<21> Party~

314 15 7
                                    




CRASSEI POV

"Kahit anong suotin mo ang ganda mo pa rin" sabay ngiti nito at dahil dun ay kinuha na ako ng langit bye world ( ̄∀ ̄)

Naramdaman kong umiinit ang mukha ko kaya yumuko ako

"TARA NA NGA DAMI MONG SINASABI EH!!" sabay labas ko sa kwarto ko at buti ay sumunod siya sa akin

Pagpasok namin sa kotse ay agad na niya itong pinaandar dahil siya din daw ay magpapalit ng damit psh edi sana umuwi na lang siya kanina kesa intayin ako

Hindi din nagtagal ay nakapunta na din kami sa bahay nila

"Tara pasok ka" pagyaya nito sa akin pero umiling na lang ako

"Dito na lang ako sa kotse" tumango na lang siya sa akin at lumabas na  ng kotse niya

~PARTY~

Nandito pa rin kami sa kotse dahil antanga ko paano ako baba dito edi makikita nilang magkasama kami ni jungkook

Hindi ko man lang naisip ang magiging resulta ng kaharutan ko ehヽ( ̄д ̄;)

"Hala siya ano gagawin natin?" Nagpapanic na tanong ko sa kanya dahil hindi ko malaman ang gagawin namin at ayun siya chill lang -__-

Paano kasi ang parking pa sa kotse ay nasa tapat nung pinaka party kaya pag bumaba kami ay makikita agad kami

Tumingin ako sa kanya na chill lang na naka upo

"Tignan mo hindi na kita talaga papansinin kung ganyan gagawin mo" sabi ko sa kanya na nagmamadali dahil sa kaba

"I have an idea payag ka ba?" Agad naman akong tumango sa kanya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko

Ngumiti siya na hindi ko malaman kung bakit...ano masaya siya na nahihirapan ako ganyan naman siya eh

Bigla siya lumabas sa kotse kaya bigla akong naalerto ano ang plano niya iwan ako dito?

Biglang bumukas yung pintuan na katabi ko na mas lalong ikina-panic ko huta huta ano gagawin nito

"Ano ginagawa mo?" Sigaw ko sa kanya pero yung kaming dalawa lang ang makakarinig

Napatingin naman ako sa harap kung nasaan ang party at yung iba ay napapatingin na dito sa amin

Bakit nga naman hindi nila mapapansin ang isang jeon jungkook na may pinagbubuksan ng pinto at ako pa yun

Dapat ba ako matuwa? MALAMANG kaso wrong timing naman eh

"Ito na lang naman ang pwede nating gawin eh kaya bumaba ka na dyan...atyaka ayaw mo nun magiging official na tayo" sabay ngiti nitong panginis

Bakit hindi ko kaya magalit sa kanya ganun na ba ako katanga para sa kanya?

Bigla siyang yumuko para matapatan niya ang mukha ko

Hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti siya sa akin

At tinignan ko siyang litong lito dahil hindi ko maisip ang iniisip niya

"Oy jungkook kung ano man plano wag mo na ituloy gugutumin ko na lang sarili ko dito sa loob" sabay yakap ko sa upuan nung kotse

"Ayokong nagugutom ka kaya tara na" sabay hila nito sa akin dahilan ng pagtayo ko

Sinuntok ko agad siya sa tyan niya sa ginawa niya #chansing( ͡° ͜ʖ ͡°)

paglingon ko sa harapan halos lahat ay nakatingin sa amin

"yyooooooooonnn!!" Napatingin naman ako sa gawi ng mga nagsisigawan na lalake taena nakakahiya na tong nangyayari sa akin ah

"Gago ka yan lang masasabi ko sayo"  sabi ko sa kanya

Ngumisi na lang siya kahit ako dito inis na inis na sa hiya

"Tara na wala ka naman ng magagawa dahil nakita ka na nila" sabay wink niya sa akin (^v*)

Hinawakan niya ang kamay ko papunta kung saan nandun ang anim na kaibigan niya na kaninang sumisigaw

hindi ko man sabihin pero alam niyo na siguro ang mga tingin ng mga babae sa akin dahil una kasabay ko si jungkook pumunta dito pangalawa MAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY NGAYON!

pilit kong binabawi yung kamay ko sa kanya pero kahit nakikipag usap siya sa mga kaibigan niya ay napipigilan pa rin nito akong pakawalan sa lakas ba naman niya eh noh

tumingin siya sa akin dahil todo hila ako sa kamay ko na hawak niya

"bakit? anong problema?" nakangiti niyang tanong sa akin na halata mong masaya siya ngayon ayokong sirain ang saya niya kaya umiling na lang ako sa kanya

"wala hehe wala naman" hindi ko na lang pinansin yung iba at mas iisipin ko na lang ngayon na masaya si jungkook lalo na ako SOBRANG SAYA KO

THE END

Chos lang hahahahahhaa😂

See sa next chapteeeeerrrr

—————————-

Be thankful of what you have not what you doesn't have

Ngayon lang ulit ako nagchuchu of the day sa update pasensya na hehe

One week vacation with JEON JUNGKOOKWhere stories live. Discover now