Station ● 12

4.8K 267 51
                                    

   Sinusundan ko lang yung bawat pagbukas ng bibig ni Jessie ngayon dito sa tabi ko, hindi ko alam pero parang nabingi ako sa narinig ko. Lasing na nga talaga siya, halata mo na din naman kasi nakapikit na yung mga mata niya habang prentang nakasandal sakin.

"Gwapo ng boyfriend ko 'no? Loyal yansh shakin!" Bigla naman siyang tumawa sabay hampas sa balikat ko. Ugh, medyo masakit 'yon ah?! Hindi na lang ako makapagreklamo.

"B-boyfriend mo siya?"

Gusto ko sanang umiling kay Andy pero bigla nanamang sumiksik sakin si Jessie, takte!

"Titigilan ka niyang malandi na yan kapag sinabi mong girlfriend mo ako. Ayaw mo n'un? Pabor na din yan." Bulong niya kaya napaayos ako nang upo. Amoy na amoy ko yung alak sa hininga niya pero mas nangingibabaw yung strawberry flavor.

Shit.

"A-akala ko single ka?!" Bakas sa mukha ni Andy yung pagkabigla kaya umiling na lang ako sa kaniya bilang sagot.

Yumakap sakin si Jessie kaya medyo napatayo ako, pero sadyang mabigat siya kaya napaupo nanaman ako. Tss. Gusto ko nang bumalik sa upuan ko.

"Alam mo, Andy.. hindi ka dapat kashi shunggab nang shunggab. Wag kang DePuTa." Bahagya siyang huminto at nagulat ako nang akmang iinom siya sa beer ko. Agad ko naman siyang napigilan sa pamamagitan ng pag-agaw dito kaya naman nakatanggap ako ng palo sa balikat.

"DePuTa.. DEsperadang PUmapatol sa TAken. Get it?"

Bakit ba napakalalim ng pinaghuhugutan nitong si Jessie?

"Lasing ka na.." Sabi ko. Inayos ko yung buhok niya na humaharang na sa mukha niya at yung iba pa eh nakakain na niya.

"Cody.. I love you."

Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi ni Jessie. Tch. Hindi na niya kailangang sabihin yan para mapaniwala si Andy, paniwalang paniwala naman na oh.

Sigurado akong narinig ni Andy yung pinag-usapan namin kanina ni Deserei kaya wala naman na akong magagawa kundi magkunwaring taken talaga ako para tigilan na niya ako, kinikilabutan ako sa kanila. Kailangan makaalis na ako dito, hindi ko kinakaya yung kabaliwan ng mga tao ngayon.

"Uh.. excuse lang ah.. pero pwede ilabas ko na yung girlfriend ko?" Sabi ko sa kaniya na nakatingin lang samin na para bang dismayado at naiinis. Isinawalang bahala ko na lang siya at saka nilagay yung braso ni Jessie sa balikat ko para kumuha ng suporta.

Nagbow ako bago tuluyang lumabas ng canteen, mahaba haba pa ang lalakarin dahil hindi naman kasi maikli itong train. Isang carriage yung haba at laki ng canteen at kalahati naman yung restroom. Oh di'ba? Saan ka pa? Bago ka makarating sa ibang carriage eh patay ka na.

"Bakit ang bigat mo?!" Inis na sabi ko habang patuloy na naglalakad. Ang layo pa naman ng seat nila ni Theo mula samin, malawak pa 'tong canteen.

"Kumakain ka ata ng bato eh, tss. Baboy." Bulong ko pa. Bigla naman siyang natawa pero mahina lang, nakasiksik pa din kasi siya sakin at ito naman ako na nahihirapan maglakad dahil sa bigat niya.

Tuloy tuloy lang kami sa paglakad kahit na natitisod na kaming parehas. Tch. Hindi kami makakadating nito kapag naglakad kami na parang zombie.

Ano pa bang aasahan ko kundi ang buhatin siya?

Tumayo ako nang tuwid habang hinawakan siya sa mga binti at itinaas nang kagaya sa mga bagong kasal. Nakasiksik yung mukha niya sa dibdib ko habang yung kamay niya ay nasa gilid niya.

Ngayon lang nangyari yung ganito sakin, madalas kasi kapag kami ni Nathan ang nalalasing.. pinapagulong ko yan. Hindi ko na inaakay. Manigas siya, ang bigat kaya niya. Matik naman kasing mas matangkad yang si Nathan sakin kahit mas matanda ako. Baba nga niya mahaba eh, height pa kaya?

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon