Station ● 28

3.3K 206 240
                                    

A/N: Team Jessie, Team Andy o Team BRIAN?! HAHAHAHA
- - - - -

   Naramdaman kong may kakaibang nakadagan sakin kaya agad akong dumilat. Medyo masakit pa yung ulo ko kaya hindi muna ako kumilos.

Pagkatingin ko sa bintana ay maliwanag pa din, mukhang wala pang dalawang oras yung nakalipas simula nung iwan ko si Nathan at uminom ako.

Ugh, anong nangyari?

Napaunat ako ng katawan pero nanlaki yung mga mata ko nang makita kung sino yung kasama ko ngayon dito sa kama. Someone's sleeping and guess what, SHE'S DAMN NAKED!

Bakit siya nakahubad?!

Hindi ko man kita kung ano yung hitsura niya dahil nakatakip siya ng isang makapal na kumot pero base sa hitsura niya, nakahubad talaga siya.

Napasabunot ako sa sarili ko nang maramdamam kong gan'on din pala ako. Nakakalat sa sahig yung mga damit namin at parehas kaming magulo.

Hindi naman ako tanga para hindi maisip kung ano talaga yung nangyari. Ako, siya, walang damit, tulog, pagod, sa iisang kama. JUSKO WALA NA ATA AKONG SWAEG.

Agad akong tumayo at nagsuot ng damit. May boxer shorts pa naman ako, hindi ito nahubad. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagkalito.

Kung may nangyari samin, bakit nakasuot pa 'to sakin?

Nakatitig lang ako sa mukha niya at hindi makapaniwala sa nangyari, hindi ko alam kung ano yung nagawa ko pero jusko po.. ano 'to.

Mahimbing siyang natutulog na para bang pagod na pagod talaga. Pinilit kong isipin yung nangyari kanina pero malabo yung mga pangyayari sa utak ko.

"Jessie.."

"Cody, I'm Andy not Jessie." Sabi niya at umalis na lang bigla sa ibabaw ko.

"But Jessie.." Sabi ko at hinalikan siya uli. Wala akong ibang nararamdaman kundi init, hindi man lang bumibilis yung tibok ng puso ko o kung ano man.

"Andy, not Jessie." Kita ko kung paano siya umiyak sa harapan ko.

Pumikit na lang ako at umiling. Ilang oras pa ay nakaramdam ako ng matinding antok kaya hindi na ako nanlaban pa at natulog na lang.

"Ano ba talaga?!" Sinabunutan ko yung sarili ko dahil sa pagkafrustrate.

May nangyari ba o wala?!

Malakas yung pakiramdam ko na wala, alam kong hindi ko siya ginalaw. Pero ano ba kasi itong nasa harapan ko?! Ang laking patunay na may nangyari samin.

Nako po. TADHANA, kung may nangyari man talaga.. papayagan ko na po kayong patayin ako. Pero kung wala.. kahit si Nathan na lang yung ialay ko.

Napasinghap ako nang bigla siyang humikab at dumilat. Isang malaking ngiti yung sumalubong sakin mula sa kaniya, pero imbis na ngitian ko siya ay tumingin ako sa kaniya nang masama.

Lumapit ako sa kaniya at itinayo siya. Nakatakip pa din sa kaniya yung kumot kaya no worries, hindi ako manyak. Pogi ako.

Tinitigan ko siya nang deretso sa mata niya na puno ng pagtataka, galit at pagkadismaya. Hindi ko alam kung anong reaksyon yung dapat kong gawin pero inis yung nararamdaman ko.

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang magsalita at itanong yung ikinatatakot ko. "May nangyari ba?"

Nakita ko kung paano tumulo yung mga luha niya na siyang nagpabagsak sa mga balikat ko at nakakuha ako ng tango bilang sagot mula sa kaniya.

Train to Daegu | bts m.ygWhere stories live. Discover now