Station ● 22

3.9K 243 178
                                    

   Habang dinadama ko yung malakas at mabilis na hanging tumatama sa mukha ko ay gan'on din kabilis yung pagtakbo ng usok mula sa bibig ko. 

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari kanina. Umiyak ako sa harapan ni Jessie na parang babae at hindi man lang ako nagpaawat. Nababakla tuloy ako sa sarili ko.

Humigpit yung hawak ko sa vape ko dahil sa mga nangyayari. Alam kong mali ako pero hindi ko alam kung anong gagawin ko para itama yung pagkakamali na 'yon.

"Hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali.." Sabi niya sakin at saka pinisil yung pisngi ko. Ewan ko ba dyan kay Deserei, naging hobby niya na yang pagpisil sa napakagwapo kong mukha.

"Paanong hindi maitatama?" Taka kong tanong. Ang lalim kasi kung magsalita, parang balon na pwede nang ihulog si Nathan.

"Hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali. Simple lang na kung nagkamali ka, dapat itatama mo ito agad. Hindi yung dadagdagan mo pa." Sabi niya at tumingin sa itaas.

Kita namin kung gaano kaganda yung langit dahil sa dami ng mga bituin dito. Idagdag mo pa yung buwan na nagbibigay liwanag dahil sa araw na kahit hindi mo makita.. nandyan pa rin para sumuporta.

"Ang ganda ng langit 'no?" Saad ko pero sa kaniya ako nakatingin. Simpleng pagkabreezy ba, ganern.

Tumango-tango naman siya habang nakangiting nakatingin sa langit. "Oo parang ako.." Natatawa niyang sabi. Natawa na lang din ako dahil sa kaniya. Kahit hindi na niya sabihin, alam kong maganda talaga siya.

"Hindi ka langit, Des." Sabi ko na siya namang ipinagtaka niya.

"At bakit naman? Hindi ba ako maganda para sayo?" May halong inis pero tumatawa pa din siya habang sinasabi yung mga 'yon. Kung alam mo lang, ikaw ang isa sa pinakamagandang babae na nakita ko. Hindi ka man maganda para sa lahat, pero para sakin oo. Tangina na lang nung mga tututol.

"Hindi ka nga langit, kasi mundo kita." Banat ko naman na siyang malakas na ikinatawa niya.

"Seryoso ka?" Tumawa siya nang malakas na halos mag-echo na dito. Nasa taas kasi kami ng burol at naglilibot-libot, inabutan lang kasi ng dilim kaya sa kotse na lang kami matutulog.

"Mayaman ka 'di ba?" Tanong ko.

"Ah? Hindi. Mas mayaman ka kaya, paano mo naman nasabi?" Tanong niya. Mukhang nahalata niya na babanat nanaman ako kaya malakas siyang tumawa.

"Kasi tignan mo, yung ibang tao may sariling bahay at lupa lang.." Sabi ko at tinuro yung paligid. "Eh ikaw? May mundo ka." Sabi ko at nakatanggap nanaman ng kurot sa pisngi.

"Ang corny mo talaga." Patuloy pa din siya sa pagkurot ng pisngi ko. Lord, sana yung baba na lang ni Nathan ang hayaan niyong makurot nito ni Deserei.

Hinawakan ko yung mga kamay niya at mabilis na ninakawan siya ng halik. Kita ko kung paano siya magulat at mapatakip sa labi niya, hindi naman ito yung first kiss namin pero bakit parang palagi siyang nahihiya kapag hinahalikan ko siya?

Hindi naman nakakasaksak yung baba ko?!

Ngumiti ako habang tinatanggal yung kamay niya na nakatakip sa bibig niya, nakatingin lang siya sakin nang masama pero tinatawanan ko lang siya. Lalo akong napapamahal sa kaniya dahil sa hitsura niya.

Napakislot ako nang bigla na lang niya akong kurutin sa tagiliran ko, ayst! Magpapasa yan, okay lang huehue. Galing naman sa taong mahal ko, bahala na si Joker na bawian si Nathan.

"Wag kang mag-alala, mahal pa din kita kahit sadista ka." Natatawa kong sabi pero nakatanggap uli ako ng isang malakas na hampas with matching sabubot pa. Jusko, nagmahal ata ako ng wrestler.

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon