Station ● 34

4.4K 220 111
                                    

   Humikab ako habang pinagmamasdan yung paligid. May iilang nagtatanim sa paligid at may mga bata din na busy sa paglalaro, medyo napapikit pa ako dahil sa nararamdaman kong antok pero hindi ako makatulog. May isang bagay na patuloy na hindi ko maalis sa isip ko simula pa kahapon.

Sino yung nagligtas samin kahapon? Sino yung bumaril sa zombie para hindi kami makagat?

Paulit-ulit ko yang tinatanong sa sarili ko kung bakit bigla na lang may babaril dito at tutumba sa sahig. Hindi ko alam kung sino o kung saan galing yung bala pero siya yung nagligtas sa buhay namin.

Magtatanghali na pero hindi pa din ako makatulog. Sigurado akong mas mataba na kay Nathan itong eyebags ko, nakakabawas ng pogi point. Pero kahit gan'on, mas gwapo pa rin talaga ako kay Nathan.

Ininom ko na yung lumamig kong kape sa tasa ko at saka ako yumuko. Tinignan ko uli yung paligid, maganda ngang tignan pero iisa lang pala ang totoo ngayon. Nakakulong kami dito at wala nang ibang mapupuntahan.

Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong mga yabag na parang papalapit sakin. Isa pa itong masamang epekto ng pagkakaroon ng mga halimaw sa labas, yung pagkatakot mo sa mga tunog.

Nang may makita akong tao ay agad akong nagbow sa kaniya. Ngumiti ako ng tipid pero hindi niya ako pinansin matapos kitang yumuko din nang bahagya sakin.

Parang nagtaasan nanaman yung mga balahibo ko dahil sa aura niya. Akala ko kaya siya parang nakakatakot kasi may mga estranghero kahapon pero mas nakakatakot pa pala siya sa malapitan.

Yung babae kahapon na nakipagtutukan ng baril kay Clarice, nandito siya ngayon sa tabi ko at umiinom din ng kape. Hindi ko inaasahan na magagawi siya dito dahil nandito din ako, pero mukhang malakas talaga yung loob niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at medyo umusog nang kaunti sa sulok, baka kasi bigla na lang akong sakmalin nito papunta sa pader. Nakakatakot na.

Good, Cody Min. Natatakot ka sa isang babae. Very good.

Tumikhim ako saglit dahil pakiramdam ko natutuyot na yung lalamunan ko dahil sa kaba, sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Iba yung dating sakin ng babaeng ito.

Sinubukan kong huminga nang malalim para ipunin yung lakas ko ng loob para tanungin siya, lumunok na din ako kung sakaling bigla akong mautal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ito na, Cody.. tanungin mo na siya. Magpakalalake ka naman! Napakagwapo mo, tapos duwag ka?

"S-sino ka?"

Para akong natunaw na jelly nang masabi ko yung dalawang salita na yun, feeling ko ang galing ko na. Ang tapang-tapang ko pa, gusto ko sanang matawa.

Pero nawala lahat ng saya sa loob ko nang bigla siyang tumingin sakin. Feeling ko para akong salamin na bigla na lang nabasag dahil sa tigas ng tingin niya sakin.

"Seri, Seri Park." Yun na yung huling salita mula sa kaniya bago siya uminom sa tasa niya. Yumuko na siya habang pinagmamasdan yung mga bata sa ibaba.

Gusto kong maglakas loob na magtanong pero mukhang wala siya sa mood para makipag-usap. Wala sa aura niya yung tipo na gustong makipagdaldalan, mukhang nakahanap siya ng katapat kay Clarice. Kaya siguro sila nagkainitan ng ulo kahapon.

Napansin kong gumagalaw yung bibig niya kahit wala naman siyang nginunguya. Naalala ko tuloy bigla yung hikaw niya kahapon sa dila, naalala ko yung hitsura nito. Para itong skull na may kung ano sa gilid, yun yung pagkakaalala ko.

Hindi ko maiwasang tignan siya, para talaga siyang rockstar na ewan sa pormahan niya. Pero kahit papaano, may dating naman siya. Siguro self counterattack na lang niya yan dahil may sakit siya.

Train to Daegu | bts m.ygWhere stories live. Discover now