Train to Daegu

27.1K 924 433
                                    

PROLOGUE

Napatingin kaming lahat sa TV nang bigla na lang nawala yung show na pinapanood namin. Napataas ako ng kilay nang parang hindi pa ata maayos yung signal nitong news channel dahil putol-putol.

"Oh! Ayun na eh! Bakit nawala bigla?!"

"A..anong nangyari?"

"Takte bitin!"

"Shet naman! Bakit nawala?"

Reklamo nilang lahat pero bigla na lang natahimik yung mga kasama namin dito sa private train nang may hindi kapanipaniwalang lumabas sa TV.

Mga sasakyang nagkatumbahan, mga nasusunog na building, mga dugo sa kalsada.. at ang hindi kapanipaniwala, madami ang patay na tao na nagkalat. Hindi ko alam kung nasa isang movie scene pa sila o ano pero hindi ako makahinga dahil sa kaba.

"A..anong nangyayari?" Tanong ni Patrice na katabi ngayon ni Alex na agad naman siyang niyakap at isinandal sa balikat niya. Tss.

BREAKING NEWS:

"Hindi man kapanipaniwala pero ang sa tingin ng ibang tao na hindi totoo, naging tunay. Zombie apocalypse? 'Yon ang tawag ng karamihan dito.. nagkalat sila kung saan saan at hindi na sila mabilang! Sa mga supermalls, restaurants, entertainments at maging sa mga studio!"

Nasimulang magpanic yung iilang tao na nandito sa tren, maging ako. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

"..Inaabisuhan namin ang mga mamamayan na wag na wag lalabas ng kani-kanilang mga kabahayan, hindi na ligtas kung lalabas tayo. Kahit saang sulok na ngayon ng bansa ay napapaligiran na ng mga bagay na ni minsan ay hindi natin alam kung saan nagmula--AAAAH tuloooong!"

Kinuha ko na yung remote at naglakas loob na patayin yung TV.

Napangisi na lang ako ng mapait sabay upo sa upuan ko, sinindihan ko yung sigarilyo na hawak ko sabay hithit dito. Kasabay ng pagbuntong hininga ko ang paglabas ng usok mula sa aking bibig.

Shit. This isn't happening! Napasabunot na lang ako sa buhok ko at tumingin sa mga kasama ko. Lahat kami hindi makapagsalita. Takot. Ayan ang namuo sa loob naming lahat.

"Cody hyung.."

Siniko ko naman si Nathan na bigla na lang sumiksik sakin. "Manahimik ka kung ayaw mong kagatin kita dyan." Singhal ko sa kaniya na halos maghysterical na ngayon dito sa gilid ko. Malayo pa ang byahe namin, tatlong araw pa kami dito sa tren at hindi namin alam ang kahihinatnan namin sa labas kung sakaling huminto na kami.

"Wag mong sabihing zombie ka na din ngayon at mangangagat ka?!" Ugh. Nakakaasar! Tingin ba nitong si Nathan e nagbibiro ako? Nanginginig na nga yung mga kamay ko dahil sa sobrang takot tapos ano? Nagagawa pa niyang mang-asar.

"Kung zombie man ako, ikaw ang unang-una kong kakainin. Leche ka." Sabi ko at saka tumayo para matanaw ko yung labas ng tren..

Nasa gitna kami ng isang malawak na lupain, ilang oras pa lang kami sa byahe na kung sana hindi na huminto pa.

Zombies..

Nagkalat na sila.. nakapatay.

Tatlong hindi nakakapakaling mga araw papunta sa Daegu.. kasama ang mga taong hindi ko naman kilala.

Ano naman kaya ang magagawa namin sa loob ng tatlong araw na yan para mabuhay?

Lalo na ngayong madami ng nagkalat na zombies at nakasakay pa din kami sa Train to Daegu?

- - - - -

A/N: Kung may Train to Busan eh may Train to Daegu din! HAHAHAHAHA

- pattatass

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon