya kilala shet kang daniel saan ka bang planeta nakatira at hindi mo siya kilala?" Sabi ko dito dahil malabong hindi niya kilala si jungkook

Tinignan ko siya at parang inis na inis siya sa mga sinasabi ko

"Sige kung hindi mo siya kilala ako magpapakilala sa— YAH!" May sumuntok sa mukha ni daniel na ikinagulat ko napatingin naman ako kay jungkook habang nanlalaki ang mata ko

Tinignan ko naman si daniel at nakahawak siya sa part na kung saan tumama ang suntok ni jungkook

"Hala bakit mo ginawa yun?" Tanong ko kay jungkook habang ako dito ay gulong gulo pa rin sa  nangyari

"Long time no see" napatingin naman ako kay kang daniel na nakangiti habang sinasabi ang mga iyun hindi ko alam kung ngiting masaya iyun ang nakikita ko kasi ngiting mapangasar

Napatingin naman ako kay jungkook na halatang may inis sa mga mata niya

"Sana hindi ka na nagpakita pa" sagot naman ni jungkook

Habang ako ay nasa gitna at litong lito sa nangyayari dahil putcha magkakilala sila?

Hinila ako ni jungkook palapit sa kanya at naglakad na kami palayo kay daniel

Pinaupo ako ni jungkook sa tabi niya at nakipaginuman ulit sa mga kaibigan niya oo umiinom na sila dahil pinapayagan naman sila ng magulang nila eh ako pinapayagan ako pero ako na mismo ang umaayaw

Habang tumatagal ay halatang nalalasing na sila paano ba naman dang pupula na ng mukha nila

Kinalabit ko si jungkook at tumingin naman ito sa akin

"Okay ka pa ba?" Tanong ko dito at tumango lang siya sa akin

"Ano ka ba crassei sanay na kami sa inuman kaya don't worry" sabi ni namjoon habang naka thumbs up pa

"Dunt wury wury we pyn"  sabay inom ulit nito eh sa salita pa lang ni taehyung halata ng lasing siya eh

Nagulat ako ng tumayo ito at sumayaw sayaw tae ganto ba talaga siya?

"Pagpasensyahan mo na si taehyung ganun talaga siya pagnalalasing" bulong naman ni namjoon kaya napatango na lang ako

Tinignan ko yung oras at tangina alauna na ng umaga kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtinginan silang pito sa akin

"Ah hehe uwi na ako baka nagaalala na sila mommy at daddy eh" pagpapaalam ko

Lumakad na ako papunta dun sa pwesto kung saan nandun si hyeri at ang mga kausap niya nakangiti ko siyang kinalabit dahil siya ata ang una kong naging kaibigan dito sa Korea

Nakangiti siyang lumingon sa akin pero nawala ito nung humarap siya sa akin

"Ah hyeri uuwi na ako" sabi ko hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o seseryoso dahil nakaseryoso lang siya sa akin iba ang kutob ko galit ba siya?

"Dapat lang" sabay irap nito na halata ko ng iba ang trato niya sa akin ngayon

"Galit ka ba?" Tanong ko dito

"I'm not mad i just don't want to see you" nagulat ako sa sinabi niya sa akin akala ko ba magkaibigan kami? Nawala ang saya at ngiti ko dahil sa sinabi niyang yun sa akin

"Bakit? Akala ko ba friends na tayo?" Tanong ko sa kanya

Umirap muna siya at ngumiti ng tipid at agad ding nag seryoso...lumapit siya sa tenga ko at binulungan ako

"We are not friends we are rivals" naramdaman kong maluluha na ako kaya siguro dapat umalis na ako

"Ah sige ahm thank you na lang for letting me experience how happy to have a friend" sabay ngiti ko sa kanya hinawakan niya ang wrist ko at humarap ako sa kanya

"Don't be thankful its so disgusting for me and don't ever tell jungkook oppa or any people that i said it to you baka kasi masira ang image ko kay jungkook oppa at hindi na namin maituloy pa ang kasal namin in the near future na approved by our parents" sabay ngisi nito sa akin

Yumuko na lang ako at tinanggal ko ang hawak niya sa akin sabay alis ko duon

Palapit na ako sa gate ng may biglang humatak sa akin at wala ako sa tamang wisyo ko para pigilan ito ang sakit... ang sakit sakit

nawalan na nga ako ng kaibigan mawawala din pala ang pinakamamahal ko na si jungkook

Nanghihina ako at hindi ko malabanan kung sino man itong humahatak sa akin

"Kung sino ka man kung may gagawin ka man sa akin na masama pwede next time na lang ang dami kasing nangyari masama sa akin ngayon wag mo na muna dagdagan please?" Sabi ko dito habang nakatingin sa ibaba dahil ayaw tumigil ng luha ko

"Ano ba yung pinagsasasabi mo dyan?" Napataas naman ako dahil pamilyar ang boses na yun

"J-jimin?"

——————————-

One week vacation with JEON JUNGKOOKWhere stories live. Discover now