Station ● 35

3.6K 185 361
                                    

A/N: Here's the catch here, I was supposed to update this last month but naratay ako sa hospital bed ng dalawang beses lol. So yun lang hahahaha thanks for reading! ON-HOLD NO MORE!

Characters:
Ayumi Shin is RV's Seulgi
Deserei Park is Twice's Mina
Andy Lee is Twice's Jihyo
Seri Park is Twice's Chaeyoung
Ayura Shin is Apink's Hayoung
Mio Shin is Baek Sumin
Clarice Lee is Byeon Jungha
Patrice Chae is RV's Wendy
Jessie Yoo is Twice's Jeongyeon

May pagbabago akong ginawa. Strong power thank u.

- - - - -

   Isang buwan na ang nakalipas simula nang makarating na kami dito. Isang buwang puno ng patayan at pagtulo ng dugo kahit saan kami tumingin... isang buwan. Isang buwang nabubuhay kami pero napapaligiran ng mga patay.

Namiss niyo ba ako? hehehe

Sa loob ng isang buwan, patuloy pa din kami sa paghahanap ng mga pwede matulungan sa labas nitong mansion. Malaking tulong yung nakita nila Nathan at Timothy na pickup truck sa gubat.

Sa pangunguna na din ni Kyle. Kahit badjao eh mataba naman yung utak, sadyang wag mo lang papalapitin sa mga fragile na bagay kasi paniguradong masisira niya yan anumang oras. Pero kahit gan'on, hindi siya huminto sa pagbibigay ng mga direksyon at sa pagtulong samin sa mga bagay-bagay. Nagagawa na rin naming maglabas-masok dahil sa mga plano niya kaya padagdag nang padagdag ang populasyon dito.

Edi siya na mataba utak. Mas gwapo naman ako. Mas maputi pa.

Kita ko din kung gaano kabuting mga magulang sina Patrice at Alex hyung sa mga anak nila. Siguro mas babae nga si Alex kay Patrice minsan pero kita ko yung pagmamahal niya sa mga anak nila bilang isang mabuting ama. Isa din siya sa tumutulong samin para makahanap pa ng ibang taong matutulungan namin, hindi niya kami iniwan kahit minsan gusto na namin siyang sakalin sa mga jokes niya. Mukhang nahawa na ata kay Nathan.

Palagi din niya kaming pinagluluto huehue.

Patagal nang patagal mas lalong nagpupursigi si Brian na suyuin si Clarice.. ang sabi niya sakin gagawin daw niya lahat para mapatawad siya nito. Pero sadyang matigas na si Clarice, minsan nagkausap kami. Pagos na daw siyang masaktan at nagsawa na siyang sarilihin yung sakit at hiya na nangyari sa kaniya nung mga panahong nasasaktan siya ni Brian. Ika nga, once is enough and twice is too much.

Si Theo naman patuloy pa din sa pagpapalaki ng ilong niya at nahahawa na ata sa kasiraan ng ulo nina Timothy at Nathan. Kahit papaano naman tinutulungan niya kaming lahat na proteksyonan ang mga sarili namin. Silang dalawa ni Jessie yung gumagabay pati sa mga bata kung paano at kung ano yung mga dapat nilang gawin kapag nasa kritikal na sitwasyon na sila.

Patagal nang patagal mas lalong naghahasik ng kalagiman yung partner in crime na sina Timothy at Nathan. Wala nang sineryoso yang dalawang yan, maging sa zombie pinaglalaruan na nila o kaya nagpapahabol bago muna patayin. Kaya hindi na ako nagtaka na kung minsan parang aso't pusa sila at minsan kambal tuko kasi hindi na mapaghiwalay. Isama mo pa si Brian na nakikisali sa katarantaduhan nilang dalawa.

Nakapag-usap na kami ni Andy nang masinsinan pa sa masinsinan. Yung tipong nilinaw namin lahat kung hanggang saan lang ba dapat yung pagsasama namin. Napatawad na namin yung isa't-isa at inamin na parehas kaming nagkamali na binahiran namin ito ng general fiction eh horror-comedy ito.

Kaso ito, ako pa din kusang lumayo sa kaniya. Mas maganda na munang hindi kami mag-uusap kagaya nang dati. Hindi ko alam pero natapos nga namin yung issue pero yung ilang at hiya ko sa kaniya eh hindi na matatapos.

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon