Station ● 44

2.4K 151 250
                                    

   Sinamaan ko ng tingin si Timothy at Nathan nang sinubukan nilang buksan at sumilip sa pinto. Sa sobrang atat nilang lumabas baka mamatay kami nang maaga, hindi man lang kami nabalikan nila ilong.

"Isa pang silip niyo, tatadyakan ko na kayo palabas." Pagkasabi ko pa lang n'on ay bigla na lang silang umupo sa isang kanto. Para talaga silang mga bulate na sinabuyan ng asin sa sobrang hilig nila magligalig.

Nagtatawanan lang silang dalawa sa gilid na para bang kinikilig sa isa't isa. Kung hindi lang talaga nakabuntis 'tong si Nathan, iisipin ko may relasyon silang dalawa ni Timothy.

Sa pang-ilang ulit na pagkakataon, lumapit nanaman silang dalawa sakin at talagang ginitnaan pa ako. Napapikit na lang ako, tiis tiis muna. Mamaya matatahimik na buhay ko.

"Hyung, hindi ka ba nagsasawa? Palaging mainit ulo mo?" Tanong ni Timothy na nginangatngat yung kuko niya habang nakatitig lang sakin.

"Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa? Palagi mong pinapainit ulo ko?" Sagot ko na lang sa kaniya habang nakatingin lang sa malayo.

Nagsikuhan pa silang dalawa na para bang nagsesenyasan na kung sino ang magsasalita. Kahit saan talaga o kahit anong sitwasyon, para silang aso't pusa.

"Hindi kami nagsasawa noh! Ganda kaya ng gilagid mo. Shine bright like a diamo--" Hindi na natapos si Timothy nang bigla na lang tinakpan ni Nathan yung bibig niya para patigilin siya sa kung anumang tampalasan ang balak niyang sabihin.

"Ang pasmado ng bibig mo, kulugo ka talaga." Ani Nathan sabay kutos sa kaniya na siya namang nagpayuko kay Timothy.

"Sinong kulugo? Pakilinawan?"

"Ikaw malamang, ogag ka talaga!"

"Kung ako bibig, ikaw baba!"

"Manahimik ka, maitim lang utong mo eh. Parang pinaglihi sa gulong tapos binilad pa sa bubong!"

"Ang bastos mo talaga, dapat yung sperm na sumunod na lang sayo yung nauna eh hindi ikaw."

Aalis na sana ako bago pa sila magsapakan nang bigla na lang silang walang humpay na naghampasan habang nasa gitna nila akong dalawa. Hindi na nila naisip na nandito pala ako sa gitna nila.

Itinaas ko yung dalawa kong braso para makaiwas sa mga hampas nila, dahan-dahan akong gumapang paalis at hinayaan na lang silang magpatayan sa isang sulok.

Tumabi na lang ako kay Brian na tahimik lang sa gilid pero natatawa na lang din sa dalawa. Napapaisip tuloy ako kung papaano naging bestfriend ni Brian si Timothy eh. Napapaisip ako kung papaano niya hindi nagawang patayin si Timothy sa tagal ng pagkakaibigan nila.

"Babalikan naman nila tayo, diba?" Buntong hininga ni Brian. Tumango na lang ako sa kaniya kaya napangiti na lang nang pilit si pandak sakin.

"Natatakot ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin nang makahulugan at saka nagkibit balikat.

"Hindi naman ako natatakot mamatay kasi gusto ko pa mabuhay, natatakot akong mamatay nang hindi nakukuha yung closure samin ni Clarice. Alam kong malaki kasalanan ko sa kaniya at gusto kong itama lahat ng 'yon." Sabi niya habang ginugulo yung buhok niya.

"Ako rin, natatakot ako mamatay hindi dahil sa ayaw ko. Natatakot ako mamatay nang hindi ko nalalaman kung ligtas na ba yung mga mahal ko sa buhay." Sabi ko sabay punas ng pawis sa umiiyak kong kili-kili.

Ang dugyot ko.

"Hindi ko gusto yung nangyari samin, alam mo yan. Pero hindi ko talaga pwedeng hindi panagutan si Ayumi, nagsisisi lang akong mas naniwala ako kay Ayumi na minsan ko lang na nakasama kaysa kay Clarice na nandyan para sakin noon."

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon